Dahil naipit ako ng ulan, no choice ako kundi mag pakaproductive lang sa loob ng bahay. Malakas ang ulan sa labas, malamig ang panahon. Ngunit imbis na magpahinga, sinamantala ko ang panahon para magcheck ng mga mid term exam ng mga bagets. Noong estudyante pa lang ako. Kaaway ang tingin ko sa prof ko. Akala ko kase pag prof ka, ang goal mo ay ibagsak ang estudyante. Parang sign un na kasing macho mo si johny bravo pag may naibagsak kang estudyante. Hindi ko maintindihan bakit ganun ang tingin ko sa kanila. May free xtra rice kaya sa canteen sa kada estudyanteng babagsak sa exam nila? O baka naman imbes 6 numbers lang ang pede nilang tayaan sa lotto e pedeng 7 or 10 depende sa dami ng estudyanteng magmamakaawang pumasa. Pero nung nagchecheck na ko ng papel. Iba yung pakiramdam. Parang ako pa mismo yung humahanap ng paraan para pumasa naman ung mga estudyante. Parang sa pagkakamali nila, parang may kirot, parang di naman masaya. Tinatanung ko lagi kung bakit nagkakamali e naituro ko naman yun ng malinaw. Bakit iba yung resulta ng exam. Nakakafrustrate na di ko maintindihan. Ganun rin kaya ang Dios pag sinusubok Nya tayo? Nayayamot din siguro Sya kapag alam Nyang naturuan Nya na ko, pero sablay pa rin. Kapag alam na alam Nyang kaya ko, pero tinamad lang ako o baka nagpadala lang sa tukso. Nagdadamdam din kaya Siya gaya ko, kapag winawalang halaga ng mga estudyante yung aralin, at madalas nagbubulakbol lang kahit anu pang ihabilin? Midterm pa lang naman. May panahon pa para makahabol. At ako, may panahon pa para magbago. Para naman kahit papaano, makapasa pa rin pag nagbilangan ng tama sa dulo.