Another UWU
I remember this photo taken nung nasa bus kana, paalis nanaman ikaw. Pero lagi ko naming iniisip na babalik at babalik ka rin at kung hindi man, ako naman ang pupunta. Napakaswerte ko sa’yo, yung mas marami ka pang pwedeng pagtuunan ng pansin paglaanan ng pera pero Ayun mas pinipili mo akong makasama kahit sobrang hirap sa byahe.
Pag gising ko palang kanina Mahal, hinahanap pa rin kita. Umaasa pa rin akong isang kakausapin mo na ko at sasabihin mong napatawad mo na ako, na aayusin na natin to. Naiiyak nanaman ako, haaaaaays. kahit gusto ko nang maniwala na ayaw mo na talaga sakin, pinipilit ko pa rin yung sarili ko na galit na galit ka lang talaga pero huhupa din yan at babalik ka.
Napaka emotional nanaman ng morning na to, gaano ba kalalim ang sinasabi mong mahal na mahal mo ko? bakit napakadaling bitawan ako? Ang sobrang masakit mahal, yung alam ko talaga sa sarili kong hindi ako nagloko. naglihim lang ako sayo mahal. pero hindi ko balak na sirain tayo o mawala ka sakin. mahal.
kahit masakit na yung everyday gising at napakalungkot, kakayanin ko pa. dahil alam kong darating at darating ka ulit. Malakas ako kay Lord
MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA AT HINDI KO BALAK MAG MOVE ON SATING DALAWA.
















