Kanino mo pwedeng sabihin na pagod ka na?
Yung parang naiwan ka sa lugar na paulet ulet ang pangyayare? Di ka makatakas. Yung nag uumpisa pa lang, alam mo na agad ang kahahantungan. Nakakapagod pero nasanay ka na.
Sobrang sanay ka na, na ultimo sakit na naramdaman mo parang wala na lang. Dati halos para ka ng mamatay, ngayon, isa o dalawang patak ng luha na lang.
Sanay na, pero di ibig sabihin na di ka na nasasaktan.












