Hinggil sa Pagbabanibagong-hubog
Pagpapanibagong-hubog? Ano ba yun? Buzz word na naman? Pa-deep chuwariwap?
Ewan ko sa inyo pero ang ganda nya talagang salita. Sa English, remold sya. Pero parang mas naka-capture sya kapag Tagalog.
Pagbabanibagong-hubog. Bagong hubog. Bagong form. Talagang bago. Yung remold kasi parang may iaadjust ka lang sa current form. (Charot ang daming sinabi.)
Pero sa mas malalim na pagkakahulugan, ito yung prosesong sinasagawa ng mga rebolusyonaryo, o maging ng mga karaniwang indibidwal, na nais itakwil ang sarili nila na nahubog sa bulok na lipunang ito.
Para maintindihan ang konseptong ito, kailangan muna nating alamin kung ano ba umiiral na kultura sa ngayon. Dahil ang Pilipinas ay isang mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan, nag-aanak ito ng burges at pyudal na kultura.
Unahin muna natin yung burges. Ito yung mga kagawian natin na gusto laging nagpapakasasa tayo sa sarap at ligaya. Yung lagi nating unuuna ang pansarili kaysa sa iba. Indibidwalismo, ang pinapalaganap ng sistemang kapitalismo. Yung sarili nalang natin kaginhawaan nalang ang iniisip natin. Bahala na yung iba dyan.
Pinakamatining na halimbawa nito ay ang pagiging late ng mga tao, lalo na yung mga kabataan. Dahil nga sarili lang natin iniisip natin lagi, wala tayong pakialam sa oras ng iba. Ang mahalaga ay nakatulog tayo nang maayos, nakakilos tayo nang naaayon sa kagustuhan natin. Yung pagiging liberal din natin. Di na tayo nakikinig sa sinasabi ng iba. Kasi tama ako, mali sila. Di natin binubukas sa iba ang mga ayaw natin sa kanila. Pake ko ba kung ganyan sya? Siya lang din naman ang kakamuhian ng iba. Kaya palaging mainit ang ulo mo sa kanya.
Yun, ganyan ang burges na kultura.
Sunod naman ang pyudal. Grabe ang deep? Ano na naman yan? Pyudal, galing sa pyudal na sistema ng lipunan. Tulad ng relasyon ng panginoong may lupa o landlord at ng kanyang mga peasant. Sa ganyang kaayusan, may makapangyarihan at may sunud-sunuran.
Ano bang ginagawa ng landlord sa kanyang mga peasant? Dapat laging sumunod ang mga pesante sa landlord kundi, bye bye ka nalang. Sila kasi ang may hawak ng economic power kaya sila ang dapat masunod. Yung iba pa nga, ginagawa talaga nilang katulong ang mga magsasaka, para lang makapagpatuloy sila sa pagsaka at mabayaran ang utang nila. Ironic noh?
Kaya ganyan ang pyudal na ugali. Namana natin sa mga panginoong may lupa. Ano naman mga halimbawa nito? Sino kadalasan ang may tendisiyang ito?
Dahil nga nakahalaw ito sa pyudal na kaayusan, kadalasan umiiral ang pagiging pyudal ng isang tao ay kapag meron itong posisyon, kapangyarihan o heirarchy. Madalas itong nakikita sa pinaka basic na unit ng ating lipunan. Ang pamilya. Sina nanay at tatay. Dahil sila ang nagpapakain sa atin, sila dapat ang masusunod. Mula sa kung anong oras dapat umuwi, sa kung anong course ang kukunin, pati hanggang sa anong gusto nilang maging. Shut up ka nalang, bawal sumagot, kundi ikaw ay isang inggratang walang respeto sa kanyang mga magulang.
Sa classroom, si teacher naman. Siya lagi ang tama. Yes sir. Yes ma'am. Bukambibig nila, respetuhin mo ako dahil guro ako at estudyante ka lang. As if naman binabatay ang respeto sa posisyon mo at hindi dahil ginagalang naman talaga lahat ng tao. Dapat masunurin ka sa kanila lagi. Bawal ka magreklamo. Nasa dulo ng ballpen ko ang grado mo!
Ang usapin ng kasarian ay mahigpit nakaugat din sa pyudal na kultura. Bakit nga ba may patriyarka? Bakit may misogyny, homophobia? Dahil sa lipunang pyudal, lalaki ang umusbong na taga-hanapbuhay, habang ang mga babae ay pambahay lamang. Kaya ayaw na ayaw ng mga lalaki na nakakaangat ang mga babae sa kanila dahil nasanay silang sila ang may hawak ng economic power na nageextend hanggang sa iba't ibang aspeto ng buhay.
Sa mga organisasyon naman, iyong mga nasa pwesto, gustong sila lagi ang masunod. Minsan nampapowertrip, lalo na sa mga bago.
Sa personal na obserbasyon namin ng mga kasamahan ko, mas maigting ang pagiging pyudal ng mga tao sa kanayunan (rural), kaysa sa pagiging burges. Kabaliktaran naman ng mga nasa kalunsuran (urban). Kasi nga naabatay ito sa kung anong klaseng lipunan tayo exposed.
Ayown. Iyon ang burges at pyudal na kultura.
Natamaan ka ba sa mga halimbawa? Syempre, lahat naman kasi tayo /sinanay/ na maging ganyan ng sistemang ito. Doon kasi mas nakakaganansya ang mga naghahari. Kapag ganyan ang ugali natin, edi di sila mahihirapang pahirapan tayo diba. Kaya nga kung nais natin sila mapabagsak, kailangan nating magpanibagong-hubog. Iyan ang pinaka-esensya nito.