Bar.
I.
Sa kinabukasan na puno ng pagbabago Hindi ko sukat akalaing possible ito. Milya ang ating layo. MIlya milya ang layo. Wala tayong inisip Pinairal lamang ang mga puso. At susubukan kung hanggang saan tayo tutungo.
II.
Nagkita tayo sa lugar Sa lugar kung saan ay maraming malungkot. Kung saan ang lahat ng problema’y nililimot. Madilim at biglang liliwanag. Mga usok ay sumasayaw Boteng kumakanta Para ang mga tao’y sumaya, At sa mga puso’y mawala ang poot.
III.
Matanong ko lang, Masaya tayo diba? Nagkita nga tayong may ngiti sa ating mga mukha. O ito’y sadyang maling akala? Bakit ba tayo nandito? Hindi tayo para dito. Mali. Isang malaking pagkakamali. Hindi ito ang lugar para sa’tin. O hindi ito para sa akin? At hindi ka rin para sa akin?
IV.
Hindi napigilan ang bugso ng aking puso. Sa sobrang bilis ng takbo nito, Nadapa ito sa isang maling tao. Sinubukan lang pala talaga kung hanggang saan tayo tutungo. Ni hindi nga tayo nakalayo. Hanggang dito lang pala talaga tayo
V. Pasenya na. At pinapatawad na rin kita. Sa paggamit mo sakin, Para hanapin iyong sarili at pagwasak ng aking damdamin.













