Today, we had a confrontation with my MIL, usual naman sa kanilang mag-nanay yun, lalo na't hindi nagsi-stick kay MIL yung lahat ng effort at care na binibigay namin sa kanya. Expenses and all, kahit sa mga travels palagi siyang kasama ni wifey, even before pa maging kami. Pero this time medyo na-hurt ako para kay wifey, dahil nandun ulit kami kila MIL para tulungan siya with her problem sa pensyon niya.
Habang inaayos ni wifey yung pensyon, nakita ko na medyo napabayaan na yung ref niya at nabubulok na yung mga laman sa loob, so i took the initiative to clean it kasi nga matanda na at yung panganay nilang lalaki na kasama ni MIL walang kasilbi-silbin sa bahay. Nandun lang siya naliligo at di rin kami pinapansin dahil ang issue naman niya sa amin, sa amin kasi pinagkatiwala yung naiwang kotse ng isang kapatid nila na nasa US ngayon. So, nagagalit siya kesyo pano kapag may emergency daw, eh ang totoo lang naman gagamitin niya lang yun sa mga lakad niya at pagpapa-pogi niya. Hindi niya kami pinapansin for more than 5months now at nagchat din kay wifey ng masasakit na salita, pero hindi ko na binasa, sabi ko kay wifey para kako hindi nalang masira yung pinagsamahan as a BIL.
Then eto na nga, lumabas ako ng bahay para linisin yung mga tray ng ref dahil sobrang mabaho at may amag na, habang nagkakainitan na si wifey at MIL. Pumasok na ako dahil tinawag niya ako at aalis na nga daw kami. Hanggang sa marinig ko kay MIL na wala naman nagmamahal sa kanya kundi yung dalawang babaeng anak niya na doktor at govt employee, nung marinig ko yun, nasaktan ako para kay wifey kaya napasagot na din ako kay MIL, sabi ko nga "grabe naman po kayo", nandito nga kami para tumulong at di rin niya alam na kami ang kumakausap sa mga magkakaptid para magtoka-toka ng pagdadala at pagdalaw sa kanya. Hanggang sa tumaas na din yung boses ko at nadinig nga ng kuyang magaling. Eh di lumabas ng banyo ang kuya, tinuturo niya ako at minura, habang papalapit siya, inunahan ko na ng braso sa leeg niya, tapos nung kukuha na siya ng boteng panghampas habang paurong siya, dinikdik ko na siya sa pader para ma-disable hanggang sa hinead-lock ko na siya. Sinubukan ko siya hatakin palabas ng bahay para dun nalang magkasuntukan kung babagan lang ang gusto niya, kaso umatras siya dahil natibo din nung mga nabasag na baso at inaawat din siya ni misis. Lumabas naman ako at pumunta dun sa mga trike boys dahil kilala ko din naman sila kahit papaano. Nagpalamig ako ng kaunti, at hinihintay ko kung kakalma yung sitwasyon, nung lumapit ako sa gate, nakita ko na sinusuntok niya yung asawa ko sa ulo, dun na talaga ako nagalit at sinugod siya at pinagsusuntok sa tiyan. Hindi ko siya sinasapak sa mukha dahil ayoko din talaga na nananakit ng ibang tao, more on disabler ba, hanggang sa na-bearhug ko siya at tinulak papuntang gate nila wifey at dun ko siya trinap, dun ako nagpatawag ng barangay at sinabihan ko si misis na tawagin yung panganay ng kuya niya. Akala pa ng kuya niya bubugbugin ako ng anak niya, eh kami halos nilalapitan nun tuwing may problema yung bata.
Dumating na yung panganay at yung walang kwentang barangay, at nagplano na nga kami na ialis si MIL dun sa bahay para mapa kalma, ang kaso nung paalis na kami, aba itong kupal, binato yung kotse namin ng malaking bato, nayupi yung hood namin at tumama sa windshield, buti nalang talaga hindi nabasag, kundi panigurado nagdilim na paningin ko nun, pero bumaba pa din ako at humabol ako ng sapak sa mukha, tinamaan ko naman yung kupal, sayang talaga di siya na KO, nagtago sa sulok habang inaawat ako nung mga tao, ganun siya ka walang kwenta.
Buti nalang talaga nakalaya na si mama dun na kami dumeretso para magunload after ma-settle si MIL at ibang relatives. Grabe talaga yung mga taong walang dinulot kundi puro pasakit, lalo na kay wifey, kaya sinasabi ko na sa kanya, i want to cut our ties dun sa family niya. Kahit kako kay MIL dahil wala naman din siyang na-appreciate sa mga ginagawa namin sa kanya, kahit yung apo niya gustong gusto siya alagaan, parang tumatagos lang sa tenga niya. Ewan badtrip talaga... Pero okay naman na kami ni wifey... Nandito lang ako lagi para sa kanya... Badtrip talaga mga kupal na lalaki sa mundo...
Lagyan natin ng update, so, kanina, pumunta dito yung isang ate ni wifey, kwento-kwento ganyan, so, galing nga daw sila kila MIL, at ayun nga, nilinis niya na daw yung ref. Siya na daw yung nagpasok nung naiwan na nililinis ko na ref compartment. Almost 3 weeks na ba ang nakalipas? ni hindi man lang nilinis nung kumag na yun yung ref nila? Imagine that, ganun ka-walang kwentang nilalang, ref nalang hindi pa malinis. Kahit pan-langgas niya sa sugat niya inutos pa dun sa kapatid. Lakas talaga maka-init ng ulo. Anyway, ewan, bahala na sila sa buhay nila.












