Kapag sumubok ba akong sumulat, humabi ng salita at humanap ng tugma, ay maglalakas loob kang basahin ito?
Kapag nabitawan ko ba ang aking pluma, sa gitna ng pagsasatitik ng aking nararamdaman ay magsusulat ka para sa akin?
Ako ay isang naglalayag na panulat. Isang hindi nabigyang wakas na piyesa ng literatura. Ako ay isang pangungusap na walang tuldok; tulang walang tugma, walang sukat, walang eksaktong bilang ng taludtod... malayang tula subalit nakakulong.












