Jennifer Bernardo’s 17th birthday..
Jennifer? Faye? Definer her.. :
HAHAHAHA-HAPPY BIRTHDAY FAYE FAYE!!! Kamusta na? Tangina di na tayo nakakapagkuwentuhan! Pagbalik ko dyan yung regalo mo, kiss at hug. HAHAHAHA! :*
Sya yung pinaka malakas mang-alaska samin. Sya yung pinaka suplada. Sobrang mapambara.. at higit sa lahat SUPLADA ulit. :)))
Mahirap pakisamahan ang ugali ni Faye. Seryoso. Sobrang hirap. Ako nga, tinitiis ko lang e. HAHAHAHA! Joke lang Faye. :3 Kapag close mo na yang babaeng yan, masarap kasama yan. Bawat word may pambara, bawat word may mura. Tangina Faye, magbago kana, hayop na to. Masama mag-mura ha? Tsk.
Yang babaeng yan, sya yung kayang kaya nyang tiisin lahat ng bagay. Kaya nyang mabuhay ng walang tulong ng iba. Independent kasi masyado. Sya yung babaeng pagkatapang tapang. Pero kapag yung kahinaan nya natamaan mo, iiyak yan. Lalambot. Di mo nalang malalaman, umiiyak na yan. Nakakahawa yan kung umiyak. Natatandaan ko pa nga noon, nag-break sila ng Ex nya, umiiyak sya, syempre kaming kaybigan nya umiyak din. Ewan ko ba. May power syang ganun, yung mandamay. HAHA!
Si Faye, sobra yan kung mag-mahal. Kapag minahal ka nya, wag mo na syang pakawalan pa.. kasi yung pagmamahal mo sakanya, mas matindi pa yung ibibigay nya sayo. Ganun yan. Ayun nga yung hirap sakanya e, kaya kapag nasaktan. Ayan durog na durog. Wasak na wasak. Siguro naman natuto na yan ngayon. Matatag na yan e.
Sobrang may takot din to sa Dyos. Mabilis makonsensya. Taong simbahan yan. Yun nga yung maganda sakanya e, kasi kahit na sobrang taray nya, napaka God-fearing nya talaga..
Marami kaming kalokohan nyang babaeng yan. Simula elementary palang. Bestfriend ko sya. As in lahat ata alam nya. Hindi ka kasi mahihiya magsabi sakanya ng mga bagay bagay.. kahit na yung mga bagay na sinasabi mo sakanya tatawanan nya lang sabay babarahin ka. Tas tatawa kana, yun palang wala na yung problema mo e, nakalimot na.
Iba yung ugali netong babaeng to. Oo kilala ko na sya. Kababata ko to e. Hanggat kaya mo syang intindihin, intindihin mo. :3 Kapag naging close mo tong taong to, kahit kaaway mo, kaaway nya na din. Kakampihan ka nya sa lahat.. kahit na minsan ikaw na yung mali. Hindi sya marunong mang-iwan, lalo na kung may problema ka. Sakanya ka lumapit, kahit na walang kwenta mga advice nya, sure ako, tatawa ka :))
Miss na miss ko na to.. kasi nung highschool kami sya yung kasama ko sa lahat, tawanan, kalokohan, kwentuhan, asaran, barahan, gala, tong-its at kung ano ano pa. Sya yung ideal friend of all. Ewan, kasi kahit ganyan yan. gustong gusto ko ugali nyan. Tanggap ko sya kahit anong ipokritang ugali nya. O siguro sanay na ko. Haha. immune na ba. Ganon :))
Happy birthday Faye! Magingat ka palagi ha! Ang dami mo ng pinagbago, nag matured kana nga talaga, dalaga kana. CHAROT! :))
Wag ka makakalimot magpasalamat sa Kanya ha. Sya yung may dahilan ng kung ano ka at nang kung anong meron ka ngayon. :)
Yung pag-aaral mo Faye, wag magpapabaya, tandaan mo kita kita kita pa tayo sa Reunion! HAHA! Kaya mo yan. Para sayo din yan, para pagdating panahon, may maipagmamalaki na tayo :) Always pray lang. Tandaan mo wag sasayangin ang ganda! Nakooo! Tsk.
BEST WISHES and GOOD HEALTH! Ang pambansang wish ng bayan! yeah! :)) ILOVEYOU Faye. :) Ingat ka palagi. God Bless you!
17 kanaaaaa! Eto oh.. 17 kisses..
Alyrra Ashley Rea Arellano (Aizle)