Day One: Ten things you want to say to ten different people right now
Mama: Thankyou for everything. Hahahahaha even though nagtatampo ako ngayon sayo kasi di mo ako inaasikaso masyado knowing na may sakit ako, sinabihan mo pa ako na wala naman akong sakit, tapos di ka pa naniwala sakin kanina na hindi ko kayang gumalaw kasi masakit talaga pakiramdam ko. Hahahaha feeling ko talaga, ako pinaka-kawawa sa aming tatlong magkakapatid sa ganitong aspect, ako yung laging hindi nabibigyan ng atensyon, pero sinasabi mo na hindi naman, na nasa akin lahat ng atensyon niyo pero di ko talaga feel. Siguro sa pag-aaral ko kasi nga college na ako pero yung sa aspeto nga na ito, hindi ko talaga ramdam yung TLC - tender loving care.
Papi: Hi papz! Ingat ka lagi dyan sa Saudi. Miss na po kita. Di ko pa din nga dinedelete yung message thread natin sa inbox ko kasi once in a blue moon lang yun, na ganun kahaba ang text text natin. Naalala ko nung andito ka nung June, nung start ng pasukan ngayong college na ako. Araw-araw, oras-oras ka natext sa akin, kung nagkain na ako, kung nakauwi na ba ako ng boarding house ganun. Yung ayoko sana umalis ng boarding house at maglipat school kasi andami mo dun memories, ikaw naglagay nung tatlong lock nung pinto ko, ikaw nagayos nung lagayan ng tv ko tapos nagawa ng sampayan dun sa loob ng kwarto ko at dun sa baba sa kusina ng apartment. Thankyou din kasi ikaw lagi nahatid sakin sa terminal papunta Naga dati nung andito ka pa sa Philippines. Thankyou po kasi kahit na nahihirapan ka na dyan, nagstay ka pa dyan para lang masuportahan pagcollege ko lalo na magmemedicine ako. Pero sabi mo nga, magiging doctor ako, maliit na doctor nga lang.
Ate Joy: At dahil wala ka ngayon dito sa bahay, medyo masaya. Hahahahaha. Sana okay ka lang dyan sa kung nasaan kaman. Hahahaha naalala ko pa nung 3rd week ng October, nagkaaway tayo (lagi naman) tapos ayun hindi ako umuwi ng weekend dito sa hometown, dun lang ako sa boarding house kasi nga magkaiwal tayo to the point na sinabihan mo ako na papatayin mo ako. HAHAHAHA lakas mo makadroga atejoy. Lol! Kahit na malaki galit ko sayo kasi ang malas ko sayo dahil ikaw ang ate ko, okay na yan, truth hurts hahahaha. Ingat forever at sana dae man labag sa batas iyang pinagkakabusyhan mo jan sa kung hain ka man.
Bede: Hi little sis. I know hindi mo pa ito kayang basahin I mean, hindi mo pa ito mababasa ngayon pero someday, mababasa mo din ito. I just want you to know na promise, magiging mabait na ate ako sayo. Ayoko magaya ka sa akin na masama ang loob kay ate joy, na malas sa ate. Promise! Honesto. Hahahaha mag-aral kang mabuti at sana dae ka na magsugad sako na bobo sa math. Hahahahaha
Sam: Hi saaaaamanong. Hahahaha kahit na ang agap ko maging tita, okay lang yun, ikaw naman ang niece - matalino, bibo kahit 1 year old ka palang. Grabe sam, gifted ka ata? Epekto ng mga pampalaglag na ininom ni ate joy? Hahahaha sana wag mo akong makalimutan lalo na pag nagtransfer na ako ng school. Hindi na kasi ako makakauwi weekly gaya nung ginagawa ko nung andun pa ko nag-aaral sa Naga. Kasi kayong mga baby, nawawala amor niyo sa isang tao kapag matagal di nakikita, Sana lumaki kang healthy. At sana wag kang magalit sa mundo paglaki mo, sana hindi ka maging rebelde kasi nga ganyan ka - walang daddy, medyo walang kwenta ang mommy. Pero wag ka mag-alala, love ka naman namin e kaya di mo na kailangan ng daddy, hehehe oy sam tandaan mo lagi ko sinasabi sayo, na papalagyan kita ng braces at ako magpapaaral sayo. Hahahahaha
Ailene: Hi my valedictorian bestfriend! Imissyou hahahaha. Sweet ko noh? Di na ako nakakapunta sa bahay niyo. Hahaha balita ko President's Lister ka daw ng CNSC ah? Nays pahingi naman ng utak kahit sa math lang hahahaha. Yung regalo ko sayo, sa sunod nalang, di pa ako nakakapa-Naga ulit e hahahaha.
Pilyongpogii: Tugang! Hahahaha salamat sa pagiging tugang ko. Hahahaha wala e, parang ikaw pinakaclose ko sa Pobre Fam sa totoo lang. Salamat dahil kahit graduate na ako ng Lourdes eh hindi mo pa din ako napapalitan dyan sa puso mo. Yung iba ko kasing kaclose dyan sa lourdes, napalitan na ako ;( Hahahahaha. Sana kahit mag-transfer na ako ng school, na mas malayo dito sa Camarines Norte, hindi mo pa rin ako mapalitan. Hahahaha wala na sayo mapicture ng pan-DP pano yan? Hahahaha baka palitan mo na din ako? Hahaha
Batangisip: Hoy babesss! Hahaha wala lang, tenkyu sa pagiging kakulitan ko dito sa tumblr. Hahaha sana wag mo ako kalimutan kapag naging inactive na ako pero next year pa naman yun hahahahaha. Salamaaaaat. Lovelove ♥
Abbywaitingforyou: Oy gerl! Salamat sa pagcomfort saakin dati, nung nagdadrama ako about sa you know, dun sa compare-compare with my mortal enemy cheberlu. Salamaaaaaat =)))
Kamotengsaging: Oy oy. Hahahaha salamat sa pagiging suki kong pasyente. Hahahaha nakakatuwa ka talaga tbh, ambaliw mo lang. Hahahahaha. Pagaling ka na, masyado kang sakitin e hahahahaha. Ge