Dear,
Alam kong madaming bagay akong iniisip sa ngayon. Madalas nakukulangan ako sayo, naghahanap ng mas better version mo, yung mas makakabuti. Minsan hindi lang naman “para sakin” yun pero “para sa atin”. Paano ako magiging strong kung nagtataka o kaya andami kong tanong?
Hinihingi ko lang naman na maging mas comfortable ka sakin. Isang buwan nalang, walong taon na tayo. Minsan hindi mo padin masabi sakin ng diretso yung mga bigla nalang pumapasok sa isip mo. Hindi ka nagiging honest sakin. Malalaman ko nalang sa huli, pag pina-amin ka pa nga minsan. Though sige simpleng bagay lang naman yung mga yon, pero yun na nga. Kung sa simpleng bagay hindi mo na masabi, paano pa kung mabigat na.
Madami lang talagang emotions na pumapaligid sakin ngayon kaya lahat napapansin ko talaga. Minsan hindi mo alam pero nakakaramdam ako ng pagiging neglected. Parang sige hayaan nalang, kasi okay lang naman ako lagi. Minsan pag gusto kong kausapin ka pa, feeling ko nasa limit na. Syempre diba may times na I need extra, extra love, time and care.
Sana lang mapag-usapan na natin lahat ng mga bagay na mas matured ang pag-iisip. Hindi na pwedeng sige nalang. Kailangan nga ng mga salita, conversation, hindi oneliner.
Sabi ko nga sayo, sabihin mo lang kahit alam mong magagalit ako, kasi doon mararamdaman kong buong buo yang pagiging honest mo. Kahit naman anong mangyari, hindi naman kita iiwan.









