Ewan ko. I am so not good with this.
Iniisip ko na lang na kailangan ma-experience ko din ang ganitong mga bagay. Kahit sa totoo lang sobrang hindi ko na alam kung ano pa bang gagawin ko. Kahit masakit ng sobra at mabigat sa damdamin. Kasi parang kahit anong gawin ko mali. Kahit anong sabihin ko. Ewan. Ano bang kasalanan ko. Ewan ko.
Ngayon medyo okay naman na yung nararamdaman ko at bigat sa puso ko. Hindi tulad kahapon na hinihiling ko na sana bigla na lang akong mahimatay, ma-ospital, ganon. Mamatay. Chos. HAHA! Pero seryoso. Parang winish ko na pwedeng bang magpahinga ng matagal. Yung tipong pwede bang hindi muna mag-isip ng komplikado at hindi ma-resolve na bagay kahit mga tatlong buwan lang. Yung wala kang pinagdadaanan ng mabibigat na bagay. Inisip ko rin na sana maging bata ulit ako. Yung masaya lang. Ganon. At hindi lang isang bagay ang pinag-uusapan ko dito. Lahat. Lahat-lahat ng mabigat sa loob ko ngayon. Ewan ko ba. Nagpatong-patong lahat ng isyu ko sa buhay at mga leche at bwiset na bigat sa puso. Sobrang bigat. Pero kailangan kong kayanin.
Naiinis ako sa sarili ko and at the same time naiinis ako sa lahat. Kasi bakit ba kasi kailangan pang may mga ganitong bagay. Why can`t everything just be at peace and everyone understands each other and be happy with simple things and appreciate all the good things in life.
Yes, kala mo peace ambassador?
Ewan ko. Pero wala kong magagawa dahil this is life. And it sucks.
Kailangan ko na lang mabuhay ng matatag ang puso. Basta ako gagawin ko ang lahat basta't hindi to kasalanan sa Diyos at wala akong sinasaktang tao. Maniwala ka man o sa hindi. Wala na kong pake. Pero ako kasi to. I stand up for what I believe but I do admit my mistakes. I don`t want to tolerate others' mistakes, too. I know what is right from what is wrong. I believe in God. I believe in being a better person. I agree that life may be temporary but you have to live it with love, hope, faith, and all the good things you can do in preparation for the next.
Ikaw na lang po ang gumabay sakin, Lord.