Introduction
Hi, Guysicles. Ako nga pala si Ate Giggle. Ang cute no? Palayaw ko 'yan sa bahay. 31 years old na ako. Tubong Calamba City, lugar-kapanganakan ni Jose Rizal.
Honestly, 'di ko alam kung bakit dito sa Tumblr ko uli naisipan magbukas ng blog. Siguro kasi dito ko mas safe nararamdaman na ilabas ang thoughts ko. Hindi sa Tiktok, hindi sa Reddit. Dito, walang magcocomment or wala akong pakialam sa likes or shares. Just my thoughts and what I go through in life.
2 years ago my Dad died. It was heartbreaking. We were going through memories until we realized, wala nang masyadong naiwan si Dad. Wala na yung mga printed photos namin together, nung lumalaki kami at sobrang limitado lang ng pics na meron kami sa social media. We were kinda estranged kaya konti lang din memories namin together na pisikal na nandito s'ya kasama namin. I realized, I should have made more effort to get to know him - his thoughts, his perspectives. I don't want to die like that. Somehow gusto ko may maiiwanan ako ng mga naiisip ko, mga experience ko, mga masasaya at malulungkot kong mga kwento.
So, I'm starting to write today to commemorate my life. I want to write things that have changed me that I think kahit papa'no will have impact sa makakabasa nito.
I'm hoping to write every day. Sana masunod ko. So, ayun. Nagsusulat ako bilang Ate. Sa payo, sa kwento, sa experiences ko. ๐ฅฐ Ayun lang muna, bbye.














