Binibining hindi takot magpakatotoo—ang ngalan nya ay Santo.
Alam kung pano maging makatao, hindi takot sa sasabihin ng ibang tao.
Gumawa sya ng lugar kung saan malaya kang maging totoo;
At pag isipan ang ekspresyon na iyong gustong ipabatid sa mundo.
Mamahalin mo ang lugar na ito pati ang mga tao rito.
Unang kita pa lang sa kanya, magiging komportable ka na.
Napakagaan ng enerhiyang binibigay ni Santo,
Di mo mamamalayang tapos ka na nyang butasan sa gaan ng kanyang kamay,
Obra nyang pag iyong nakita—ika’y mamamangha.










