9/27/2023 5:49am mnltime
Ayan kana naman. Umagang umaga umiiyak ka, umagang walang tulog. Umiiyak mag-isa, ang bigat bigat para bang may dumadagan sa puso mo na napaka bigat. Ang sakit sakit pero wala kang masabihan. Di mo alam kanino ka magsasabi o maglalabas ng mabigat sayo. Ang kaya mo lang gawin, umiyak ng tahimik. Gusto mong iyakan yung buong buhay mo. Pakiramdam mo mag-isa ka lang kahit na napaka daming tao nakapaligid sayo. Akala nila lagi kang masaya, lagi kang Ok. Di nila alam na umiiyak at minsan gusto mo nadin sumuko. Gusto ko na bumitawwww. Ang lungkot lungkot. Di ko kailang ng iba para sumaya ako, kaya kong gawin para sa sarili ko yun. Alam ko sa sarili ko malakas ako pero may mga ganitong oras na kailangan ko may masabihan kase di sa lahat ng oras kaya kong maging malakas. May oras na naghihina na ako tulad ngayon. Inhale exhale inhale exhale inhale exhale













