Last Entry.
Hi, Since ikaw lang naman yung pinagbigyan ko ng link na ito dito for the purpose of saying whatever I want to say to you to avoid sparking an arguement . This is going to be my last entry in this blog, Looking back its not all bad memories naman, SInce We started being a couple everything seems to be okay, masaya , kilig and always excited to what’s gonna happen next. You were very supportive back then while me on the other hand have really high hopes and dreams laging motivated to do more in life. Mayabang ako, Oo pero mataas ang pangarap, I have tried a lot of things just to be successful and to provide you the best options in life. Being successful is really hard sobrang hindi siya madali pero I never stopped trying hard. Always trying to defy what the normal norms dictate about having a 9-5 job . Fast forward, mas marami kapang moments na nag doubt ka sa capabilities ko bilang isang tao and its really draining especially for a person who is trying really hard to make it big in life. Hindi na healthy pero I stood up and endured everything on my own. I may have a lot of mistakes sobrang dami hindi ko naman pwede isisi sayo ang mga naggawa ko pero ganun yung naramdaman ko hindi ko makita sayo yung support kahit na naawardan ako sa mga career na tinatahak ko ibang tao bilib na bilig sa kakayahan at skills ko pero sayo lahat wala lang.
Dad died, everything was shattered I was forced to be the breadwinner of the family . Maraming beses na nakiusap ako sayo na palipasin muna ang grieving ko pero looking back madaming beses pading nauna ang attitude mo yung pang mamaliit mo, Even may nakarating sakin na inaasa ko sayo yung pang araw araw ng pamilya namin for which is not 100% true. You were every insistent to help pero ako ayaw kong tanggapin fully dahil alam kong kapag nagkaron na naman ng away isusumbat mo ang lahat ng yon.
Napansin ko mas nagiging successful ako knowing na ako lang yung naniniwala sa Vision at dreams ko at hindi na ipipilit sayo ever. Nakita ko sa ibang tao totoo yung hinahanap hanap ko sayo na confidence at tiwala na kaya kong maging successful mga hindi ko pa kaano ano. Never kitang pinagtaasan ng boses, pinagbuhatan ng kamay at tiniis ko lang lahat ng doubts sobrang hirap nun knowing na supposed to be partner mo for life ay walang tiwala na may maggagawa kang mabuti at magiging successful ka. hindi ko na idedefend ang sarili ko pero sa realization ko kailangan mahalin ko naman ang sarili ko, at bigyan ng respeto ang sarili ko. Alam ko na alam mo na hindi talaga bebenta ang dahilan mong nagmamagandang loob sayo yung si Paolo at nagrereview ng phone mo kaya ka kinukuhanan ng picture . Masakit pala pag sayo na nangyari hindi ko kayang tanggapin pinipilit ko pero mahirap at hindi talaga doable sakin na okay kalang kapag meron akong sobra na maiproprovide pero kapag problema na o kaya kailangan ko ng kausap sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob ay wala. Huwag na tayo maglokohan hindi na kita pipigilan hahayaan na kita kung diyan ka masaya. Siguraduhin nalang sana natin na magampanan natin ang obligasyon natin sa ating mga anak sila yung pinakamahihirapan dito sa magiging sitwasyon pero pipilitin kong maging madali para sakanila ang lahat. Pero baka mauna pakong mamatay kapag pinagpatuloy ko pa itong pag-asa at pagsuyo. Looking forward parang hindi ko na kaya magtiis na minamata, minamaliit at sinusumbatan from time to time. Now I’m setting you free and myself free from us.
Kailangang mayroong matira sa sarili ko, hindi sa pagiging makasarili ngunit marami ang nakaasa sa akin at hindi ako pwede mag fail. Mahirap na ang everyday struggle pero wala na yung makakapitan kong inaasahan kong makakasama sa mga pangarap.
Tutal palagi mo namang sinasabi na hindi mo na ako nakikita sa picture ng future kahit na wala pa yung mga current na problema nating dalawa. Palagi kanarin lang nagsasabi ng tapos.
Laking gulat ko nga, after ng Malaman ko yung sa inyo ni Paolo biglang naging desidido kana talagang wala na. Para akong nauntog at nagising sa katotohanan. Goodluck as inyo. Ipagdarasal ko na sana makayanan nating abutin ang pangarap ng bawat isa kahit na hindi na tayo kabilang sa mga yon at may kanya kanya na.
Magsisimula na akong mag move on, Dahil mukhang ikaw okay kana . Maraming Salamat nalang sa lahat.
















