His words should not be taken for granted.
“Read your Bible, pray every day, Pray every day, pray every day. Read your Bible, pray every day, And you’ll grow, grow, grow. And you’ll grow, grow, grow. And you’ll grow, grow, grow. “ -children’s Bible songs
Naaalala niyo pa po ba ‘tong forever favorite pakantahin sa Sunday school ng mga teacher natin noon? Hanggang ngayon ba naririnig niyo pa ito? or hindi na?
Nakalimutan niyo na?
Grabe, ang bilis ng panahon ngayon no? Dati rati noong nag sa-Sunday school ako naaalala ko may bag ako laging dala syempre match sa damit ko at medyas ko na de-lace pa :D , nakalagay dun yung bimpo ko, tubig, biscuit -- bata pa lang ako takot na ako magutom. haha. Pero syempre andun din notebook-notebook ko maliit palang ako mahilig na ako magsulat at drawing drawing (Calligraphy, yung sulat ko ay parang drawing) :D tapos yung Bible namin noon ang laki laki (saka wala pang mga Bible app noon, ni-wala pa sa bukabularyo ko ang internet), mga Bible verse noon mas matindi pa sa assignment ng mga chikiting ngayon. Mga pabaong i-mememorize. Kalurkey!
Basta naaalala ko noon mabigat bag ko lagi, at lagi din ako nagrereklamo kay mama (pero laking pasasalamat ko ngayon dahil sa pagtitiyaga ni mama dalhin ako sa Sunday school kahit ang dami ko noong sumpong.. HAHAHA :D) - takbo takbo ako nakikipag unahan sa pila kapag communion, minsan hindi na pumipila shortcut nag aabang sa maliit na pinto ng simbahan, may secret passage kasi dun noon :D
Hindi naman ako masyado nagra-rant haha. Reminisce lang, ang saya lang alalahanin, that I was blessed na naranasan ko lahat yun nung bata ako ang panahon noon ibang iba na talaga ngayon.
Ang masasabi ko lang, let’s go back to basic -the foundation of our faith, pundasyon ng buhay nating lahat.
THE WORD OF GOD
Hindi lang po reminder para sa mga kapwa kong ‘bata’, kabataan, but this is for everyone.
Lahat ng anak ng Diyos!
Go, read your Bible and pray everyday.
(Related verses: Matthew 13:1-9; 18-23, John 15)










