Habang nakatayo ako
Nag-iintay sa mga tao sa paligid ko,
Napatigil ako at napaisip
“Paano nga ba maging masaya ulit?”
Habang masaya silang magkakasamang tumatawa,
Heto ako sa isang sulok
Nag-iisip kung paano itutugma ang mga salita.
Saan nga ba nagsimula ito?
Saan nga ba napunta ang mga tawa at ngiti ko?
Bakit nga ba ako nagkaganito?
Bakit nga ba puro lungkot nalang ang nadarama ko?
Sinubukan kong tumakas,
Pero bakit sa bawat pagtakas ko ay hinahabol ako?
Hinahabol ako ng sakit, ng alaala, at ng problema ko.
Paano nga ba matatapos ‘to?
Gusto ko ng matapos ito.
Kailan nga ba darating ang WAKAS ko?














