Break na tayo (my first spoken poetry)
โBreak na tayo.โย
Sigurado akong narinig mo na rin ito. Ang tatlong salitang hindi ko alam kung makakalimutan ko pa. Nakakasawa. Paulit-ulit nalang. Bakit ba ganito? Kailan ba darating yung panahon na hindi ko na maririnig ang mga salitang ito mula sa mga taong minsan ay minahal ko at minahal ako.
Nakakapagod.ย
Hindi ko nga alam kung makakaya ko pang sumugal ulit. Masaya yung mga unang tagpo pero sa huli ay iiwanan ka rin nila. Lahat sila ay galit. Tuluyan nang kinalimutan ang lahat ng masasayang bagay na nagdaan.
Nakakapanglumo.
Baโt ba ang sobrang malas ko sa pag-ibig? Ako ba talaga yung mali? Ako ba talaga yung may kasalanan kung bakit ganito ang naging kahihinatnan sa huli?
Nakakapagod isipin. Baโt ba ayaw makisama ni tadhana sa akin? Ginawa ko naman lahat. Binigay ko naman lahat pero bakit ganun? Bakit naging kulang pa rin? Bakit hindi pa rin sapat? ย
Siguro nga kasi mahalaga ka lang talaga pero hindi ka minahal. Mahalaga ka lang pero sa oras nang kagipitan ay aasahan mong bigla siyang bibitaw na para bang wala nangyari--na para bang wala naging kayo.
Nagsimula ang lahat sa musmos kong kaisipan. Mula sa unang saya na hindi mo mapaliwanag. Mga ngiting nangungusap sa bawat isa. Mga tawa nilang akala mo hindi na matatapos pa. ย ย
Pagbubukasan ka ng pinto. Tatanggapin ang buo mong pagkatao. Mabubuo ang isang kasunduan. Isang pangako. Pangakong magkakasama kayong maglalakbay hanggang sa huling hininga. ย ย
Pero ang pangakong yun ay mananatiling pangako lang. Maniniwala ka sa isang kasinungalingan hanggang sa paunti-unti ay wawasakin ka ng iyong katangahan. ย ย
Magugulat ka sa pagdating ng isang malaking unos. Lulunurin nito ang lupa sa baha. Kasama ang pag-ibig sa mawawala. Kasama ang puso sa masasalanta.ย
At sa oras na yun ay hindi niyo na makikilala pa ang isaโt isa. At ang siyang maririnig mo lang mula sa kanya ay ang tatlong salita. ย ย
โBreak na tayo.โ ย ย








