Sobrang bigat ng dibdib ko, ang sama sama ng loob ko! Ni hindi ako makapagisip ng maayos kung ano ang kailangan kong gawin. Gustong tumulo ng luha mula sa mata ko pero hindi pwede, nasa trabaho ako, nakakahiya baka may makakita.
Sana hindi na lang ako pumasok sa trabaho, natulog na lang sana ako at least hindi ganito yung pakiramdam. Bat ba ako sobrang apektado? O natatakot lang ako? Ano ang kinakakatukan mo?
Basta ang malinaw lang sa akin ay hindi ako pwedeng maging ganito palagi, kailangan may itigil para matigil din yung ganitong pakiramdam ko.
Hindi kita masisi, alam kong nahihirapan ka din pero paano gagawin natin? Ang sabi mo gusto mo namang itigil, so jan tayo magfocus.
Kagabi lang, mukha ka na namang di desidido, tanga tangahan ka na naman as always para makakuha ng gamot. Alam mo naman ang proseso pero bat di mo pinush na makakuha ng gamot? Gusto mo bang isipin ko na di ka pa ready na itigil yan? Or gusto mong isipin ko na totally ay ayaw mo itigil?
Ayaw ko nga! So kailangan mo itigil yan kung ako ang gusto mong makasama sa buhay mo. Ayun lang yun! So gumawa ka ng paraan. Tutulungan kita pero mas kailangan mong tulungan yung sarili mo.
Ngayon ay wala akong gana, wala akong kayang paniwalaan sa mga sasabihin mo. Actions ang kailangan kong makita kasi nag fail ka na sa words at nakakalungkot yun.
Alam mo bang ikaw na lang yung natitirang immediate family ko, lahat sila naubos na, tinarantado na ako isa isa. Tapos ganon din pala gagawin mo sakin. Ubos na talaga pagkatao ko, sarili ko na lang yung kakampi ko.
Ang wish ko ay gawin mo yung mga kailangan mong gawin. Mahirap man ay tiisin mo. Kayanin mo! At the end of the day, di naman para sakin yung ititigil mo, para sayo at sa atin yun. Please, sana piliin mo ako kesa jan.

















