Sobrang swerte nila. May napapagsabihan sila ng mga problema nila. May nakakausap sila araw araw. Merong tao na nakakakilala talaga sa kanila. Merong tao na may malasakit talaga sa kanila at hindi sila kayang mawala.
Tapos eto ako. Ni totoong kaibigan hindi ko alam kung meron ako. Pag nawala ako, dalawa lang naman sigurado akong malulungkot.
Sya, at ang pamilya ko.
Kung di dahil sa pamilya ko, di ko na alam magagawa ko.
Ngayon lang ako gumawa ng ganto. Di ko alam kung makakatulong to. Hindi ko na kaya eh. Nakakatakot humingi ng tulong, yung mga tinatawag ko na kaibigan di ko alam may sinasabi na pala sayong hindi maganda, nakakalungkot lang. Kaya di ko rin naman maaasahan. Baka wala pang pumansin sakin. Kasi wala namang nakakaalala sakin. Wala namang nakaka appreciate. Pag nawala ako, baka nga di naman nila mapansin.
Akala ko madami akong kaibigan...
Akala ko lang pala
Kaya dati pa lang sinasanay ko na sarili ko na hindi umasa sa iba.
Kasi alam ko naman sa bandang huli, sarili ko lang maaasahan ko. Sarili ko lang mag mamahal sakin.








