Rant
Inaantay mo siyang gumawa ng hakbang palagi. Pero wala. Yung mga bagay na pwede naman niyang magawan ng paraan hindi magawa. Hindi ko alam bakit lagi akong nag eexpect sa mga bagay na pwede niyang magawa na hindi naman niya ginagawa? Bakit palagi akong naghihintay na gawin niya yung mga bagay na hindi na kailangan pang sabihin? Yung mga bagay na pwede namang kusang gawin kung iisipin lang? Hindi na nga kayang mag stay sa tabi mo, hindi ka pa kayang hanapin kung nasaan ka. In the end ikaw din susuko sa kakahintay na kumilos siya. Tapos palaging sasabihin na hindi ka binabalewala. Pero iba ang ipinararamdam sayo. Kung hindi ka pa magagalit hindi pa siya magkukahog na puntahan ka. Hindi ka na nga priority hindi ka pa makaramdam ng kahalagahan sa kanya. Kahit konting lang ikaw pa manghihingi sa kanya. Lahat na lang ikaw magsasabi ng dapat gawin. Gusto mo lang naman suyuin ka isipin kung nasaan ka at gumawa ng paraan para sayo. In the end patuloy ka lang aasa. In the end ikaw pa rin ang gagawa para sa kanya.














