Book 2 Chapter III: Emotations
1. People come and go -- kahit gaano pa katagal, kasaya at katibay ang pinagsamahan, kapag umayaw na ang isa, hindi na puedeng ipilit pa..
2. Hindi laging ibig sabihin na kapag nag-aalala ako sa isang tao ay dahil in-love ako sa kanya. Masyado lang sigurong 'sweet' ang approach ko dahil 'mushy' akong tao, pero madalas nag-aalala ako dahil mas pinapahalagahan ko ang pinagsamahan.. Ganun ako eh, kahit kanino naman.. Hindi lang sa iisang tao..
3. Minsan lang ako magmahal, kaya 'pag sinabi kong mahal kita... 101% totoo 'yun..
4. Mahirap maging makulit, pero mahirap rin umarte na parang walang pakialam.. Nakakahiya man tumanggi o umayaw, magsabi ka pa rin kesa hindi ka magparamdam. A simple reply will mean a lot to a person..
5. Mas masarap na minamahal ka ng taong minamahal mo rin..
6. Mas maganda maging mayabang kesa mayaman. Ang yaman nauubos, ang yabang hindi.
7. Hindi masama ang magyabang. Ang magmataas at mangmata ng kapwa sa pamamagitan ng pagyayabang ang masama.
8. Mas mabuti na hindi mo na lang pansinin ang taong kinaiinisan o kinaaayawan mo kesa pakitaan mo ng maganda pero nakikipagplastikan ka..
9. Huwag mo iisipin na mahirap o naghihirap ka dahil ang Diyos, mga tunay na kaibigan, edukasyon at pamilya mo ay maituturing na isang kayamanan.
10. Hindi masamang magmahal.. 'yun nga lang, kung magmamahal tayo, dapat 'yung kaya nating ipagmalaki at sa paraang hindi nababawasan ang respeto ng ibang tao sa atin pati na rin ang respeto natin sa ating sarili..
11. kung mayabang ang tingin sa'yo ng iba kahit hindi ka nagyayabang.. isa lang ibig sabihin nun.. MAY INGGIT SIYA NA NARARAMDAMAN SA'YO.. BE PROUD!
12. Hindi ako against sa mga jejemons, pero sana sa mga kapwa jejemons lang nila gawin 'yung type ng pagco-compose nila ng sms.. hindi naman kasi naiintindihan ng lahat ang mga ginagawang msgs nila so useless na din 'yung msg kung ganun..
13. 'DI KAILANGAN MAGING MAYAMAN PARA MAKABILI NG BRANDED: Kung 'di mo afford bumili ng branded clothes, pumunta ka sa ukay. Pumili ka ng maayos pa. Kung malaki yung napili mo, ipa-alter mo sa mananahi para mag-fit seo. Then, labhan mo, lagyan ng fabric conditioner, plantsahin and voila! mukang bago na ulit ang nabili mo. Mas okay 'to kesa bumili ng imitation. At least hindi fake ang damit na suot mo.
14. naisip ko lang.. kung sinunod ko ang mga instincts ko noon, siguro 'di ko napagdaanan ang mga masasamang alaala meron ako ngayon.. 'yun nga lang, ang tanong, naging malakas kaya ako na tulad ngayon kung 'di ko 'yun napagdaanan?
15. Huwag mong bibigyan ng kasiyahan ang iyong kaaway.
16. Huwag kang mangangako kung hindi ka sigurado.
17. Masarap sa pakiramdam na ang pinakasimpleng bagay sa buhay natin ay naa-appreciate ng iba.
18. Dapat nating maintindihan na tayo ay iba-iba kaya naman dapat din natin intindihin ang opinyon ng iba.
19. PARA SA MGA GURO: Tatlong bagay lang kapag kinaibigan mo ang mga estudyante mo: 1. magiging kampante sila sa'yo kaya unti-unti mawala sa isip nila na ikaw ay isang GURO. 2. Papakitaan ka nila ng maganda, ngunit hindi mo alam, pinag-uusapan ka rin nila sa iba pa nilang mga guro. 3. Maging tunay silang kaibigan at manatili ang tingin nila sa'yo bilang GURO nila. TANDAAN: Huwag agad-agad magtitiwala. Kilalanin mabuti at maglaan pa rin ng gap sa kanila. Bihirang-bihira lang ang mga estudyanteng tulad ng nasa number 3.
20. Kahit gaano pa karami ang yaman mo, hinding-hindi ka magiging masaya kung wala naman 'yung mga taong nais mong makasama sa oras na masaya o malungkot ka.
21. Hindi totoo ang 'to forgive is to forget' dahil kapag ginawan ka ng masama ng isang tao, hinding-hindi mo 'yun makakalimutan.









