Decade ago, nasa tumblr world ako, blogging my heart, my stories, my hopes and dreams. Pero pagtagal, nakalimutan ko na iyong dati kong account. Now, naisip kong bumalik uli sa journaling and I know na tumblr ay safe space for me.
And for my first entry, let's talk about PURPOSE. The photo you can see in this post is the last message I received from a reader, few days bago siya mawala. She's Ainah. Una ko siyang nakausap 2017 about my published book, When God Made You. By 2020, I talked to her and ask her permission if I can use her name as main female lead sa isang romance-mystery novel na plano klong isulat that time. Pumayag siya and told me na masaya siya at excited. Few years later, I lost contact of her. Di ko sure kung inactive lang o nag-deactivate siya ng account or nag-change ng name kaya hindi ko siya matagpuan sa FB. But I still worked hard for the story.
Being a writer for over a decade already, alam ng mga reader ko na isa sa way ko para ibalik iyong support nila sa akin ay iyong gawin ko silang character. Ang dami ko nang reader na nagawang character sa mga published book ko and knowing how happy they are seeing their names in books, makes me feel so blessed that God gave me this gift of creating stories.
Balik tayo kay Ainah. Last 2024, I submitted the finished manuscript sa publisher ko (PSICOM Publishing, Inc) and last month lang, na-release na iyong libro. Few weeks before, biglang nag-message sa akin si Ainah na sobrang ikinatuwa ko to share the good news. And that's when she told me na hindi na siya madalas mag-online kasi may sakit siya, pabalik-balik siya sa hospital for operation and medication. Ikinalungkot ko ito pero patuloy kong pinalakas ang loob niya. I also told her na ipagdadasal ko siya palagi. Hiningi ko sa kanya ang shipping address niya kasi impossible na ma-meet siya in person dahil ang layo ng province nila sa south kung saan ako nakatira. Ipinangako ko kasi ang signed copy ng libro. Isinama ko pa sa package iyong iba pang libro na puwede niyang mabasa para di siya mainip at maaliw siya saglit sa kabila ng pinagdadaanan niya. And ito na nga ang last message.
Unfortunately, nakarating sa kanya ang package nang mismong araw na namatay siya. It broke my heart so much.
This opened another realization in life. Siguro kaya ako naging author kasi may mga taong ako at ang kuwentong sinulat ko ang paraan upang ma-immortalize sila dahil maikli lang ang oras nila sa mundo. Siguro kaya ako naging manunulat kasi may mga taong matutulungan ng mga sinulat ko na maging matatag, na maging mas masaya . . . na muling magkaroon ng pag-asang bumangon sa buhay.
Ipinaalala sa akin ng pangyayari na kaya ko nga pala piniling maging manunulat kasi iyong first goal ko noon sa mga sinusulat ko ay "to touch someone else's heart' and I think, I'm doing well with that purpose.
I found my purpose in writing sa panahong akala ko, wala nang patutunguhan ang pagsusulat ko. Na itinutuloy ko na lang ito kasi ito na iyong buhay ko. I admit that. Sometimes, kakainin talaga tayo ng frustration, lungkot and more. Ang hirap kasing humanap ng lugar sa industry talaga. I've been struggling to fit in for more than a decade and still trying. But when I finally embraced the purpose, I no longer write just for the hope na dumami ang readers ko or what. Above that golden dream to have a secured spot in the industry is a struggling writer who is now armored with my purpose. I will continue writing stories that will touch someone else's heart. Okay lang di nila ako kilala, basta iyong kuwento ko, makilala nila.
And to Ainah, you will always be remembered. The fiction world will remember you.