Aktibista..
Sino nga ba sila? Sila yung mga taong nakikita mo o naririnig mong nagrarally sa kalye, yung halos mawalan ng boses kakasigaw at kakapahayag ng damdamin. Meron din namang mga aktibistang, ballpen at papel ang sandata o yung pagsulat ang ginagamit na pagpapahayag. Ginagawa nila ito upang mamulat tayong mga kababayan nila sa maling sistema, sa mga katiwalian at korupsyon, lalong-lalo na ang pang-aabuso ng mga makapangyarihan. Andiyan ang pagnanakaw ng pera ng bayan, pagkamkam ng lupa ng mga mga magsasaka at kung ano-ano pa.
Habang ipinaglalaban nila ang mga maling nakikita nila, habang ipinararamdam nila ang pagmamahal nila sa ating inang bayan at sa ating kapwa nila. May mga taong sadyang pinipigil at pinapatahimik sila. Yung pagpapatahimik sakanila, minsan pang habang buhay..
Bakit ko nga ba naisipan gawin tong blog na toh? Bigla kasi pumasok sa isip ko toh habang nanonood ng storyline. Topic nila yung mga dinukot pinatay na aktibista. Nung mapanood ko, di napigilang kumuha ng papel at ballpen, sinimulan ko magsulat ng nararamdaman ko para narin mabuo toh. Aaminin ko, tumaas respeto ko sa mga aktibista.
Hindi ko alam bakit pinipigilan silang mag salita, bakit kailangan silang abusuhin? Worst is ung iba pinapatay pa. Kawawa naman yung mga pamilya na namatayan at yung mga pamilya ng mga dinukot. Yung iba kasi hindi na natatagpuan pa, ngunit patuloy silang umaasa. Grabeng pagmamalabis ang ginagawa sakanila ng mga nasasagasaan nila. Siguro nga'y totoo ang mga pinagsasabi ng mga aktibistang ito dahil pinatahamik sila eh. Pero..
Ano bang mali sa ginagawa nila? Mali bang ipag laban nila ang karapatan nila? Mali bang ipaglaban ang tama sa mali? O maling ipaglaban ang nakakabuti para sa ating bayan at sating mga mamamayan?
Studyante lang ako.. At kadalasan studyante/kabataan ang malakas ang loob sa pagpapahayag. Kaya nga may freedom of speech diba? Asan ang demokrasya kung pipigilan ang lantarang pagpapahayag? Wala sigurong aktibista kung tama ang pagpapalakad at walang mali o mga katiwalian..
Hiling ko ay hustisya para sa mga nagbuwis ng buhay at walang awang dinukot pinatay, at katatagan ng loob para sa mga patuloy na nakikibaka at nakikipag laban. Saludo ho ako sainyo ma'am at sir..
Opinyon ko lamang ito at wala akong pinapanigan, at higit sa lahat simpleng mamamayan lamang ako na nagpapahayag.
Ang tanong ko..
KUNG TATAHIMIK KA NALANG BA SA MGA MALING NAKIKITA MO, PANO NALANG ANG NASIMULAN NILA? SIGURO DAPAT SATIN MAGSIMULA NAG PAGBABAGO, HINDI KAILANGAN MAKIPAG RALLY SA KALYE O KUNG ANO PA MAN, SIGURO AY DAPAT UMPISAHAN NATIN SA ATING MGA SARILI, SA TAHANAN AT KOMUNIDAD. ANO SA TINGIN MO? :)











