Tagaktak na ang pawis ko, nanunuyot na rin ang aking lalamunan nang nang marating ko ang kanto ng Blumentritt.
Ilang araw na akong nagtatanong-tanong rito sa Tondo, Manila. Ipinagtatanong tanong kung kilala ba nila ang batang nawawala sa litratong tangan-tangan ko.
βIsang limang piso nga po nito, manang.β Bungad ko sa matandang babae na nagbebenta ng palamig, sabay abot ng bente pesos na papel.
Nang iabot niya sa akin ang supot ng palamig ay agad ko itong sinunggaban. Tila ba hindi napapatid ang uhaw ko kahit nakakalahati ko na ang inumin.
βSino iyang hawak mo? Anak mo ba?β Tanong ng matanda sa akin na siyang ikinalingon ko. Tinutukoy niya ang batang babae sa picture frame na hawak ko.
Umiling ako. Sa totoo lang ay hindi ko kilala ang batang ito, pinahahanap lang sa akin ni mama. Si Riyang.
Inabot sa akin ni manang ang kinse pesos na sukli.
Riyang daw ang pangalan ng bata sabi ni mama. Pero wala akong ideya kung sino ba ang batang hinahanap ko. Naalala ko tuloy kung paano ako pagalitan ni mama nakaraang buwan.
βAng laki-laki mo na Reya! Bakit ba ganiyan kang bata ka? Para kang tumatanda nang paurong!β Naghihisterikal na naman si mama.
βNasaan na ba ang Riyang na inalagaan ko? Nasaan na ba yung Riyang na anak ko?β Sumalampak siya sa sahig, humahagulgol na dinig hanggang kapitbahay.
Nakatayo lang ako roon, pinapanood siyang umiyak. Walang luha sa mga mata ko, pero ramdam ko ang sakit at sikip sa dibdib.
Dinampot niya ang litrato ng batang babae, payat ito, maganda ang ngiti, maiksi ang buhok at may bangs. Nakasuot din ang bata ng spaghetti strap na damit.
βRiyang anak, ano ba ang pagkukulang ko sa iyo?β Hinaplos niya ang litrato ng bata at tumingin sa akin nang may naghihinagpis na mata.
Nasaan na ba kasi si Riyang?