Confession #2522: Gustong-gusto ko sanang ipakilala ang bago kong girlfriend ko sa pamilya ko, dahil seryoso ako sa kanya at mahal ko siya. Kaya gusto ko sana siyang dalhin sa bahay at makilala niya ang buong pamilya ko. Ngunit, nagdadalawang isip na ako matapos ko siyang ipakilala sa mga kapatid. Sinubukan ko kasi siyang ipakausap at ipakilala sa dalawa kong kapatid na babae through facebook lang muna. Pagkatapos nilang iaccept as a friend at tingnan ang pictures sa facebook, pinagsabihan pa ako, kung ano daw ba ang nakita ko sa kanya hindi naman kasi daw kagandahan, hindi naman daw kasi sexy, bakit ko daw ba niligawan. Yun na nga ba ang sinasabi ko eh, kapag hindi nila nagustuhan ang tao by her physical appearance, may masasabi silang hindi maganda. Yun ang ayaw ko sa ugali ng pamilya ko. Ipinagtanggol ko naman ang girlfriend ko sa mga panlalait nila, sinabi kong mabait siya, para sakin maganda siya lalo na ang ugali niya, pinapasaya niya ako at hindi siya masamang tao. Pinilit ko silang ichat nila sa facebook at kilalanin, ayaw daw nilang mauna. Sinabihan ko na lang ang girlfriend ko na magsend ng message sa chatbox, ayun nagreply naman sila pero ang cold, one word lang ang replies nila madalas. Ramdam ng girlfriend ko na parang wala silang gana makipag-usap sa kanya. Sinasabi ko na lang na baka kasi maraming kausap o pagod sila, para lang hindi niya maramdaman na sinasadya ng mga kapatid ko yun. Kinonfront ko ulit yung dalawa, bakit naman sila ganun, bakit hindi sila marunong makisama. Nakakasama naman ng loob kasi kapatid ko pa naman sila. Lalo pa akong nainis nung sinabi ng isa na mas mabuti pa daw yung ex ko, kasi maputi at maganda at slim, doon daw sila boto kasi bagay daw kami nun. Mga putang ina nila!!! Physical na pala ang batayan ngayon, nakakainis, napamura ako sa harap nila, masyadong mababaw ang mga sinasabi nila. Gusto ko lang namang ipakilala yung taong mahal ko, sana igalang naman nila at irespeto. Okay lang sakin kung ako ang makakarinig sa panlalait nila huwag lang yung girlfriend ko, ayoko kasing isipin niya na ganun kababaw ang pamilya ko, na hindi siya gusto physically at ayoko siyang masaktan. Hanggang ngayon, hindi ko pinapansin ang mga kapatid ko, hanggaât hindi sila nagsosorry at hanggang hindi nila alam kung paano respetuhin at tanggapin ang taong mahal ko. Alam kong mahalaga ang maipakilala ko siya sa pamilya at maging legal kami, pero iba kasi ang ugali ng pamilya ko eh. Hindi ko alam kung paano at kailan ko siya maipapakilala, sa ngayon huwag na muna.