Kasabay ng bawat pag-ungol sa pangalan mo, At indak ng katawan kasabay ang tibok ng puso, Ay ang pagsamo sa nararamdamang hindi maikubli, Na matagal nang nasasabik sa piling ng iyong bisig. Dumanas ng hapdi mula sa pagkakatali, Ang iyong mga labing naglalakbay gamit ang halik, Na pilipit binabaon ang bawat alaala, Ng mga kahapong hindi na muli matanaw pa. Mula sa pagkakapikit dahil sa hilatsa ng iyong mga kamay Dumampi na parang langit ang iyong katawan sa ganid na nahihimlay, Na takam sa laman at pagnanasang maiahon ang sarili, At simula nang umindayog sa bulong ng pangalan ko, Ay ang pagtatapos at pag-abot sa dulo. Dam'hin ang mga kamay na hahaplos sa'yo, Matulog nang mahimbing sa pag-alis ko.









