Tara! Lakad tayo sa hapon. 💕
Ang cute talaga ng calico cat ng kapitbahay namin! Feeling niya ata mommy niya rin ako kasi "nililigawan" niya yung pusa kong si Tobi. 🥺 Kada lalabas ako, sinasalubong niya agad ako para magpapet. Kanina nga, may lumapit din sa aking aso para sumalubong. Tas winawagayway yung buntot niya.
Pagdating ko sa kanto, nakakita ako ng isawan. 😭 Noong paglabas ko kasi, nakasalubong ko yung mga original na nagtitinda ng isaw na binibilhan ko talaga (kasi alam kong malinis sila maggawa). Kaya lang, wala silang tinda ngayon. Itinuro nila ako roon sa kabila, pero sabi ko, “Ehh, mas masarap po yung sa inyo, eh.” Natawa na lang sila bago ako nagpaalam.
Ang dami ko kasing alam na bilhan ng isaw, pero kapag hindi malinis, hindi na talaga ako umuulit. Pero bukod doon sa isa kong paborito (na hindi ko alam ang pangalan haha), malinis din pala maggawa rito sa bagong isawan na nakita ko. Grabe! Sobrang nakakahappy kasi ilang buwan na rin akong hindi nakakakain ng isaw. Ang tagal ko na itong cravings!
Balut naman ang isusunod ko sana, kaya lang hindi na dumadaan dito yung paborito kong magbabalut. Ang liit kasi ng isaw ng balut niya (hindi kasi ako kumakain ng sisiw, naaawa ako kapag nakikita ko yung tuka hahaha).
Meron pakong namimiss!! Yung peanut butter na orange yung takip. Ang sarap kasi nun, compared sa mga nabibili na mahal sa supermarket. Bakit wala na nun dito?! 😩
Meron pang isa akong namimiss….
Grabe rin pala, ang sakit ng ulo ko pagkagising ko kanina. Pero nung naglakad-lakad ako sa labas, biglang nawala. Yun nga lang, pag-uwi ko, sumakit na naman bigla.
Feeling ko di na talaga kaya ng gamot tong headache ko. Lambing na kailangan nito para mawala. Forehead kisses? Yakap? Kiss? Ewan. Hahahaha.
Ilalakad ko nalang nang ilalakad to kada namimiss kita. Pambihira!!!













