Walang paliwanag ang pagkakamali ko, na hinanap ko sa iba ang mga bagay na hindi ko nakita sayo.
Walang paliwanag kung bakit hindi ko na kayang maging totoo sa bawat salita, bawat kilos.
Walang paliwanag kung bakit ko natitiis na manahimik.
Walang paliwanag kung paano ko nakakayang magtimpi sa mga panahong hindi mo ako maintindihan.
Walang paliwanag sa mga panahong pinili kong magpatawad.
Kaya naiintindihan ko kung bakit wala ding paliwanag ang iyong pag-alis.












