10 Things I want to say to ten different people right now.
Salamat sa lahat ng pag titiwala, pag mamahal at pag unawa. Salamat din sa pagsuporta sa mga bagay na ginagawa ko at sa mga pinili kong landasin sa buhay. Paensya na sa mga bagay na nagawa ko na nakapag dulot ng lungkot sa iyo. Salamat sa pagtanggap sa kung ano at kung sino man ako. Walang katumbas ang lahat ng sakripisyomo para sa akin at sa pamilya natin. Salamat sa mga pangaral mo sa akin. Pasensya na kung minsan may mga bagay tayong hindi pinagkakasunduan at sa mga oras na wala kong ibang iniisip kundi ang sarili ko. You’re the best Mom. I love you Ma.
Yung tanging lalaki na nagmamahal at patuloy na umuunawa sa akin. Salamat sa pag tanggap at sa opag mamahal. Ikaw yung taong walang kapaguran at handang gawin ang lahat maibigay lang ang mga bagay na makakapagpasaya sa amin. Salamat sa hard work mo para sa pamilya natin. Dami ko nang utang sayo kasi tuwing na sho-short yung budget ko lagi kang nandyan para tulungan ako. I love you Pa kahit na minsan para tayong aso at pusa kung mag away. Kasi naman kung kanikanino mo ako ni rereto. hayaan mo na lang ako maghanap ng llove life. ahaha. I love you Pa.
I love you bro. Ako ang panganay pero parang mas kuya pa kita dahil mas madalas mo pa ko pagalitan kesa kana Mama at Papa. Salamat kasi para lang din tayong mag tropa na laging nagsasabihan ng sikreto. Salamat din kasi kahit kelan di mo kinahiya ang pagkatao ko. In fact proud ka pa nga sakin eh at lagi mo kong pinagmamalaki sa mga kaibigan mo. Promise hindi ako magsasawang suportahan ka hanggang matupad mo yung mga pangarap mo. Basta pag may love life ka na ako una mong kwentohan ahh. Wag mag paka-fuckboi kasi wala ka namang car. Ahaha. Salamat din sa mga oras na nandyan ka pag down ako. Sana wag ka magsawa makinig sa mga kwento ko at sa mga rants ko sa buhay. Masmatured ka pa sakin kaya ikaw na ang panganay ngayon para naman kahit papaano eh bumata ako ng konte:) I love you Bro!
Hi Bunso. Salamat sa mga kabaliwan moments natin at sa pagtitiwala mo sakin lalo na pagdating sa mga kwentong buhay mo. Nakakainis lang kasi kung sino pa yung bunso sya pa yung madaming ipon at higit sa lahat ikaw pa yung may LOVE LIFE! Ahaha. Naunahan mo pa kami ni Kuya Kenneth.. Salamat din sa pagsuport mo sa kin at sa pag mamahal mo sakin ng sobra. The best ka lalo na pag papautang sakin kaso the best ka din maningil ahaha. DI din ako magsasawa na suportahan ka sa mga pangarap mo sa buhay. Kaya natin yan balang araw ikaw naman susuporta sakin pag naghihirap na ko ha. ahaha. Sana lang lagi mong pinapakain sila Muning natin kawawa naman sila ang payat na nila. ahaha. I love you Sis!
4 Years old pa lang ako at ikaw naman 5 magkaibigan na tayo. Hanggang ngayon tayo pa din yung magkasama. Salamat kasi ikaw talaga yung best friend ko. Alam ko naman na love mo ko eh. Ikaw yung tao na super kung maka support sa mga bagay na nangyayari sa buhay ko. Minsan natatawa na lang ako kasi mas affected ka pa kesa sakin pag may problema ako o kaya pag masaya ako eh mas masaya ka pa kesa sakin. Parang kapatid na din kita at parte ka na din ng pamilya namin. Salamat sa pag gising sakin tuwing umaga lalo na kung alam mong may importanteng lakad ako. Salamat din kasi lagi mo kong binubusog hindi lang sa pagmamahal kundi sa totoong pagkain din. No wonder kung bakit ang laki na natin. I love you loves. Sana forever na tayo. Walang iwanan. Best friends forever :)
My brother and sister from another mother. Kayong dalawa yung madalas na nagpapatawa at nag papasaya sakin. Kayo din yung mga number one tagapayo ko sa buhay. Kayo yung laging nagsasabi na mag ipon tayo pero kayo yung madalas walang ipon,. ahahaha. Salamat sa 9 years of friendship. Sana forever na din yung friendship natin. Pasensya na kung lagi akong late pag nagkikita tayong tatlo. Yung tattoo nating tatlo sana matupad na din para masaya. Salamat sa asaran at laitan sesh natin. Sana magka love life na tayong tatlo pero dapat walang kalimutan pag may pag-ibig na ha. Malapit na ko mag BDay kaya sana naman may regalo na ko from you guys kasi may mga work naman na kayo eh. I love you both at alam ko naman na alam nyo na yun :D
Mga tropa ko simula pagkabata. Mga taong Nagmahal sakin ng walang katulad. Parang mga kapatid ko na din. Salamat sa in you guys. Salamat sa masasayang alaala at sa mga inuman sesh natin tuwinf Sabado. Kayo yung mga tao na handang makipag patayan for me. Salamat sa mga pang-aasar at pang lalait nyo sakin. Ang perfect nyo po. Ahaha. Kahit na salbahe kayong lahat love ko pa din kayo. At di matatanggap ang pag bibintang nyo sakin na ako ang pinaka salbahe sa group natin kasi mabait ako. Walang kasing bait. Malapit na Bday ko kaya alam ko na may surpresa na naman kayo para sakin kaya excited na ko. Sana may gift din kayo for me kasi lagi na lang ako may gift sa inyo eh kayo wala ahahaha. I love yoou mga kapatid. 5years na tayo. More bonding for us.
Ang sakit. Ang sakit lang isipin na biglang ayaw mo na lang. Tapos after 1month in a realationship ka na. Ano nangyari sa 4 years, 7 months, 2 weeks and 2 days natin? Yung akala ko simpleng date lang ang gagawin natin yun pala makikipag hiwalay ka na. Ang sabi mo sakin bigla ka na lang na fall out of love. Hindi mo man lang ako binigyan ng mga dahilan kung bakit ayaw mo na. Muka akong tanga diba kasi mahigit 3 years na yung nakakalipas pero nasasaktan pa din ako pag na aalala kita. Sana binigyan mo na lang ako ng dahilan para magalit sayo ng sobra o kaya pandirian ka para naman nakalimutan na kita noon pa. Kaso wala eh. Ang hirap. Mahigit 3 years na at naka apat na partners ka na ako eto pa din, Nga-nga ! Pero sa kabila ng sakit na naranasan ko di ko pa din makuhang magalit sayo. Boring ba ako? Masyado ba akong maluwag sayo? Dahil ba di ako kasing seloso ng ibang tao kaya iniwan mo ako? Ang panget ko ba masyado para sayo? Ang taba ko ba masyado? Kulang ba ako sa effort? Ano ba yung pagkakamali ko para iwanan mo ako? hanggang ngayon ang dami pa ding tanong sa isip ko na di ko masagot. Pero gusto ko lang malaman mo na okay na ko. Mahal pa din kita pero hindi na gaya nung dati. Sana pwede tayong maging magkaibigan ulit. Sana maging masaya ka lagi kasi ako laagi kong pinipilit maging masaya. At sana wala nang ibang tao ang masaktan mo kagaya nang ginawa mo nung pinili mong iwanan ako.
Nasan ka na? Ang tagal ko na naghihintay sayo. Sana pag dumating ka wag ka nang aalis. Dito ka na lang sa tabi ko forever. Di ako perfect na partner kaya wag ka masyadong mag expect. Di din ako mayaman at lalong hindi din ako gwapo. Wala naman akong masyadong kayang ipagmalaki sayo pero pangako ko pag naging tayo sayo lang ako. Loyal naman ako. Malambing pero minsan may topak din. Maeffort naman ako at sweet din kahit di ako mahilig kumain ng sweets. Di lang talaga ako madalas mag load kaya wag ka magagalit pag di kita matitext ng “Good Morning” at “Good Night”. Lalong Hindi ako manyak tulad ng iba. Masaya na ko pag kayakap kita o kaya magkatabi tayo matulog habang hunihilik ako ng malakas. Gagawin ko din ang lahat para maging masaya ka. Mamahalin kita at aalagaan. Sana kung sino ka man ikaw na sana yung huling taong mamahalin ko at mamahalin din ako. Ang hirap kaya mag move-on.
Di na ko nagsawa. Madalas ko na nga kausapin yung sarili ko hanggang dito ba naman may “note to myself” pa ko. Ahaha! Isa lang naman ang gusto kong laging tumatak sa isip ko eh. Sana di ko na makalimutan na mahalin ang sarili ko bago ago magmahal ng ibang tao :)