Isyu:
Unemployment/Pandarayuhan
Tauhan:
Fely
- Biyudang ina
- Mabait at maunawain
Kiko
- Isang ama na namatay dahil sa disgrasya sa trabahong pinapasukan nito
- Masipag o matiyagang ama
- Mahal na mahal ang kanyang pamilya
Franko
- Kaisa-isang anak nila Fely at Kiko
- Mapagmahal, maintindihin, at matiisin na anak
Chong Pogi
- Kapatid ni Fely
- Hindi nakapagtapos
- Walang trabaho
- Abusado at adik
Aling Susan
- Isang Kapitbahay
- Tumatayong lola ni Franko
- Mapagbigay kay Franko
Amo
- Isang abogado
- Matapat at matulungin
Maaaring Tagpuan:
- Nakatira ang pamilya sa Calamba, Laguna.
- Namasukan naman bilang OFW si Fely sa Dubai.
Gagamiting lente:
Ang gagamiting lente sa istoryang ito ay Ikatlong panauhan o 3rd POV at Ikaunang Panauhan o 1st POV.
Maikling kwento:
Padayon
May isang pamilya na simpleng namumuhay sa Calamba, Laguna. Hindi ito mayaman ngunit ating makikita na tila puno ito ng pagmamahalan sa isa’t-isa. Binubuo ng tatlong miyembro ang pamilya, ang tatay na nagngangalang Kiko, ang ina na nagngangalang Fely, at ang kanilang munting anak na si Franko. Si Kiko lamang ang nagtatrabaho upang maitaguyod nila ang kanilang pamilya. Ngunit habang tumatagal, tila ba nahihirapan na ito dahil nagkukulang na ang kaniyang sahod dahil nahahati na ito sa pangagailangan ni Franko sa kaniyang edukasyon, bigkas ni Kiko “Hindi na natin kinakaya ang mga gastusin lalo na’t madaming kakailanganin ang ating anak para sa kaniyang pag-aaral”. Napagtanto na nito ng mag-asawa dati pa habang lumalaki na si Franko, maaari na rin lumaki ang kanilang gastusin. Dumating na nga ang araw, na umuuwi si Kiko na walang pambili para sa kanilang pagkain dahil halos lahat ito ay kanilang itinatago para magamit ni Franko sa kaniyang pangangailangan dahil tutungtong na ito ng high school. Nagkaroon ng mahaba-habang usapan ang mag-asawa, wika ni Fely “Aking asawa, kakailanganin ko na atang magtrabaho upang maitaguyod natin ang ating mga utang at gastusin dito sa bahay at para na rin sa hinaharap ni Kiko”. Una, ito ay tumatanggi dahil ayaw niyang nahihirapan ang kaniyang asawa, pero sa kinalaunan pumayag din ito at sinabing “Mahirap mang pumayag ngunit iniisip ko ang kapakanan ng ating anak na si Kiko, alagaan at huwag na huwag mong pababayaan ang iyong sarili”.Si Fely ay nagtanong-tanong ng mga pwedeng mapapasukan nang biglang may isa siyang kaibigan na nag-alok upang mag trabaho sa Dubai at sinabing “Kumare, ‘di ba naghahanap ka ng mapapasukan? Mayroon akong alam na pwede mong mapasukan at titiyakin kong aalagaan ka at hindi ka pababayaan, ngunit ayos lang ba sa iyo kung ito ay sa ibang bansa?”. Agad-agad naman itong sumang-ayon at sinabi nito agad sa kanilang pamilya. Nang marinig ito ni Franko, ito ay nalungkot at nangamba dahil malayo ang kaniyang ina sa piling, wika niya “Inay, hindi ko po kakayaning mawalay sa inyong piling” napahagulgol sa iyak si Franko, pagkatapos ng kanilang pag uusap ay wala namang magagawa si Franko kaya tinanggap na lamang niya ang naging desisyon ng kanyang ina. Malapit na nga lumuwas itong si Fely nang nabalitaan niya na na-aksidente ang kaniyang asawa na si Kiko,nagdasal ito sa panginoon, “Panginoon, Iligtas niyo po ang aking asawa. Kailangan po namin s’ya at kapag nawala po ito ay wala na po akong kasangga”, sa ‘di inaasahang pangyayari ay binawian ng buhay ang kan’yang asawa kaya ito’y napaaga sa pag-alis niya para may pambayad sa pagpapalibing at sa mga gastusin. Nailibing na nga ito at masakit man isipin, kailangan niya pa rin umalis dahil na rin sa siya na lamang ang tanging makapagbubuhay sa kaniyang anak. Dahil wala na nga rin itong makakasama, ito ay pinaubaya muna kay Aling Susan na kanilang kapit-bahay at sinabing ayos lamang ito. Nagkaroon na nga ng sahod si Fely at nais niya ito ipadala sa Pilipinas upang magamit ni Franko. Naatasan na si Chong Pogi ang kumuha ng ipinapadala nito upang ibigay kay Franko. Ngunit ang hindi alam ni Fely, ninanakaw nito ang kaniyang mga padala at ginagamit sa mga masasamang bisyo. Dahil doon, walang nakakain ang kaniyang anak at tanging si Aling Susan na lamang ang tumutulong dito. Nang tumagal pa, naging adik na si Chong Pogi at umabot na ito sa punto na kaniyang inaabuso si Franko “Anong tinitingin tingin mo diyan? Wala akong maipapakain sayo at pumunta ka roon kay Aling Susan” wika ni chong pogi habang nagsusugal. Walang kaalam-alam si Fely sa mga pangyayaring kahit pa halos araw-araw naman silang nagkakausap ng kaniyang anak. Kahit na natatakot si Aling Susan ay naglakas loob itong mag sumbong kay Fely, hindi niya na kinakaya na makita ang bata na may mga pasa at sugat sa kaniyang katawan. Nangamba at nagulat naman ito dahil sa hirap nang kalagayan ng kaniyang anak. Dali-dali itong nagpaalam sa kaniyang amo at nagtaka naman ang kaniyang amo “Anong nangyari Fely? Bakit nagkagano’n ang iyong anak” tanong ng kanyang amo. Sinabi naman ni Fely ang dahilan, at bigla na lamang ito nag-alok na kaya niyang proteksiyunan ang kaniyang anak laban sa kaniyang kapatid “Ako ay isang abogado, maaari ko kayong tulungan at sa ganoong paraan ay masuklian ko ang iyong kabutihan sa pagiging katulong at kasangga ko dito sa bahay”. Laking gulat niya nang nalaman niya ito, ito naman ay mangiyak-ngiyak at nagpasalamat nang sobra-sobra “Huh? Isa po kayong abogado at tutulungan ninyo po ako? Dios ko po maraming maraming salamat po” wika niya. Nakauwi na nga ito at halos manginig ito nang makita niya ang kaniyang anak na puno ng pasa at sugat “Patawarin mo ako anak, hindi ko inisip na maaaring gawin ito saiyo ng aking kapatid at ipinagkatiwala kita sakaniya”. Walang kaalam-alam si Chong Pogi na uuwi pala ang kaniyang kapatid. Nang makita niya nga ito sa kanilang bahay ito ay nagulat “Oh ate andiyan ka na pala, hindi mo man lang ako sinabihan na uuwi ka na pala” kinakabahang pagbigkas ni chong pogi. Naghihinala na si Chong pogi sa kilos ng kanyang kapatid at nagtangkang tumakas ngunit huli na ang lahat dahil may mga pulis na nag-aabang. Nahuli ito at makalipas ng ilang araw, nagpunta ito sa korte at ipinakulong si Chong Pogi sa tulong na rin ng kaniyang amo. At dahil doon, napagpasiyahan niya na isama na lamang sa susunod si Franko sa Dubai.
Tema:
Ang tema ng aming kwento ay maihahanay sa maraming paraan na ating nararanasan at makikita sa totoong buhay.
- Gagawin ng magulang ang lahat para sa kanyang anak
- Maging matiwasay sa pagpili ng pagkakatiwalaan, kamag-anak man o hindi
- Sa hirap at ginhawa kasama mo ang iyong pamilya
- Marami pa ring tao ang handang tumulong para sa iba
Mensahe:
Ang sino mang magulang ay handang isakripisyo ang lahat upang ang kanilang anak ay mamuhay ng mapayapa at masaya. Ang tanging ligaya nila ay makita lamang na hindi nahihirapan ang kanilang anak. Mga Miyembro: Del Mundo, Angelle Franchinne Serrano, Isabel Victoria Capinlac, Dennice Fate Lobo, Gerome
















