Mamburao, Occidental Mindoro – Opisyal nang nanumpa bilang Association of Barangay Chairmen (ABC) President si Kap. Mel Ramirez ng Poblacion 3 matapos ang halalan na ginanap sa Mamburao Conference Hall, July 16.
Sa kabuuang 15 barangay, 13 ang lumahok sa halalan na ipinatawag at inorganisa ng Department of Interior and Local Government (DILG) – Mamburao.
Pinalitan ni Kap. Mel Ramirez si Kap. Manny Alastre ng Brgy. Tayamaan bilang ABC President, na nahalal naman bilang Vice President. Pinagbotohan din si Kap. Cesar Flores III ng Poblacion 4 bilang Auditor ng samahan.
Ang iba naman na nahalal bilang miyembre ng Board of Directors ay sina Kap. Gerry Bautista (Poblacion 5), Kap. Susan Bondad (Poblacion 6), Kap. Rondel Pedraza (Balansay), Kap. Romeo Medallo (Fatima), Kap. Jojie Rabina (Poblacion 8), Kap. Tomas Rendon, Jr. (Pobacion 1), Kap. Benchito Umali (Tangkalan), at Kap. Lorena Umali (Payompon).
Ang lahat ay nagkaisa na si Kap. Mel Ramirez ang ihalal bilang President. Bagama’t bago pa lamang sa pulitika, naniniwala ang lahat sa kakayanan ni Kap. Mel dahil na rin sa husay nito sa pagpapalakad ng kanyang mga negosyo.
Pinangunahan naman ni Mamburao Mayor Lyn Tria ang panunumpa ng mga nanalo.
Sa kanyang maikling talumpati, nagpasalamat si Kap. Mel sa suportang ibinigay sa kanya ng mga Kapitan. Humiling din siya na sana ay tulungan din siya na magampanan ang kanyang tungkulin bilang ABC President dahil lahat umano ay bahagi ng Association.
___________
 Kap. Mel Ramirez, nahalal bilang ABC President ng Mamburao Mamburao, Occidental Mindoro - Opisyal nang nanumpa bilang Association of Barangay Chairmen (ABC) President si Kap. Mel Ramirez ng Poblacion 3 matapos ang halalan na ginanap sa Mamburao Conference Hall, July 16.














