Nagsimula ang lahat habang naliligo ako. Oo, habang ako'y sarap na sarap sa pagkuskos ng sabon sa aking katawan ng biglang sumigaw sa tapat ng cr si Tessie na dumating daw si Anna at Mitch. I was like, huh?? OMG!
Pagkakita ko sa kanila, ayun. Nakikibreakfast na pala. Nung nakabihis na ako, nakatanggap kami ng text kay Mean:
For the record talaga! Siguro nakaramdam na si Anna na may mangyayaring ganun kaya dito na sila dumiretso sa amin. Ang problema na lang, si Nick. Baka maghintay siya dun sa LRT kaya pinapunta na lang din namin siya dito sa bahay.
Intro pa lang yan pero bakit parang ang haba na? Hahaha. Ayun, pagkakita namin kay Jaz at Mean sa LRT, diretso biyahe na. Pagkadating sa MOA, pinuntahan namin yung Toy Expo sa SMX. Tapos, kumain na ng lunch sa KFC.
Pagkakain, biyahe agad papuntang Aliw Theater at nanood ng Alamat: Si Sibol at Si Gunaw. Siyempre umidlip ako dun ng konte hahaha. Wala pang tulog eh. At pagkatapos nun, ano pa ba? Eh di ride all you can na sa Star City!
First ride: Blizzard. Warm up daw yun sabi ni Jaz. Eh first time ni Nick. Kaya ayun, nakakaaliw siya haha! Eh ang haba ng pila sa Star Flyer. Sinimulan na naming pumila. Nakakagutom talaga pumila! So kumain muna kami ng siomai ni Nick. Pagkabalik namin sa pila, si Jaz naman yung nagyayang maglibot.
So ayun, nag Dungeon kami ni Jaz. Hindi ko makakalimutan yun. Laughtrip eh haha. Ang sarap manakot sa may black light! Nahampas pa ako nung isang tinakot ko, di naman kami close.
Next ay Jumping Star. Hindi kasi mahaba yung pila nung time na yun. Usapan namin, dapat poker face lang. Challenge accepted. Eh natatawa kami ni Jaz kaya ayun, close enough.
Pagkatapos nun, naglakad-lakad lang kami sa Kilabot ng Mummy. May gagamba daw dun na nalalaglag eh wala naman. Haha.
Pagbalik namin sa pila ng Star Flyer, medyo malapit na sila sa entrance. Kaya kami muna yung pumalit. At sa wakas, after 2 hours nakarating rin sa entrance. Yes, entrance pa lang. Pero mabilis na lang din yun. Nagsimula na silang kabahan. Si Anna nga naiiyak na eh hahaha. Nung nakasakay na kami, si Nick yung katabi ko. Syempre sa harap kami. At isa lang ang masasabi ko. ANG DALDAL NI NICK. Grabe, ganun pala siya kapag kinakabahan hahahaha! Nung natapos na, tuwang tuwa ang loko. Gusto pa ata umulit.
Sa Viking naman sunod na nagkayayaan. Sigawan pa sila sa una. Nag video pa nga si Jaz eh. Nung natapos, ayun KO sila. Mga nahihilo't nasusuka na. Sa'kin walang epekto hahaha. Yun tuloy yung naging last ride ko. Astig diba? Nyay. Hindi ko man lang naexperience yung Surf Dance at lalo na yung Star Frisbee. :(
Nagkayayaan na umuwi. Late na din kasi. Pero nagpasama muna si Mitch kasi may bibilhin daw siya. Habang bumibili kami, nag Gabi ng Lagim pa yung iba.
Dumaan muna kami sa Hongkong Area para bumili ng souvenir items. Tapos, di ko expected yung mga sumunod na nangyari. Basta. Haha.
Ayun umuwi na kami. Challenge din pati paguwi. Walang MRT/LRT eh. Eto ang Star City experience na hindi ko malilimutan. Masaya ako kasi kasama ko ang close friends ko. Every moment was awesome.