Nakaka-ganda ng mood kapag malinis yung bahay noh? Maaliwalas, malinis tapos mabango. Kaya ko nasabi yan? Kasi naglinis ako HAHAHAHA malinis naman na talaga yung bahay, I mean hindi ako mapakali kapag feeling ko hindi ko nalinis kahit half day lang ganon. And hoping Pj will have some time by the month of August kasi gustong gusto ko na pumunta ng farm. Almost 5 months na din akong hindi napapasyal, hindi ko na alam kung okay pa ba yung lugar. Last na punta ko wala na mga puno ng mangga, and I want some update din sa mga farmers dun wala lang, nakaka-miss kasi yung place. Nagpa-flashback lahat ng memories nung nagstay kami dun. Kasi we have a thousands of chicken, almost 30 goats, 8 dogs, 2 cats and 2 kapre, chariz! Pag nagising ako ng 5:30am yan pa yung blue hour, ang peaceful ng lugar why? Wala kaming neighbor haha tapos basta iba feeling, wala kang problema ganon tapos tamang luto lang before lunch talagang bukid vibes then movie marathon pag umuulan habang nakain ng champorado o sopas. The best! hays hahahahaha










