Ang Pagbaha ng Mapula
nakahiga siya sa batis, pinapalibutan
ng mga kongkretong baybayin, humuhugis,
     mag-isa
dumadaloy mula sa bunganga. ang ilog
makapal, makulimlim. ang langit
patuloy sa pagtulong hindi niya hinihiling.
 ilang         daang      alon   pa ba
    ang tatanggi       sa   pag-agos
        ng   kalooban    na
  papatak    din  .   umaanod     na
    ang      kapaligiran     at    siya'y
                  mauubos  din    .
















