Nahanap ko ang isang napakagandang mundo dahil sa mga gawa ng aking katabi. Ilang taon kong sinubaybayan lahat ng kanyang sinusulat at sinasabi. Tila isang mahikang hindi naaalis sa aking sistema ang kanyang pinaramdam dahil sa kanyang mga istorya, hindi lang ako ang nabaliw dahil marami pang iba. Hindi ko mabilang ang mga gabing nilunod ko ang aking sarili para lang suporthan ang kaniyang mga sulat. Ilang ngiti at luha ang kumawala sa akin dahil binasa ko ang kaniyang mga likha.
Nakipagsiksikan, nagbilad sa init ng araw, nangalay, napagod, at tagaktak ng pawis ng ako’y tuluyan na nakalapit. Kasama ang aking mga kaibigan na naiintindihan ang dahilan kung bakit. Ilang beses natulak, natapakan at marami pang iba pero sulit na nung ako’y nakakuha ng kaniyang pirma. Sa larawang ito, ng dalawang babaeng mayroong ngiti sa kanilang mga labi, may isang dakilang manunulat at isang tagahanga na naka dilaw sa gilid. Isang simpleng letrato na maaring daanan lang ng iba pero hindi nila alam ang naramdamang galak at kaba ko sa mga panahong kinuha ang letratong ito. Isa ito sa hindi ko malilimutan na pangyayari. Maaring ito ang una at pinakahuling pagkakataon na makikita ko ang isang Tina Lata sa toong buhay kaya ang litratong ito para sa akin ay hindi mapapalitan. Ang raming kong ginawa para lang malitratuhan.