Sabi nila, moving on takes time. Totoo naman yun eh. Nagbreak kasi kami ng boyfriend ko kagabi. Sabi ko sa kanya na hindi ko sya deserve at kung anu-ano pa pero ang totoo, in love na kasi ako sa best friend ng boyfriend-ay ex-boyfriend ko na pala. My status? It's complicated.
Sorry naa, hindi ko naman sinasadya eh. Ang alam ko lang bago pa kami magbreak ni Matt, mahal ko na yung.. sya.. si ano.. si Elmo Magalona; kung paano sya manamit, yung mata nyang parang tinutunaw ako kapag tumitingin sya, yung matangos nyang ilong tapos yung labi nyang parang laging inaakit ako para lang sa isang halik. Sabi sa inyo eh. Mahal ko na nga yung bespren nyang yun.
Don't get me wrong ha? Minahal ko si Matt. Sobra pa nga sa inaakala ko eh. Pero.. Pero kasi ayoko ng lokohin ang sarili ko. De leche naman kasi, sobrang bait nya. Lahat na lang nasa kanya na. Perfect boyfriend na nga kung iisipin at alam kong hindi ko sya deserve.
Text Message: Matt mi love <3
Nakalimutan ko palang baguhin pangalan nya sa contacts ko. Oh well, last naman na.
Baby, I know you didn't mean everything you said last night. Pagbalik ko, we'll fix everything, okay? In the meantime, keep safe. I'll see you after the outreach program. I love you, Julie, lagi mong tatandaan yan. -M
I rolled my eyes after reading his message. Hindi nya ba naiintindihan? Tapos na kami and there's nothing he can do about it. Except maybe move on. Oo, unfair ako dahil parang niloko ko lang sya in the last few days of our relationship pero sana naman sineryoso nya yung sinabi ko sa kanya kagabi. Ayoko na syang saktan pa.
I was busy thinking of a way para hindi ko masaktan si Matt with my words, a month from now, nang biglang may kumatok sa pintuan ko. Wala naman akong inaasahang bisita ah. Sino kaya to?
Napako ako sa kinatatayuan ko. Bakit? Bakit sya nandito?
"Ano ba yan? Alam ko namang gwapo ako tsaka malakas talaga hatak ko pagdating sa mga babaeng maganda tulad mo pero di mo man lang ba ako papapasukin?"
Nawala ako sa shocked state ko at hinampas hampas sya.
"Kapal talaga ng mukha mo, Elmo!"
"Oh, ayan na po Mr. Magalona. Eto na po kape nyo, nahiya naman po kagandahan ko sa sobrang pagkabossy mo po. Nakakahiya po talaga. Kasi po hindi ako naghahanda para sa Grand Opening ng store ko next next week no? Medyo di naman po ako busy."
Rinig na rinig mo yung sarcasm sa boses nya kaya natawa na lang ako. Macho talaga tong si Julie. Ang sarap sarap pa inisin kasi ang cute cute nya kapag nagagalit. Kaya para mas mainis sya, pinatong ko yung paa ko sa may coffee table at mas lalo pa akong sumandal sa sofa.
Tumaas ang kilay nya sabay sipa ng paa ko.
"Araay naman, Julieeee!!!"
"Nahiya ka pa humiga no? Baka gusto mo dun ka pa sa kwarto ko matulog para di ka naman po nahihirapan, Mister. Sobrang nahihiya po kasi yung may-ari ng condo na to."
Julie, ang cute cute mo. Hahaha. Wag kang ganyan, baka tuluyan na kitang agawin sa kanya kasi baka mahal na nga talaga kita.
Nakita kong namula sya, titigan ko ba naman eh, sabay hawi ng mukha ko. Pakiramdam ko namumula din ako.
"Alam kong maganda ako pero kawawa naman yung mga lalaking magkakandarapa pa sakin kung tutunawin mo lang ako ngayon."
Hindi ko na napigilan. Dahil nakatayo sya sa harapan ko, mas nadalian akong hawakan yung kamay nya. Napatingin naman sya ulit sa akin, mas lalo syang namumula at pakiramdam ko, ako din, at pinipilit nyang agawin yung kamay nya na mahigpit kong hawak ngayon.
"E..Elmo, y-yung kamay.. Mag..maghuhugas p-pa ako.."
Nayuko ako. Dinala ko yung kamay nya sa labi ko at marahan ko itong hinalikan.
"Julie.. pano kung.. pano kung.."
I met her eyes that were already looking at me.
"Paano kapag nainlove ka sa taong.. b-bawal mong m-mahalin ka..kasi alam mong may masasaktan ng sobra.. Ipaglalaban m-mo ba s..sya o.. o.."
Hindi sya nagsalita for a few sconds pero bigla syang yumuko at unti-unting ngumingiti tapos tumawa sya bahagya.
"Kung mahal mo talaga sya, gagawin mo lahat para mapasayo sya. Kasi paano kung sya na pala talaga yung para sayo? Papalagpasin mo pa ba yun? Paano kapag may minahal pa ulit syang iba? Mas pipiliin mo pa bang masaktan kesa magmahal kasama sya?"
Bawat salitang lumalabas sa bibig nya, parang mas lalo lang yata akong nahuhulog, mas lalo ko syang minamahal.
"Pero siguro, itatanong mo na naman kung paano na kapag hindi ka nya mahal pabalik." Tumango ako tapos ngumiti naman si Julie. "Mahalaga pa ba yun? Lahat tayo dito sa mundo, may karapatang magmahal at mahalin. Mahal mo sya? Edi ayos. Mahal ka din nya? Edi mas okay! Aarte ka pa? Wag na! Echosero ka pa naman!"
Tinawanan ko na lang sya.
"Napaka hopeless romantic mo talaga, Julie Anne."
"Che! Ikaw tong nagtanong tanong tapos ako na naman nakita mo. Sapak you want? Tsaka pakibalik naman po yung kamay ko, mag.. magluluto pa po ako. Tama! Yun!"
"Sabi mo kanina maghuhugas ka? Kinikilig ka lang eh."
Namula sya sapay hampas sakin at takbo sa kusina.
Sana tayo nalang talaga, Julie. Pero mahal ka ng best friend ko at hindi ko sya kayang saktan. Sana dumating yung panahon na.. na pwede na tayong dalawa. Ang tanong, makakapaghintay ba ako ng ganun katagal kung abot na abot na kita?
Hindi ko na maintindihan si Elmo. After kasi nung tanong nya, sobrang sweet nya sakin. 1 week na ang nakakalipas at araw-araw, pinapadalhan nya ako ng iba't ibang regalo.
Hindi ko na idedeny, oo, gusto ko at kinikilig ako sa ginagawa nya, pero parang weird kasi wala pa naman syang sinasabi tungkol sa nararamdaman nya sakin.
As a girl, syempre mas gusto kong sya magconfess diba? Tsaka ayoko ding mag-assume kasi natatakot akong masaktan. Para din akong naghahabol kung ganun. Grabe talaga utak ng mga lalaki no? Di man--
"Oh Elmo! Nandito ka pala!"
Inikot ko ang mata ko sa kwarto at isa isa sinamaan ng tingin si Livy, Elle, Pia and Hes.
"Kayo, bwiset talaga kayo. Ewan ko bakit kaibigan ko kayo."
Tumawa naman silang apat. Parang mga ewan talaga, ako na naman trip. Nandito sila ngayon kasi pinaplano namin yung Grand Opening ng store ko na next week na.
"Sabi na eh, si Moks lang talaga katapat nyan eh." Sambit ni Livy habang tawa pa rin ng tawa.
Sinakyan nman ni Elle at Hes yung sinabi nya. Mga baliw na talaga.
Elle: Oo ngaa.. Hes! Hes! Omigosh! Heeess! Sagipin mo akoooo!
Hes: Whyyy, my dear Elle?
Elle: Nalulunod kasi ako sa lalim ng pagmamahal ni Julie para kay Elmo eh! BOOM FANEYS!
Tinakip ko yung dalawang kamay ko sa mukha't tenga ko. Nakakahiya na silaaa.
"Hay nako! Yang pagiging dedicated mo dyan sa best friend ng ex mo, ha. Nakakahigh! Juice colored!"
Exaggerated naman tong si Pia. Pero wait..
"Juice colored?" Nagtataka kong tanong.
"Dyos ko, Lord. That's what she meant." Sagot naman ni Livy.
"What? I'm so confused.. Di ko gets."
Tinawanan lang nila akong apat. Hala! Ano ba kasi yun? Di ko maintindihan! Juice Colored? Gusto ba nila ng orange juice? May red juice ba? Di ko talaga gets.
"She was trying to say, 'Diyos ko, Lord!' pero instead sabi nya Juice Colored. You know.. Ju..ice.. Co..Lored.."
Hindi ko pa rin nagets pero after a few seconds, napatawa na lang ako ng malakas. Yun pala yun!! Gosh nakakahiya! Gets ko na!
Sinabayan din nila akong tumawa tapos sabay sabay silang nagsalita.
"ELMO! PUNTAHAN MO NA NGA SI JULIE! HIBANG NA! WHERE YOU?! GRABE HA? JUICE COLORED! HAHAHAHAHA."
Elmo's condo is so much more organized than mine. Baliktad no? Hahaha. Dito naman daw kami sa condo nya kasi lagi na lang daw dun sa condo ko. Ayaw nya daw na napapagod ako maglinis. Sweet no? Kaasar.
Kasalukuyang nakasandal ako sa kanya habang naka-akbay naman sya sakin. 2 weeks na kami ganito kasweet. Siguro, siguro time na para pag-usapan namin ang best friend nya. Paano na lahat ng to kapag bumalik sya?
"Babygirl, okay ka lang? Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo today."
Inangat ko ang ulo ko sabay halik sa kanya. Wala na eh. Di ko na kayang itago pa. Kapag dumating si Matt, maari kaming magbago kaya kung magsisimula na yun ngayon, I'll just take the risk. Pero nagulat ako when he suddenly kissed me back. I broke the kiss sabay titig sa kanya.
Ngumiti lang sya. Tapos hinalikan nya yung noo ko sabay pikit ng kanyang mga mata. Namumula ako, sigurado na. Humiwalay muna ako sa yakap nya at nagpasyang maligo muna.
"Moey boy, ligo muna ako. I'll use the bathroom in your room and the clothes I left last time."
He protested like how I expected he would pero at the end nanalo din ako.
The whole time I was in the shower, iniisip ko lang yung meaning nung halik. Paano kasi, hindi sya nagsalita pagkatapos. Is that a good thing or a bad one? Nakakainis naman kasi! Ngingiti-ngiti lang! How am I supposed to know how he feels kung hindi nya sinasabi sakin?
Sa loob ng mahigit 30 mins ko dito sa bathroom, parang ang tahimk yata sa labas. Nagpapanic tuloy ako. Nagmadali akong matapos then nagmamadali din akong nagbihis. Nagpunta ako sa may mirror para magsuklay pero may nakadikit doon na sticky note.
Whenever I see your beautiful face
My heartbeat fastens its pace.
For I'm addicted to whatever you do
You don't know this but I love you.
"I love you?" Naiiyak nako ha. Ano na namang pakulo to, Magalona? Nagtungo ako sa may pinto at lalabas na sana kaso may nakita na naman akong sticky note.
Don't you dare shed a tear
'Cause I'm just making myself clear
Since the beginning when you captured my heart
Why don't we give a chance for this love to start?
Umiiyak na talaga ako ng sobra, grabe. Eto na yun. Pagbukas ko ng pinto, puno ng kandila yung condo nya. May rose petals din na nagtuturo sakin kung saan dapat pumunta. Huminto yung trail ng petals sa may veranda. Wow, candle light picnic for two. Pagkalapit ko, biglang may lumitaw na lalaking nakasuot ng tux. Ang gwapo na, sobrang sweet pa. Pano nya nakuhang magprepare in 30 mins?
Kinuha nya yung kamay ko. Tapos lumuhod sya sa harapan ko. Ano bang ginagawa mo Elmo?!
"Julie. Wag kang magalala, hindi pa ako magpopropose sayo. Mga next month pa hahaha. Ngayon, gusto ko lang malaman mo.. na mahal.. na mahal.. na mahal.. na mahal kita. Alam ko, may unfinished business pa kayo ni Matt pero hindi ko na kayang itago. Nahiya naman ako sa FBI diba? Hahahaha."
Natawa din ako bahagya. Pero paano na lang kapag bumalik na sya? Ititigil na lang ba namin lahat ng 'to?
As if he can read my mind, he responded.
"Can we please just cross the bridge when we get there? Ramdam ko naman na mahal mo din ako. So can we give ourselves a chance? A chance to love? A chance to be free?"
"Moey boy! Samahan mo ako maggrocery bukas, please?"
I can smell the perfume from her room. Bigay ko yun sa kanya ah? Napangiti ako sabay sagot, "Yes babygirl. I'll go wherever you want to go."
Her head popped out of the bedroom door then ngumiti sya.
By this time, tuluyan na syang lumabas and.. wow.. Calling her beautiful won't even describe how.. how stunning she looks. That red dress compliments her body so well, I don't even think she knows how mesmerizing she looks. And her hair looks so perfectly done. She's definitely a goddess in disguise.
Today's the day for the Grand Opening of her store and I'm a tad heck lucky to be her escort. Hanggang tingin lang sila kasi.. akin na sya. Yes, sinagot nya ako the day after I confessed na mahal ko sya. Kitams, sabi sa inyo, mahal din ako nyan eh tsaka sya kaya unang humalik sakin. Gagawin ko pa rin naman yung surprise pero that kiss gave me more confidence and I'm glad I pushed through.
"Elmo Magalona! Tutulala ka na lang ba dyan? Tara na! Ayoko malate!"
"Grabe naman kasi, babygirl. You look so.. so.."
"Hot? Alam ko. Hihi. Thanks Moey boy."
Ninakawan nya ako ng halik tapos tumakbo sa may pintuan.
"And I know na hindi mo ako mareresist kaya peck muna. Leggo mahal koo!"
Tumawa ako at pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya, I held her hand then I kissed her forehead.
"I love you, i love you, i love you."
"I know! Mahal din po kitaa. Hahaha, tara naaa. Mamaya na pagpapakilig!"
Nginitian ko na lang sya't lalabas na sana kami nang pagkabukas namin ng pinto, may lalaking nakasuot na suit at handa ng kumatok. Nanlaki ang mata naming dalawa ni Julie.
Yun lang ang sinabi nya tapos hinalikan nya ang babygirl ko. Aba! Akin yan, uy! Jealousy clouded my mind and seeing him do that made me forget that we've been best of friends for more than 10 years because what's mine is mine and even though she was once his, she's mine now.
Natapos naman ng maayos yung Grand Opening, they liked what we showed them therefore, we are ready to operate. Everyone was there, my bestfriends, my family and of course, the two people who has been keeping my night complicated. Dikit ng dikit sa akin si Matt at si Elmo naman, walang imik. Ayoko ng ganito. Ayoko na back to zero na naman kami.
At the end of the night, hindi ko na kinaya, kinompronta ko na si Matt para lang once and for all, maintindihan nya na hindi ko na sya mahal. Na may iba ng nagmamay-ari ng puso ko. At kahit alam kong nasaktan sya ng sobra, kinailangan nyang malaman ang totoo.
"No. Please don't call me that."
Kumunot ang noo nya. "What do you mean? Yan naman ang tawag ko sayo dati pa ah."
"Dati pa yun, Matt. Dati pa, noong tayo pa."
"Julie naman, pagtatalunan ba natin to? You were being impulsive. Impossibleng hindi kita deserve."
Umiling na lang ako. "Please lang, Matt. Ayoko ng saktan ka. Pagod na pagod nakong madisappoint ka. Hindi mo ako deserve, period. Hindi ako ang para sayo. Sana matanggap mo yun."
Nakikita kong naluluha na sya. Crap, ayoko ng ganito eh. Ayoko.
"Please Julie. Don't break up with me, mahal na mahal kita. Bakit? May iba na ba? Sigurado ka bang mahal mo sya? Sigurado ka bang mahal ka nya? Kasi ako Julie-"
"Oo! Oo sigurado akong mahal ako ni Elmo! Sigurado din akong mahal ko sya! Mahal na mahal ko ang best frined mo, Matt! Mahal na mahal ko sya."
Pagkatapos non, nagulat sya at yumuko. Pagkatapos ng ilang segundo, ibinalik nya ang tingin nya sakin tapos.. ngumiti sya at bahagyang tumawa habang tumutulo pa rin ang mga luha.
"Sabi na nga ba. Tama nga ako. At kahit anong pilit ko, kayo nga talaga ang para sa isa't isa."
"Tuwing magkakasama tayo, marami man ang tao o kahit tayong tatlo lang, kapag tumitingin kayo sa isa't isa, para bang wala ng ibang tao sa paligid nyo. Sa tuwing nagaasaran kayo, parang wala man lang awkwardness. Tuwing ngumingiti ka sa kanya, naiinggit ako kasi alam kong.. alam kong kahit anong gawin ko, sya na talaga ang laman ng puso mo. Nung una kitang pinakilala sa kanya, nakita ko kung paano nagbago lahat at kahit na sobrang sakit para sa akin na aminin na kailangan ko na talagang gawin 'to. Gagawin ko kasi mahal kita, Julie. I love you so much that I'm letting you go."
Sobrang thankful ako na mabait si Matt. Sabi sa inyo eh, hindi ko talaga sya deserve. Isa na lang ang pinoproblema ko, galit pa sa akin ang Moey boy ko. Grabe naman kasi magselos! Papatulong na nga lang ako sa mga friends kong lukaret.
"Girls! I need help. Boy problem! Si Elmo kasi.. juice colored! Yeah.. yup.. okay! See y'all now. Ay hindi bukas pa, gusto mo, Pia? Che! O sige na, bilis! Miss ko na yung Moey ko! Anong yuck k...."
Ready nako! Umuwi pala sa house ng parents nya tong si Magalona. Nako, pabebe! Si Matt naman, nagpaalam na sakin, pupunta na daw syang US and good luck daw kasi madrama daw talaga tong si Magalona. Tignan lang natin kung uubra sya sa gagawin ko.
Nagpaalam na ako sa mama nya para sa gagawin namin ngayon kaya ayan, we're all set. Thank goodness at nakisama tong mga best friends kong may mga saltik.
"Okay, ready girls? In 5..4..3..2.. ELMO MAGALONA! PARA SAYO TO! PLEASE PANSININ MO NAKO! Go!"
(Note: Play 'If Love's A Crime' here if you have it already. Kapag wala pa, aba i-download mo na yan! Bili na din ng Deeper album. Hahaha. Hala, sige basa pa sa kasabawan ko. :p)
It cannot be, they told me
Our love is hard as another's undertaking
Bumukas yung bintana nya. Unti-unti syang dumudungaw. Gwapo talaga kahit na nakasimangot.
This might be true, I say to you
But it's there you are mistaken
Ngumiti ako sa kanya pero nakatingin lang sya sakin.
Something as beautiful cannot be taken
Ayaw nya ba yung kanta ko?
Yesterdays pass swiftly
And tomorrows don't come soon enough
Sinara nya yung bintana nya.
"OY! Teka! Di pa ako tapos!"
Pero hindi nya pa rin binubuksan yung bintana. Ay ganyan. O sige.
Look into my eyes and hold me closely
For me to hear your whispers in the wind
There will come a day when our love's no longer a crime
From that moment I'll keep you 'til the end of time.
Tinapos ko lang yung chorus tapos pinapatigil ko na sila. Baka nga ayaw naman talaga sakin ni Elmo. Ganun lang siguro sya kasi naawa sya sakin. Haaay.
"Girls, thanks ha? Kahit fail."
"Sus! Wala yon! De leche tong Magalona na to, sya na hinaharana, pabebe pa. Bwiset!" Livy.
"Oo nga! Pasapak ples?" Elle.
"Choosy sya ha? Goodness, nahiya ang pagkadyosa natin." Hes.
"JUICE COLORED! ELMO MAGABWISET! WALA KANG KARAPATANG HINDIAN ANG ISANG DYOSA! TANDAAN MO YAN!"
Naiiyak ako pero to kasing si Pia eh. Hahaha. Eto yung mga times na helpful yang pagiging saltik nila. Thankful--
"Ang ganda talaga ng boses mo babygirl, kaya mas lalo akong naiinlove sayo eh."
Biglang may yumakap sakin galing sa likod. Kabisado ko na to. Naiyak lang ako lalo. Hinarap nya ako sa kanya tapos hinawakan nya yung mukha ko.
"Leche kaaa! Akala ko ba ayaw mo nung kanta ko? Ano peg mo? Pamanly ka?! Leche! Ikaw na hinaharana, ikaw pa masungit! Inabala ko pa naman silang apat oh! Tapos gaganyan ganyan ka ngayon?! Ano?! Magsalita kaaa!!! Siguro di mo talaga ako mahal no? Pakshet ka! Ayoko na sayooo!! Ganyan ka ba talaga? Mas madrama ka pa sa lola ko eh! Sipain kaya kita dyan!"
Tignan mo 'to. Tinatawanan lang ako! Anong nakakatawa?!
"Ano na namang tinatawa-tawa mo dyan? Pinahiya ko na sarili ko tapos ganyan ka? I hate you na talagaa!"
Niyakap nya lang ako tapos hinalikan nya yung noo ko.
"Wag na wag mong iisipin na hindi kita gusto, aagawin ba kita sa best friend ko kung hindi? Kung pwedeng pwede lang na pakasalan kita ngayon, as in now na. Dito, ngayon, kanina ko pa ginawa. Kasi mahal na mahal na mahal kita."
Siguro, mukha na akong kamatis sa itsura ko ngayon.
"JUICE COLORED! KISS NA! IKAW NAMAN PABEBE NGAYON, JULIE ANNE!?"
Rinig ko ang pagtukso ng mga kaibigan ko na sinabayan ng mga kapitbahay nya. Bakit di ko napansin na lumabas sila?
Ngumiti ako sabay yakap sa kanya, aarte pa ba ako?
"Mahal din kita, Moey boy."