Laban ng isang sundalo
Ang pinasok ko ay tila giyera
At utak ang aking naging sandata
Pag ako ay nagtagumpay, tiyak na kinabukasan ay hindi masisira
Kung mahina ang puso, kumpiyansa sa sarili ay mabubura
Walang magagawa ang aking lakas kung ito'y gagamitin bilang sandata
Kaya pagpapataba ng utak ang aking gagamitin upang magwagi sa giyera
Ang pagtingin nila sa akin ay hindi na mabubura
Dahil sa paggamit ng espesyal na sandata
Wala sa kanilang kamalayan baka bukas makalawa ako na'y masisira
Marami na ang lumisan, pangalan ko ay susunod nang mabubura
Humihina na ang inaakala nilang pambihirang sandata
Bakit Nay? Bakit Tay? Bakit niyo ako isinibak sa giyera?
Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit mga problema ko'y hindi na mabubura!
Ikaw ang dahilan kung bakit pasuko na ang sandata
Maibabalik pa ba sa dati kung susuko na sa giyera?
Pero ang mahigit tatlong taon na pagsabak ay hindi basta bastang mabubura
Kaya hindi pa pwedeng isuko ang sandata
Hindi ko hahayaan na pati ang pangarap ko ay masisira
Kaya kailangan tumayo at magpatuloy sa pagsabak sa giyera
















