Sa panahon ngayon, big deal pa nga ba kung hindi kana virgin?
Para saakin hindi na. Una-unahan lang kasi yan.. Laganap na sa pinas ang ganyang isyu. Sanayan lang yan. Kaya dapat tayong mga kabataan maging open-minded nalang sa mga ganong bagay. :) Nagegets mo ba ako? or you need some further explanation?
Ganito kasi yan mga iho iha, ang pakikipag talik ay hindi masama. Nagiging masama lang to sa paningin ng mga taong makikitid ang utak.
Oo marahil maraming mga bata ngayon ang biktima ng pre-marital sex, e kailangan na natin silang husgahan ng ganun ganun nalang. Hindi natin alam kung anong kwento sa likod ng aksidenteng nangyare sakanila. Oo lumandi sila, nabuntis sya, nakabuntis sya, pero di ibig sabihin nun kailangan na nating tapak tapakan ang pagkatao nila. Lahat naman tayo dadaan dun, nauna lang sila.. Marami akong kilalang biktima neto, karamihan aborsyon ang nagiging solusyon.
Oo masama talaga yon. Pumapatay kana dun e. Pero kung mag iisip ka ng mabuti. Makikita mo ang bright side ng abortion. At kung pag iisipan mo pa ng mas malalim, maiintindihan mo ang mga taong gumagawa neto. Aminado akong masama yun, pero kung hindi naman kayang suportahan ng magulang ang nabuong bata. Mas maganda ng agapan to. Na hwag ng ipasilip sa sanggol ang maruming mundo. Maging wise ka. Be practical. Di sa lahat ng oras kailangan mong magpaka anghel. Tao kalang nag kakamali. (Hindi ko sinasabing maging legal ang aborsyon, ang point ko dito is subukan nating intindihin ang mga taong napapasok sa ganitong problema.)
Buksan natin ang isip natin mga kaibigan, di porket maagang nabuntis e makasalanan ng tao. Lahat ng bagay may rason kaya nangyayare..
Hwag mong sabihing sobrang linis mo dahil virgin kapa. Virginity lang yan, anytime mawawala yan. Hindi ko sinabing sumang-ayon kayo sa mga sinabi ko. Nag labas lang ako ng opinyon ko tungkol dito. Nasa sayo na yan kung pano iintindihin.