PATIANOD
“Huwag mo kong bibitawan ah.” Malalim naman kasi talaga. paglusong nga hindi ko magawa paglangoy pa kaya doon sa gitna. Pero ayan hinila mo ko sabi mo, “akong bahala sayo” tapos ako itong nagpauto nanigurado pang “basta samahan mo ko” sama. sumama ka naman sa braso mo pa ako hinawakan. pero bakit parang handa kong matutunan ang lumangoy sa inyong pagitan. ayan. Lulusong na ko. sabi mo kasi kaya ko to. subukan ko nga abutin ang dulo baka umabot kahit malayo. Nasa gitna na ko nang ika'y makita umahon ka matapos magbasa sya namang hindi ko inakala nasa malalim na pala akong kabanata “tulong! tu.. long…” akala ko ba sasamahan mo ko. e bakit ngayong nalulunod na ko saka ka lumisan ng walang pagsuyo ngayon paano na ako aahon nahulog na ko at sa puso bumaon sana hindi na lang ako lumusong kung di ka lang din pala tutulong.











