Juan 8: 12 Muling nagsalita si Jesus sa mga tao. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.”
Magandang gabi.
Bukod sa medyo lumalamig na ang panahon, isang mapapansin natin kapag malapit na mag-Pasko ay ang paghaba ng gabi. Mas maagang nagsisimulang dumilim sa hapon at mas late nagliliwanag kapag umaga. Kung mas mahaba ang gabi o ang oras ng pagdilim, mas mahaba rin ang oras na kailangang nakabukas ang mga ilaw. At kung mas madilim o mas malawak ang lugar, kailangan ng mas malakas o maraming ilaw.
Sa ating pananambahan, common ang paggamit ng mga ilaw - ilaw na dekuryente at ilaw na galing sa mga kandila. Ang mga ilaw na dekuryente ay kailangan natin para lumiwanag ang lugar na ginagalawan at para na rin makita ang bawat isa. Ginagamit din ang magagarang ilaw para sa aesthetics o highlight. Ang mga kandila naman na nasa altar ay may layuning maghatid ng mensahe, paalala at panawagan sa atin. Sa simula ng pagsamba, hinahatid ng acolyte ang ilaw sa harapan bilang pagkilala sa presensya ni Hesus sa ating kalagitnaan. Sa pagtatapos naman ng pagsamba, hinahatid ang ilaw mula altar palabas upang ipakita na si Hesus ay para sa lahat at hindi dapat manatili sa loob ng simbahan. Invitation ito para samahan natin si Hesus sa kanyang misyon ng pagbibigay liwanag sa daigdig.
Ngayong panahon ng Advent, may dagdag na ritual tayo para sa limang kandila o liwanag na sinisindihan bawat Linggo. Para may konting participation, i-request ko na isalin ninyo ang kinakatawan ng bawat ilaw ng Advent. Ang unang apat na liwanag ay simbolo ng "hope", na ang salin sa Filipino ay, <pause>, pag-asa; ang pangalawa ay "love", na sa Filipino ay, <pause>, pagmamahal o pag-ibig; "joy" naman ang pangatlo, sa Filipino ay, <pause>, ligaya, kaligayahan, galak o kagalakan; pang-apat ay "peace", o, <pause>, kapayapaan, pero gusto ko rin i-suggest ang salitang tahan, pagtahan o tahanan. Ang ikalimang kandila na nakapwesto sa gitna ay sinisindihan sa araw mismo ng Pasko. Si Hesus ang sini-symbolize ng kandilang ito bilang siya ang nagbibigay liwanag sa atin at ating lipunan. Si Hesus ang nagbibigay ng pag-asa, pag-ibig, ligaya at tahanan. Jesus is our hope, Jesus is our love, Jesus is our joy and Jesus is our peace.
Bakit nga ba kailangan ng liwanag? Obvious naman, di ba? Kung madilim ang paligid, mahirap at delikado ang pagkilos. Bukod dyan, ang kadiliman ay usually naihahalintulad sa masamang karanasan, kalagayan o hinaharap. Madilim halimbawa ang buhay at malamang pati kinabukasan ng mga batang isinilang at namumuhay sa gitna ng kahirapan at kagutuman. Umaga man o gabi, madilim ang kalagayan ng mga tiga-Palestina at Syria dahil sa mga bombang binabagsak at pinapasabog ng teroristang Israel. Kung napapanood niyo sa TV o Internet, mapapansin na maliwanag din ang mga bombang pinapasabog sa mga pag-atake. Maliwanag ang mga missiles galing sa kampo ng teroristang Israel pero hindi ito ang liwanag na hinahangad natin. Kabaligtaran ito ng liwanag na inaalok ni Hesus mula pa noong siya ay namuhay kasama ang mga kapwa Palestina dalawang libong taon na ang nakakaraan.
Sa panahon ngayon, hindi naman talaga mahirap kung paliliwanagin lang natin kahit ang pinakamadilim at pinakamalawak na kalsada o lugar. Sa panahon ng kapaskuhan, ang mga malls at iba pang commercialized na lugar ay mas nagiging maliwanag gamit ang mga parol, naglalakihang Christmas trees, at libu-libong Christmas lights. Pero hindi rin yan ang hangarin natin. Huwag nating hayaang masilaw ang ating pang-unawa sa naggagandahang ilaw na alok ng commercialized na lipunang nagtatago sa tinatawag na kaunlaran.
Para sa ating mga sumusunod kay Hesus, mas akma siguro kung hahanapin natin kung paano paliliwanagin ang buhay ng isang bata o babaeng biktima ng karahasan. Paano natin iaalok ang liwanag ng pag-asa sa isang OFW o migrante na pinagsasamantalahan ng dayuhang amo habang malayo sa piling ng pamilya, kaibigan at bayan? Anong expression ng liwanag ng pagmamahal ang ibibigay natin sa mga taong nabubuhay ng may HIV/AIDS? Tuwing magpa-Pasko, excited tayo maging masaya. Paano magiging bahagi ng kaligayahan natin ang mga nawalan ng bahay dahil sa bagyo, sunog at pagputok ng bulkan at paano kaya matatanglawan ng liwanag ng kapayapaan ang pamilyang inagawan ng anak sa ngalan ng pekeng war on drugs?
Nakakalula kung iisipin. Gaano ba kabigat, kahirap at ka-frustrating ang pagdadala ng ilaw o liwanag ni Hesus sa sanlibutan? Madalas, iniisip natin na kahit anong effort natin hindi naman mababago ang kabulukang kinagisnan na natin. Tuwing sinisindihan natin ang kandila sa altar, maliit din naman ang sindi o liwanag na taglay nito pero pagkatapos ng ating pagsamba, hindi tayo nag-aatubiling ihatid ang munting apoy sa labas ng simbahan dahil ito ang atas sa atin. Hindi tayo nag-aatubili dahil alam natin na ang liwanag ay si Hesus at si Hesus ay may sapat na biyaya at kapangyarihan.
Ang maliit na sindi ng isang kandila, bagamat nakakapaso, ay nagpapakita rin ng kagaangan sa pagdadala ng liwanag sa sanlibutan. Mapagpakumbaba ang pagdadala ng liwanag gamit ang kandila. Maliwanag pero hindi threatening o mapagbanta. Mas madaling ibahagi. Mas magaang ipasa sa iba.
Isang invisible na hamon na hinaharap ng mga taong nasa dilim ang nais kong bigyan natin ng pansin. Tawagin natin ang hamong ito na "dark adaptation". Ulitin n'yo nga, <pause>, "dark adaptation". Ang dark adaptation ay ang kakayahan nating makakita ng kaunti pagkatapos ma-expose ang ating mga mata sa dilim. Kapag sa gabi halimbawa, pinatay ang lahat ng ilaw sa bahay, immediately wala kang makikita. Pero ilang segundo o pagkalipas ng isa o dalawang minuto mapapansin mong unti unti mong maaaninag ang mga gamit sa loob ng bahay. Kapag nangyari yan, pwede ka nang gumalaw o maglakad ng dahan dahan dahil maiiwasan mo na ang mga gamit sa bahay. Mahirap at medyo delikado pa rin pero kahit paano, pwede na.
Problema ang dark adaptation kung i-apply natin sa karanasan ng ating mga pamayanan. Simpleng halimbawa, dito sa Alley 3, madalas pinag-uusapan at nirereklamo lalo na recently ng mga members ng St. Mark ang parking at sikip ng right of way sa harap ng ating simbahan. Tama naman ang i-assert natin ang karapatan sa functional na daanan, pero naaalala n'yo pa ba kung kailan naging issue sa ating simbahan ang dumi at baho ng Estero de Valencia? Maitim, polluted ang tubig ng estero. Larawan ang kalagayan ng estero kung paano tayong nagiging hindi mabuting katiwala ng kalikasan. Pero bakit hindi tayo naiinis? Hindi nasisira ang araw natin kapag nakikita nating marumi ang estero? Dark adaptation. Hindi tayo naiirita kasi since bata pa ang karamihan sa atin, polluted na ang estero. Reality at normal na sa atin ang dumi ng tubig.
Mas complicated na halimbawa: naghihirap ang maraming Pilipino. Sino ba sa atin ang inabutan ang panahong maunlad ang Pilipinas o ang karamihan sa mga Pilipino? Unless pinanganak kayo bago dumating ang mga Kastila, malamang kinagisnan na rin ninyo na laganap ang kahirapan sa atin bansa. Sa madaling salita, umpisa pa lang, adapted na tayo sa kahirapan. Kahit trabaho ng trabaho ang ating mga anak o magulang, mahirap pa rin. Ang dami ng mga Pilipinong naghahanap ng kabuhayan abroad, ang mataas na antas ng malnutrisyon, ang atrasadong sa edukasyon at pangangalaga ng kalusugan ay lahat nagpapakita kung gaano kalaganap ang kahirapan ng mga Pilipino. Hindi ito ang gusto ng Diyos para sa atin! Hindi ito pagsubok mula sa Maylikha na dapat nating malampasan! Ang kahirapan ng marami sa ating mga kababayan ay kagagawan ng iilang nagkakamal ng yaman. Pero bakit hindi tayo umiimik? Kung niyuyurakan ng naghaharing uri ang kapwa nating kababayan, bakit kahit tayong mga Kristiayo ay hindi pumipiglas? Nagpapasalamat pa tayo dahil resilient daw ang mga Pilipino. Kung magrekamo man ay hesitant at pabulong, nakangiti pa kung minsan, na para bang handa tayong tanggapin na lilipas ang ating panahon ng hindi nararanasan ang buhay na kasiya siya na ipinangako ni Hesus. Praise the Lord, dark adaptation!
Dumating si Hesus para magbigay ng liwanag sa sanlibutan hindi para mag-adapt tayo sa kadiliman. Hindi natin pwedeng tanggapin ang kadiliman dahil hindi ito ang nais ng Diyos para sa atin. Makapangyarihan si Hesus. Kaya nyang paliwanagin ang pinakamadilim na lipunan. Mga kapatid, tumindig tayo! Sa biyaya ng Diyos, sama sama nating ihatid at isulong ang liwanag ni Hesus sa sanlibutan - ang liwanag ng pag-asa, pagmamahal, ligaya at pagpapatahan.
Mapagpalayang Pasko at Bagong Taon nawa ang sumaatin. Amen.
--------------------
Ibinahagi sa panahon ng Simbang Gabi sa St. Mark United Methodist Church, December 19, 2024.
Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
✓ Live Streaming✓ Interactive Chat✓ Private Shows✓ HD Quality✓ Free Actions
Free to watch • No registration required • HD streaming
Muling sumagot si Jesus sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya: Ang paghahari ng langit ay katulad sa isang hari na nagbigay ng isang piging para sa kasal ng kaniyang anak na lalaki. Isinugo niya ang kaniyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan sa piging ngunit ayaw nilang dumalo.
Muli siyang nagsugo ng ibang mga alipin na sinasabi: Sabihin ninyo sa mga inanyayahan: Narito, naghanda ako ng hapunan. Kinatay na ang aking mga baka at ang lahat ng mga bagay ay nakahanda na. Halina kayo sa piging.
Ngunit hindi nila ito binigyang pansin at sila ay umalis. Ang isa ay pumunta sa kaniyang bukid, at ang isa ay sa kaniyang kalakal. Ang iba ay sinunggaban ang kaniyang mga alipin, kanilang nilait ang mga ito at pinatay. Nang marinig ito ng hari, siya ay nagalit. Sinugo niya ang kaniyang hukbo at pinuksa ang mga mamamatay taong iyon. Sinunog niya ang kanilang lungsod.
Pagkatapos, sinabi niya sa kaniyang mga alipin: Nakahanda na ang piging ngunit ang mga inanyayahan ay hindi karapat-dapat. Pumunta nga kayo sa mga lansangan at sinuman ang inyong matagpuan ay anyayahan ninyo sa piging. Lumabas nga ang mga alipin sa mga lansangan at dinala ang lahat ng kanilang mga natagpuan. Dinala nila kapwa ang masama at mabuti. Ang piging ay napuno ng mga panauhin.
Ngunit nang pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, may nakita siya roong isang lalaking hindi nakasuot ng damit na pampiging. Sinabi niya sa kaniya: Kaibigan, papaano ka nakapasok dito nang hindi nakasuot ng damit na pampiging? Ngunit wala siyang masabi.
Sinabi ng hari sa mga tagapaglingkod: Igapos ninyo ang kaniyang mga paa at mga kamay. Dalhin ninyo siya at itapon sa kadiliman sa labas. Doon ay magkakaroon ng pananangis at pagngangalit ng mga ngipin.
Ito ay sapagkat marami ang tinawag ngunit kakaunti ang pinili.
Ang ating binasang talinhaga mula sa Mabuting Balita ay tungkol sa isang hari na naghanda ng isang malaking piging para sa kasal ng kanyang anak. Pinadala ng hari ang kanyang mga alipin ng dalawang beses upang tawagin ang mga inanyayahan, ngunit wala ni isa sa kanila ang dumalo. Sa katunayan, bukod sa pag r-reject ng paanyaya ng hari, nilait at pinatay pa nila ang mga alipin na naghatid ng paanyaya.
Hayaan ninyong basahin kong muli ang isang bahagi ng nasabing talinhaga ni Hesus.
Ngunit hindi nila ito binigyang pansin at sila ay umalis. Ang isa ay pumunta sa kaniyang bukid, at ang isa ay sa kaniyang kalakal. Ang iba ay sinunggaban ang kaniyang mga alipin, kanilang nilait ang mga ito at pinatay. Nang marinig ito ng hari, siya ay nagalit. Sinugo niya ang kaniyang hukbo at pinuksa ang mga mamamatay taong iyon. Sinunog niya ang kanilang lungsod.
Sa unang pagtingin o pagbasa, mahirap unawain kung bakit tatanggi ang isang tao sa paanyaya ng hari sa isang piging. Hindi ba “flattering” ang ma-invite ng isang hari? Pupunta ka sa isang pagdiriwang na kung saan kasama mo ang mga matataasna tao na piniling makasama ng hari. Kakain ng masasarap na pagkain. Iinom ng mamahaling inumin. Pero, bakit kaya wala ni isa sa mga naunanag inimbitahan ang gustong pumunta?
Sa pagsisiyasat natin ng sagot sa tanong na ito, mahalagang tandaan natin na ang piging sa talinhaga ay inihahalintulad ni Hesus sa paghahari ng langit o sa paghahari ng Diyos. Ang piging ay inihanda ng hari para sa kanyang anak. Ang anak ay ang tagapagmana ng kaharian. Ang lahat ng inanyayahan ay mga taong bahagi ng nasasakupan ng kaharian. Ang pagtanggap sa paanyaya ng hari ay nangangahulugan ng pagpapasakop sa hari at pagkilala na ang susunod na maghahari ay ang kanyang anak. Ang “rejection” sa paanyaya ay pagpapahayag ng “rejection” ng mga inanyayahan sa paghahari ng Diyos. Ayaw nilang magpasakop sa kanya. Kailangang laitin at patayin ang mga isinugong alipin dahil banta o “threat” ang lahat ng tagasunod ng tunay na hari sa makasariling adyenda ng mg taong naghahari-harian.
Sa ating pangkasalukuyang karanasan, sa paanong paraan kaya natin ni re-reject ang paghahari ng Diyos? Tuwing kailan kaya nagiging mas mahalaga ang ating mga bukirin at pangangalakal kaysa sa paanyaya ng Diyos upang dumalo sa kanyang piging?
Ang ating paksa o “focus” sa umagang ito ay karapatang pantao. Subukan nating tuklasin at i-relate ang kasalukuyang mga pangyayari, kalagayan at karanasan nating mga Pilipino na maaaring ihalintulad sa pagtanggi ng mga inimbitahan ng hari sa kanyang piging.
Hinihiling ko pong ituring natin ang mensaheng ito bilang isang paanyaya upang sama-samang magbulay-bulay sa paksang hindi natin masyadong pinag-uusapan sa loob ng ating simbahan. Sana ang mensaheng ito ay makatulong sa pagpapataas ng ating “interest” o kagustuhan na pag-usapan, pag-aralan at unawain ang karapatang pantao o “human rights”.
Kasabay ng ating pagre-reflect ng mensahe mula sa ating Biblia, atin ding titignan ang mga makabuluhang punto tungkol sa “human rights” mula sa Universal Declaration of Human Rights ng United Nations na isinagawa noong ika-10 ng Disyembre taong 1948, at sa Social Principles ng United Methodist Church.
B. Ang Universal Declaration of Human Rights
Kinilala ng Universal Declaration of Human Rights o Pandaigdig na Pahayag ng mga Karapatan ng Tao ng United Nations na ang katutubong karangalan at ang pantay at di-maikakait na mga karapatan ng lahat ng nabibilang sa angkan ng tao ay siyang saligan ng kalayaan, katarungan at kapayapaan sa daigdig. Nangangahulugan ito na ang bawat tao ay karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang nakalahad sa Pahayag, nang walang ano mang uri ng pagtatangi, gaya ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika o iba pa; pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan o iba pang katayuan.
Malinaw sa pahayag ng UN na ang lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan. Sila ay pinagkalooban ng katwiran at budhi at dapat magpalagayan ang isa't isa sa diwa ng pagkakapatiran.
Kinikilala ng Pahayag ang karapatan sa buhay, kalayaan at kapanatagan ng sarili. Sa kabilang banda, hindi nito pinahihintulutan ang pang-aalipin, “torture” o paglalapat ng malupit, di-makatao o nakalalait na pakikitungo o parusa. Pantay-pantay dapat ang pagtingin sa lahat sa ilalim ng batas kung saan ang bawat pinaparatangan ay itinuturing na walang-sala hanggang hindi napapatunayan; walang sinuman ang maaaring ipailalim sa di-makatwirang pagdakip, pagpigil o pagpapatapon. Dagdag pa ng Pahayag, walang sinuman ang maaaring isailalim sa di-makatwirang panghihimasok sa kanyang pananahimik, pamilya o tahanan at ang lahat ay may karapatang kumilos, manirahan, lumabas at bumalik sa kanyang sariling bansa.
Karapatan din ng bawat isa ang humanap sa ibang bansa ng pagpapakupkop laban sa pag-uusig; ang maging mamamayan ng isang bansa; mag-asawa at magkapamilya; mag-angkin ng ari-arian; kalayaan ng pag-iisip, budhi at relihiyon; pagkukuro at pagpapahayag; kalayaan sa mapayapang pagpupulong at pagsasamahan; makilahok sa pamahalaan ng kanyang bansa; kapanatagang panlipunan; paggawa at makatarungang kalagayan sa paggawa pati na ang magtatag at umanib sa unyon ng manggagawa; pamamahinga at paglilibang; sapat na pamantayan ng pamumuhay; edukasyon na walang bayad na patungo sa ganap na pagpapaunlad ng pagkatao; makilahok nang malaya sa buhay pangkalinangan ng pamayanan; kaayusang panlipunan at pandaigdigan.
Balikan natin ang talinhaga tungkol sa haring naghanda ng malaking piging. Kung ang hari ay si Yahweh na Diyos ng katarungan at kapayapaan ay ipagtatanggol ang karapatan ng bawat tao – sino kaya sa palagay ninyo ang hindi dadalo sa piging na kanyang hinahanda? Sino kaya sa ating lipunan ngayon ang hindi gusto ang kahariang nagsusulong ng at ipinagdiriwang ang karapatan ng bawat isa?
Hindi makatarungan ang pagpatay sa mga alipin. Maaaring “torture” ang panlalait na ginawa sa kanila. Ang mga alipin ay biktima ng “human rights violation”. Biktima si Hesus ng gawa-gawang kaso. Biktima si Hesus ng “human rights violation”. Sino ba ang nagbibigay ng mas mataas na halaga sa kanilang bukirin at pangangalakal kaysa sa pagkakapantay-pantay? Sino ang handang manakit at pumatay, biguin lamang ang pagsusulong ng karangalan ng buhay?
Hindi rin siguro nakapagtataka na sa sumunod na bahagi ng talinhaga ay mababasa natin na ang mga inanyayahan mula sa lansangan ay nagpaunlak sa paanyaya ng hari. Nagpaunlak sila dahil nakita nila ang pagtataguyod ng pantay na mga karapatan na nagdulot sa kanila ng buhay na marangal. Nagpaunlak sila dahil gusto rin nilang ipagdiwang ang pagtatanggol sa karapatan at karangalan ng buhay.
Sila ang mga pangkaraniwang tao – mga magsasaka, manggagawa, tindero o tindera; at kung sa panahon natin, marahil ay maisasama na rin ang mga “saleslady” o “salesperson” sa mga dambuhalang “malls”, “factory workers”, mga guro, “health workers” at “call center agents”. Masasalubong at maisasama rin marahil sa piging ang mga “street families”; “informal settlers”; dayuhan o “migrants”; bakwit; kasambahay at taongbahay; driver ng jeep o taxi; LGBT; puta; adik sa droga at alkohol. Maging ang mga itinuturing na masama ay binigyan ng Diyos ng lugar sa kanyang piging na sumasalamin sa pangangalaga at pagpapahalaga Niya sa karapatang pantao.
C. Ang Social Principles ng United Methodist Church
Bahagi ng ating buhay bilang isang iglesya ang Social Principles o Prinsipyong Panlipunan. Bagama’t hindi itinuturing na batas ng iglesia ang Social Principles, ito ay ipinanalangin at pinag-isipan nang may pagsisikap sa bahagi ng General Conference upang makapagpahayag kaugnay ng mga mahahalagang usaping kinakaharap ng tao. Ito ay nakabatay sa Biblia at teolohiyang ipinapakita ng makasaysayang tradisyon ng Nagkakaisang Metodista. Panawagan ang mga ito tungo sa katapatan at naglalayong magturo at manghikayat sang-ayon sa pinakamabuti sa diwang propetiko. Panawagan ang Social Principles sa lahat ng kaanib ng United Methodist Church sa isang mapanalanginin at aral na pakikipagtalastasan ng pananalig at praktika. Namili ako ng ilang mga paksa mula sa Social Principles na may kaugnayan sa karapatang pantao at subukan nating iugnay ang mga ito sa kasalukuyang karanasan natin bilang mga Pilipino.
1. Rights of Racial and Ethnic Persons
Kasalanan ang turing ng ating Social Principles sa “racism” at “racial discrimination”. Iginagalang at hinihimok natin ang sariling pagkakakilanlan ng mga grupong panlahi at katutubo na nagdadala sa kanila upang kanilang hingin ang pantay na karapatan bilang bahagi ng lipunan.
Noong nakaraang buwan, sama-samang nagkampuhan sa UP Diliman ang iba’t ibang katutubo at grupong panlahi mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Sila ay kabilang sa tinatawag natin ngayong pambansang minorya o “national minorities”. Ilan sa kanilang panawagan ay itigil ang pang-aapi at paglapastangan sa mga lupang ninuno o “ancestral lands” at pagkakait ng karapatan para sa sariling pagpapasya. Nais din nilang makamit ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.
Bilang taga-sunod ni Hesus na bitbit ang hangarin para sa kabanalang panlipunan, paano tayo tutugon at makikilahok sa panawagan ng ating mga kapatid na Igorot, Aeta, Dumagat, Lumad, Moro at iba pang grupo ng mga katutubo? Hindi ba’t ang ating karapatan na mabuhay ng mapayapa sa ating mga tahanan ay siya ring karapatan ng ating mga kapatid na katutubo na mabuhay ng tahimik sa kanilang lupang ninuno?
Sa ngayon, may mahigit isang daang kabataang Lumad pa ang nagkakampo sa Stud Farm ng UP Diliman. Inaanyayahan ko kayong sila ay bisitahin. Pakinggan ninyo ang kanilang mga kwento at alamin ang kanilang mga karanasan, pakikibaka at pag-asa.
2. Rights of Children and Young People
Suporta sa maunlad na sistema ng pag-aaral at makabagong pamamaraan ng edukasyon na naglalayong tulungan ang bawat bata tungo sa kaganapan ng kanilang pagkatao at halaga. Ipagtanggol ang lahat ng bata laban sa pagsasamantala at pang-aabusong pangkabuhayan, pangangatawan, damdamin at sekswal. Iyan ang malinaw na pahayag ng ating Social Principles hinggil sa karapatan ng mga bata o kabataan.
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Philippine Statistics Authority at UNICEF, makikita na sa mga kabataang nasa murang edad, ang kakulangan sa pagnanais na mag-aral ang pangunahing dahilan kung bakit hindi nag-aaral ang isang bata. Gayunpaman, nagbabago ito habang sila ay tumatanda. Ang pangunahing dahilan kung bakit hindi nakakapag-aral ang mga kabataang may edad na 16-17 ay ang mataas na halaga ng edukasyon.
Bakit kailangan maging mamahalin ang pag-aaral at parang ginagawang “commodity” ang “quality education”? Ano ba ang nararapat na maging layunin natin sa pag-aaral ng mga kabataan – ang pag-unlad ba natin “economically” o ang pagkatuklas sa “relevance” at kanilang bahagi tungo sa sinasabi ng Biblia na buhay na kasiya-siya?
3. Rights of Immigrants
Ayon sa Social Principles, ating pinaninindigan ang karapatan ng lahat ng tao, saang bansa man siya galing, sa pantay na pagkakataon sa hanapbuhay, pabahay, pangangalaga ng kalusugan, edukasyon, at kalayaan mula sa panlipunang diskriminasyon. Hinihimok ang Iglesia at lipunan na kilalanin ang angking galing, ambag at pakikibaka ng mga migrante at itaguyod ang katarungan para sa lahat. Atin ding tinututulan ang mga pandarayuhang patakaran na naghihiwalay sa mga miyembro ng pamilya o ang pagkakapiit ng mga pamilyang may kasamang mga bata kasabay ng ating panawagan sa mga iglesya lokal na maglingkod sa pamilya ng mga migrante.
Malinaw ang pahayag ng ating Social Principles ukol sa pantay na karapatan at pangangalaga ng mga dayuhan. Ngunit dapat nating maunawaan na pagdating sa mga Pilipino, baligtad ang ating kalagayan at mga hamon sa pandarayuhan. Imbes na pinupuntahan ang Pilipinas ng maraming dayuhan mula sa ibang bayan, mga Pilipino ang dumadayo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig upang maghanapbuhay.
Ayon sa datos ng pamahalaan, 2.4 na milyon na OFW ang umalis noong taong 2015. Hindi mahirap makita na ang kahirapan at kakulangan sa nakabubuhay na hanapbuhay ang dahilan ng paglisan ng maraming mga Pilipino upang magtrabaho sa ibang bayan. Iniiwan ang sariling pamilya at mamumuhay sa lugar na iba ang kultura at haharapin ang kawalan ng kasiguruhan maitawid lang ang pamilya sa kahirapan.
4. Equal Rights Regardless of Sexual Orientation
Ang mga United Methodists, sa pamamagitan ng Social Principles ay ipinapahayag ang “commitment” sa pagtataguyod ng batayang karapatang pantao at kalayaang pangmamamayan; at ang mga pagsisikap na itigil lahat ng uri ng karahasan at anyo ng pamimilit laban sa lahat ng tao anuman ang kanilang sekswal na oryentasyon.
Ayon sa ulat ng Human Rights Watch, sa Pilipinas gaya ng sa ibang bansa, ang karahasan at pang-aapi ay naglalagay sa isang kabataang LGBT sa mas mapanganib na kalagayang pangkalusugan sa pisikal at pag-iisip gaya ng depresyon, pagkabalisa, paggamit ng droga at pagpapakamatay. Sa katunayan, binanggit din ng nasabing ulat na 16 na porsiyento ng kabataang bakla at “bisexual” ang binalak magpakamatay at 39 na porsiyento sa kanila ang itinuloy ito.
Saan tatakbo ang mga bakla, tomboy, “bisexual”, “transgender” at ang iba pang itinuturing na may kakaibang pagkilala sa kanilang sekswalidad kung hindi totoong magiging bukas ang ating simbahan upang sila ay tanggapin at unawain? Ilang pagpapakamatay pa ang kaya nating i-endure at i-ignore bago natin yayakapin ang ating mga anak, kapatid at kaibigan ng walang pag-aalinlangan? Alam nating mainit ngayon ang issue ng “human sexuality” sa ating iglesya, pero sana huwag nating kalimutan na ang mga LGBT ay mga taong likha ng Diyos na dapat magkaroon ng pantay na pagkakataon bilang mga tao at mamuhay ng may pagtanggap at pagmamahal.
Ilan lamang ang mga paksang ito sa maaari ninyong pag-usapan bilang isang iglesya. Nandyan din ang isyu ng iligal na droga na ngayon ay iniuugnay sa mga hindi makatarungang pamamaslang o “extra judicial killings”. Ang “domestic violence” na ang madalas na biktima ay ang mga kababaihan at kabataan.
Bukod sa mga pag-uusap at pag-aaral, ano pa ang maaring gawin bilang iglesya? Maaari tayong manalangin. Ipanalangin natin ang ating bayan. Ipanalangin natin ang mga taong itinutulak sa baybayin ng ating lipunan. Maaari rin tayong tumugon sa pamamagitan ng mga “charities” tulad ng pag p-provide ng “educational assistance” para sa mga kabataan, “psychosocial counselling” para sa mga “survivors” ng karahasan. Kung hindi natin kayang gawin ito ng personal maaari natin silang i-refer sa mga “advocacy groups” at “institutions” na nagsisilbing kanlungan o “sanctuary” ng mga taong naghahanap ng masisilungan. At huwag nating kakalimutan na ang Biblia ay puno ng mga kwento ng mga propeta. Tayo rin bilang mga mananampalataya ay maaaring maging propeta ng ating panahon. Magsalita at sumulat tayo at manawagan para sa pangangalaga ng karapatang pantao. Sumulat tayo sa mga nanunungkulan, sa mga pahayagan pati sa mga mga “blog sites” o “social media”. Maglaan tayo ng ating oras upang samahan ang mga “survivors” sa kulungan, sa ospital, sa korte, sa kanilang paghahanap ng katarungan.
Maraming salamat at pagpalain nawa ni Yahweh ang ating buhay at ang buhay ng mga taong ating pinaglilingkuran.
Sabi ni Hesus, mag-ingat daw sa "pampaalsa ng mga Fariseo at mga Saduseo". Ayon sa aralin, hindi raw pampaalsa ng tinapay ang tinutukoy ni Hesus kundi ang mga "aral ng mga Fariseo at mga Saduseo".
Bilang mga Hudyo, kinagisnan ng mga alagad ang mga katuruang nakasulat sa Kautusan at mga Propeta. Bukod sa mahigpit ang mga turong ito hindi madaling maunawaan at sundin ang mga dine-_demand _ng Kautusan. Eksperto ang mga Fariseo at Saduseo sa mga Kautusan at sila ang pangunahing inaasahang magpapaliwanag at mangangaral ng mga sinasabi nito. Maaari nating sabihin na mataas ang tingin ng pangkaraniwang Hudyo sa mga Fariseo at Saduseo dahil mahalaga sa kanila ang pagkaunawa at pagsunod sa mga Kautusan. Mahalaga ang papel nila sa pananampalataya at buhay ng bawat Hudyo.
Hindi mahihirapan ang mga Kristiyanong unawain ang respetong ibinibigay ng mga Hudyo sa mga nagtuturo o authority ng kanilang pananampalataya dahil kahit ngayon, mataas ang paggalang ng mga mananampalataya sa mga manggagawa o taong-simbahan. Kahit sa labas ng mga religious institutions, iginagalang ng mga tao ang mga nagtuturo at nagbibigay ng kaliwanagan sa kanila. Kasama diyan ang mga guro sa paaralan; mga lider sa loob ng mga tanggapan at pagawaan; mga _media personalities _na pinaghuhugutan ng mga komentaryo o opinyon sa mga pangyayari sa paligid at syempre pa; ang ating mga magulang.
Ngunit paano kung sa gitna ng respeto natin sa mga taong inaasahan at pinagkakatiwalaan natin ay bibigyan tayo ng atas ni Hesus na mag-ingat sa mga aral na nagmumula sa kanila? Paano natin malalaman o matutuklasan kung ano ang mga aral na tinutukoy ni Hesus?
Paano natin susundin si Hesus?
Sa palagay ko kapag kumakain ng tinapay, imposibleng maiwasan na hindi makain ang pampaalsa nito - pwera na lang kung hindi mo kakainin ang buong tinapay. Kahit hindi pa luto ang tinapay, basta naihalo na ang pampaalsa sa masa (dough) ay hindi na maaaring tanggalin ito. Ganyan din marahil sa mga aral na kinagisnan at naging bahagi na ng pagkatao natin. Kung "nakahalo" na sa ating kultura ang mga aral na hindi akma sa turo ni Hesus, hindi magiging madali ang makita at talikuran ang mga ito.
Makakatulong marahil ang paraan ng pagwawastong ginawa ni Hesus sa kanyang mga alagad habang sinusubukan nilang unawain ang kanyang atas. Tinapay ang una nilang naisip, dahil doon nga naman madalas ginagamit ang pampaalsa at maaari rin silang magutom sa kabilang ibayo dahil hindi sila nakapag baon nito. Pero inasahan ni Hesus na maiigpawan na sana ng mga alagad ang pagbibigay ng _focus _sa tinapay bilang isang _major concern _dahil naging saksi sila kung paano pinakain ni Hesus ang limang libong tao. Bilang mga mananampalataya, naging saksi din tayo sa mga turo at gawa ni Hesus sa pamamagitan ng Mabuting Balita o Biblia.
Kaya sa pamamagitan ng mga turo o gawa ni Hesus, halimbawa, ay maaari nating tanungin kung bakit sa ating mga paaralan ay sobra-sobra ang pagsisikap na ginagawa ng marami para maging number one, _top notcher _o makakuha ng kung anu-anong _recognition _habang ang panawagan naman ni Hesus ay ang maging huli kung nais mauna at ang paglilingkod sa pamumuno (servant leadership). Anu-ano ang mga itinuturing natin na mga "blessings" o pagpapala - ang mga materyal (at mamahalin) na bagay ba o ang mga tiniyak ni Hesus na tatanggapin ng mga dukha sa espiritu, nahahapis, maaamo, at nagugutom at nauuhaw sa katuwiran? Natutuwa kaya tayo sa mga pamamaslang na nagaganap sa ngalan ng _War on Drugs _ng pamahalaan o binibigyan natin ng halaga ang buhay kahit na ng ating mga kaaway gaya ng itinuro ni Hesus sa pamamagitan ng kwento ng Good Samaritan?
Kung imposibleng alisin ang pampaalsa sa tinapay, posible kayang mahanap at ma-_unlearn _ang mga turong naglalayo sa atin upang maranasan ang buhay na kasiya-siya bilang isang lipunan? Kung kinakailangang hindi natin kainin ang buong tinapay para maiwasan ang pampaalsang inilagay dito, baka kailangan din nating palitan o hamunin ang mga struktura at sistemang nagdadala sa atin papalayo sa kalooban ng Diyos? Paano natin gagawin ito kung tayo mismo ay nakaugnay sa mga sistemang ito?
Ah, pawang mahirap! Mahirap ngunit may pag-asa. May pag-asa dahil sa pangako ni Hesus na gagabayan tayo ng Banal na Diwa sa ating paglalakbay.
Unang inilathala sa Febrero 5, 2017 edisyon ng PCPR Balik-Tanaw.
Mensahe para sa St. Mark UMC sa pagdiriwang ng IP Sunday. Ika-18 ng Oktubre 2015.
II. Aralin: Marcos 10:35-45
Lumapit kay Jesus ang mga anak ni Zebedeo na sina Santiago at Juan. Sinabi nila, "Guro, may hihilingin po sana kami sa inyo."
"Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong ni Jesus.
Sumagot sila, "Sana po ay makaupo kaming katabi ninyo sa inyong kaharian, isa sa kanan at isa sa kaliwa."
Ngunit sabi ni Jesus sa kanila, "Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Maiinuman ba ninyo ang kopa na aking iinuman? Makakaya ba ninyo ang bautismong ibabautismo sa akin?"
"Opo," tugon nila.
Sinabi ni Jesus, "Ang kopang aking iinuman ay iinuman nga ninyo, at babautismuhan nga kayo sa bautismong tatanggapin ko. Ngunit hindi ako ang magpapasya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga karangalang iyan ay para sa mga pinaglaanan."
Nang malaman ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kaya't pinalapit sila ni Jesus at sinabi, "Alam ninyo na ang mga itinuturing na pinuno ng mga Hentil ang siyang namumuno sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod. Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na nais maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo, at ang sinumang nais maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat. Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami."
III. Ang pagiging dakila.
Magandang umaga po sa inyong lahat.
Sa ating aralin sa umagang ito, mababasa natin sa kwento na lumapit at humiling sina Santiago at Juan kay Hesus upang sila ay makaupo sa tabi niya – ang isa sa kanan at ang isa naman ay sa kaliwa – kapag dumating ang panahon na si Hesus ay nasa kanyang kaharian na. Hindi ko masabi kung gaya natin ay talagang mabagal matuto ang mga alagad o kung hindi lang talaga nila mabitawan ang kanilang pangarap upang maging mas “dakila” o ang mauna kaysa sa iba.
Noong nakaraang buwan, kung matatandaan ninyo, binasa natin ang kwento mula sa ika-9 na kabanata ng Marcos kung saan tinanong niya ang kanyang mga alagad kung ano ang kanilang pinagtatalunan. Hindi sumagot ang mga alagad dahil pinagtatalunan nila kung sino sa kanila ang pinakadakila. Dito unang sinabi ni Hesus sa kanila na kung sino ang gustong maging una ay kinakailangang maging huli o magpahuli at maging alipin ng lahat.
Mukhang hindi tumimo sa isip ng mga alagad ang aral na ito kaya’t ngayon, dalawa sa kanyang mga alagad ang lumapit upang humirit pa ng isang special treatment – isang mabilis na daan patungo sa kadakilaan. Nais ni Santiago at Juan ang maging katabi sila ni Hesus pagdating niya sa kanyang kaharian. Nais nila na maging number one ni Hesus kapag siya na ang namumuno at nasa kapangyarihan. Isang hiling na magbibigay sa kanila ng kasiguruhan na mauunahan nila ang ibang alagad sa kanilang laban patungo sa kadakilaan. Halata na pinapangarap din ng ibang alagad ang maging dakila sa kaharian ni Hesus dahil nagalit sila sa tangkang pananalisi na ginawa ng magkapatid.
Hindi naman iba sa atin ang pagnanais na ito ng mga alagad. Marami sa atin o siguro, maaari kong pangahasang sabihin na lahat tayo ay naghahangad na maging una o makauna sa isa o ilang mga bagay o larangan ng ating buhay . Gusto natin ang maging number one kung hindi man second to none.
Sa mga nag t-trabaho, gusto ng marami sa atin ang maunang ma-promote o mabigyan ng salary increase. Bitter tayo pag nauunahan tayo ng iba. Uso ang agawan ng credits o papuri sa ilang mga tanggapan dahil ito ang kailangan para makaakyat ng mas mabilis sa tinatawag na corporate ladder.
Sa mga nasa sales naman, ang pagiging number one sa monthly, quarterly o yearly awards ang hangad ng hindi iilan. Nagsisinungaling, nanunuhol, nangangako ng mga bagay na hindi kayang tuparin – ginagawa ang lahat maunahan lang ang iba.
Pagdating naman sa media, pinaka-obvious sa telebisyon – unahan ng unahan sa mga ratings ang mga networks. Kung minsan, hindi na iniisip na may pagkakataong nagiging exploitative o mapagsamantala na ang mga palabas. Niyuyurakan ang pagkatao ng ilan; binabastos; hinuhubaran ng angking dignidad, makapagpatawa o makapagpa-iyak lang. Ang nakakalungkot – marami sa mga tumatangkilik ang natatawa, marami ang naliligayahan sa tila mga huwad na drama ng buhay. Pati ang mga manonood ay nag-aaway, maipagtanggol lang ang tinatangkilik na network na hindi naman sa kanila.
Ang isa pang hindi ko maintindihan pagdating sa media ay kung paanong nangyayari na sabay-sabay sila nagiging number one. Mapa-radyo o TV – number one ang turing ng mga networks sa kanilang mga sarili. Tanong: kailan kaya sila mag-uunahan pagdating sa relevance o kabuluhan ng kanilang mga ipinapalabas at ipinaparinig sa mga mamamayan?
Sa sports o palakasan. Tuwing naiisip ko ang salin sa wikang Filipino ng salitang ito, nalulungkot ako. Nalulungkot ako dahil yung salita “palakasan” pa lang, kitang kita na kung paano nagiging hindi maganda ang panananaw ng marami pagdating sa sports. Maganda para sa kalusugan ang mga larong tulad ng basketball, volleyball, tennis, swimming, soccer, chess, at iba pa. Pero mabuti sana kung laging para sa kalusugan ang pangunahing dahilan sa paglalaro pero hindi ba, sa lahat ng sikat na sports event, ang binabantayan ng mga fans ay ang tinatawag na world ranking at world records? Para saan ba ang world ranking – hindi ba para malaman kung sino ang pinakamagaling? Gusto nilang malaman ng mga sports fans kung sino ang number one, ang pinakadakila. Sino ba talaga ang pinakamagaling sa boxing – si Paquiao ba o si Mayweather? Pang-ilan na ba ang Gilas sa ranking ng FIBA ASIA? Aling university na ang nangunguna sa UAAP? At tulad ng binanggit natin kanina, uso rin ang dayaan sa mga iba’t ibang mga palaro – dayaan, para lang maging number one. Halimbawa, ilang taon pa lang ang nakakaraan, may isang pamantasan dito sa Pilipinas na pinapatakbo pa ng mga taong-simbahan ang na-suspend sa isang liga dahil napatunayang nandaya sila sa pagtanggap ng estudyanteng gusto nilang maging bahagi ng kanilang koponan sa basketball.
Ano ba ang mayroon sa pagiging number one? Eh ano kung pinakamabagal kang tumakbo? Masarap pa rin namang tumakbo kahit mabagal, hindi ba? Bukod sa pagmamayabang, ano ba talaga ang nakukuha natin pag nangunguna tayo? Maaari namang maging mahusay ng hindi nagpapagalingan, hindi ba? Nagiging mas mabuting tao ba tayo kung nauunahan natin ang iba? Mas makukumpleto ba tayo kung magiging mas malakas tayo kung ikukumpara sa mga nakakalaban natin? Hindi ba mas masaya kung ang layunin natin sa paglalaro ay ang mapalawak ang ating pagkakaibigan, maging mas mahaba ang pasensya, maging mas matiyaga at magkaroon ng mas mabuting pangangatawan at maraming kaalaman upang patuloy na makapag-alay ng lakas sa Diyos at kapwa? Hindi naman natin kailangan ng ranking sa larangang iyan, hindi ba?
Pagdating sa pag-uunahan, sana mali ako, pero parang kahit na ang mga simbahan ay hindi yata nakaligtas dito. Ilan kaya sa atin ang naiinggit sa mga naglalakihang gusali ng ibang simbahan? Gaano natin kadalas nababanggit bilang panghamon ang mga simbahang nauuna sa atin sa pagpaparami ng miyembro at sa pangongolekta ng tithes at sa pagpapa-aircon ng kanilang mga pasilidad? Ito ba ang batayan ng pagiging tapat na pagsunod kay Hesus?
Dalawang taon na ang nakakalipas, nagkaroon ng isang evangelistic event ang isang malaking simbahan dito sa Maynila. Binigyan ng pahintulot ng Lungsod ng Maynila ang simbahang ito upang ganapin ang kanilang malaking gawain sa iba’t ibang lansangan sa Maynila kahit na ang araw ng pagganap ay may pasok. Sarado ang marami sa pangunahing lansangan ng Maynila. Sobrang bigat ng daloy ng trapiko noong araw na iyon. Marami sa mga kawani ng mga pribadong tanggapan sa Maynila ang nahirapan sa pagpasok at pag-uwi. Napatunayan ng simbahang ito kung gaano sila kalakas sa larangan ng ekonomiya at pulitika. Bagamat nahirapan at nainis ako sa karanasan ko noong araw na iyon – birthday ko pa naman – ang mas nakaka-frustrate para sa akin ay ang nabasa ko sa group page sa Facebook ng mga Pilipinong Metodista. Isang tanong ang nagbigay ng buod ng ng damdamin ng ilan sa mga nag-uusap. Kailan daw kaya magagawa ng mga Metodista ang gawaing kagaya ng naganap. Sa madaling salita, gusto nilang gayahin ang ginawa ng malaking simbahan.
Nahirapan akong unawain at tanggapin ang pinanggagalingan ng pagnanais na ito. Bakit kaya pagkatapos magpakita ng lakas pampulitikal ang isang simbahan ay nanaisin ng isang Metodista na gayahin sila? Ano ba ang magandang nakita niya sa gawain nila – ang pang-aabala ba o ang pagpapakita ng lakas?
Nabalitaan ko noong nakaraang Linggo, nalampasan daw ng biopic ng founder ng simbahang ito ang dalawang Guinness records sa pinakamaraming bilang ng taong nanood ng isang pelikula. Ano kaya ang reaksyon ng mga Metodista gayong hindi naman naging masyadong mabenta ang biopic ni John Wesley dito sa Pilipinas?
Pero para sa akin, pagdating sa pagpapalakas ng simbahan, ang isa sa pinakamalupit na ginawa nito kung kasaysayan ang ating babalikan ay ang pagkakaroon ng tinatawag na Doctrine of Discovery o sa sarili kong salin ay Doktrina ng Pagtuklas. Sabihin nga ninyo, “Doctrine of Discovery” … (hinto)
Ang Doctrine of Discovery ay sinimulang ipatupad noong ika-15 siglo sa pamamagitan ng mga Papal Bulls o utos na galing sa Santo Papa. Ano ba itong Doctrine of Discovery? Kung maaalala ninyo, noong panahong makapangyarihan pa ang mga Portuges at Kastila, naglalayag sila sa mga malalayong lugar upang manakop. Sa kanilang paglalayag, baun-baon nila ang tinatawag na Doctrine of Discovery na nagmula sa Santo Papa. Ang doktrinang ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga Kristiyanong mananakop na angkinin ang lahat ng lupain na kanilang matatagpuan sa kanilang paglalayag kung hindi pa ito kontrolado ng isang maka-Kristiyanong kaharian. Kailangang magpa-convert ang mga matatagpuang paganong naninirahan sa mga lupaing inaangkin, dahil kung hindi gagawin silang alipin kung hindi man ay papatayin.
Malupit hindi ba? Ang nakakalungkot, hanggang ngayon, hindi pa binabawi ng simbahang Romano Katoliko ang doktrinang ito. Hindi pa inaamin ng simbahan ang kanyang kasalanan sa sangkatauhan na kanyang ginawa sa pamamagitan ng doktrinang ito at sa ngalan ng pagiging dakila!
Biktima ang Pilipinas ng Doktrina ng Pagtuklas. Maaalala siguro ninyo sa pag-aaral ng kasaysayan ang mga pangalang Villalobos, Magellan at Legaspi – pangalan ng ilan sa mga mananakop na Kristiyanong naglayag papunta sa Pilipinas upang angkin ang lupaing ibinigay sa kanila ng dakilang simbahan. Pang-aangkin at pananakop na nagbuwis ng buhay ng maraming katutubong Pilipino sa loob ng mahigit na tatlong-dang taon. Naging masaya kaya si Hesus sa ginawang paglaganap ng simbahan sa pamamagitan ng doktrinang ito?
Tinatanong ko ngayon, saan ba nanggaling ang pagnanasa ng mga taong maging number one? Bakit gustung-gusto ng mga tao ang maging dakila? May makikita ba tayo sa biological make-up o design nating mga tao na nag-uudyok sa atin para makipag-unahan?
Sa pagkakaalam ko, ang mga hayop (kabilang ang mga tao) ay mayroon ng tinatawag na survival instinct. Likas sa atin ang pagnanais na iligtas ang sariling buhay. Gagawin natin ang lahat ng paraan upang makaiwas sa pananakit o kamatayan. Halimbawa, marami sa atin ang takot o hindi sumakay sa roller coaster o ferris wheel dahil sinasabi sa atin ng isang bahagi ng ating utak na maaari natin itong ikamatay. Tumataas ang adrenalin natin at bumibilis ang tibok ng ating puso kapag may biglang naghabulan o nag-away sa kung saan tayo malapit. Ang karaniwan nating tugon kapag may banta sa ating buhay ay lumaban o tumakbo – ito ang tinatawag na fight-or-flight response. May kinalaman kaya ang instinct na ito sa pagnanais ng mga taong maging una, dakila o number one?
Sa kaharian ng mga hayop o animal kingdom, ang itinuturing na nasa itaas ng food chain ay ang mga hayop na malalakas gaya ng oso, tigre at leon. Dahil malalakas sila at dahil na rin sa sistema ng kanilang panunaw ng pagkain o digestive system, ang mga mas mahihinang mga hayop ang kinakain nila gaya ng zebra, usa, baboy at iba pa. Hindi hinahabol ng mga mas mahihinang hayop ang leon o tigre dahil pag ginawa nila iyan, sigurado, mamamatay at kakainin sila. Dahil iniisip nating mas nakaka-survive ang mga mas malalakas na hayop sa food chain baka ito rin ang dahilan kung bakit gusto nating maging malakas sa paningin ng iba. Gusto nating maging number one at dakila para kapag dumating ang oras ng kahirapan, mas may laban tayo kaysa sa iba – mas lamang tayo, mas makaka-survive tayo. Kaya ang pag-uunahan, nauuwi madalas sa panlalamang, pananakit at sa maraming pagkakataon, karahasan!
Bagamat maaari ngang mayroon tayong likas na pagnanais na maging mas malakas, mas magaling o pagnanasa na maging una sa iba, sa palagay ko, na-master natin ang pagnanasang ito sa pamamagitan ng ating mga paaralan. Sa pedagogy o pag-aaral sa eskwelahan natin natutunan na totoong kailangan natin maging una at maging lamang sa iba. Sa mga paaralan natin natutunan ang value o halaga ng pagiging first honor. Yung iba, pag second honor ang nakuhang pwesto, umiiyak pa sa lungkot – na d-depress! Dinadala ang sama ng loob hanggang sa pagtanda. Pati mga magulang nakikisama sa paligsahan – nagiging stage parents at sponsor ng kung anu-anong regalo para sa mga guro. Kaya, minsan para na lang walang away, dalawa ang binibigyan ng award ng teacher. Mabuti na rin yun, hindi ba, para mas marami na rin ang mag b-blow-out.
Sa palagay ko, mas makakabuti sa ating mga sarili, pamayanan at lipunan kung ang mga pagsusulit o tests na ibinibigay sa paaralan ay naglalayong tulungan ang bata, magulang at guro upang matuklasan ang angking kakayahan ng mag-aaral sa halip na gamiting kasangkapan sa pag-uunahan.
IV. Ang suliranin sa pag-uunahan.
Ano ba ang problema sa pag-uunahan? Hindi ba mas maganda nga kung competitive tayo para ma-challenge tayo na ibigay ang best natin sa lahat ng pagkakataon? Ano ba ang maaari nating gamiting halimbawa para mas maunawaan natin kung paano nakaka-apekto ang pag-uunahan sa ating pagpapasya at buhay bilang isang pamayanan?
Isang malinaw sa ating kasalukuyang karanasan na maaari nating gawing halimbawa ay ang suliranin natin sa tubig. Nitong mga nakaraang Linggo, damay ang maraming residente ng Maynila sa ginagawang pagbabawas ng Maynilad ng sinu-supply nilang tubig sa pamamagitan ng pagpapatigil ng serbisyo nito ng pitong oras tuwing gabi hanggang madaling-araw. Kailangan ng mga taga-Kamaynilaan ang tubig, pero dahil sa kakaibang pagbabago ng klima at El Niño, hindi sapat ang tubig sa mga dam na pinanggagalingan ng tubig ng Metro Manila kaya kailangang magtipid. Pero papayag ba ang mga taga-lungsod na magtipid at magkaranas ng service interruption habang panahon? Kailangang gumawa ng paraan upang ang kakulangang ito ay masolusyunan.
Ang isang binabanggit na pangmatagalang solusyon sa sinasabing kakulangan ng supply ng tubig ay ang pagpapatuloy ng nabinbing proyekto ng MWSS na Laiban Dam sa Tanay, Rizal. Maaaring totoo na makikinabang ang mga taga-Kamaynilaan kung matutuloy ang proyektong ito. Maaaring ma-solve ang problema natin sa tubig. Pero ano ang kapalit nito? Katulad ng nangyari sa iba pang mga dam na ipinagawa ng pamahalaan, wawasakin nito ang malaking bahagi ng lupang ninuno na pinagkukuhanan ng kabuhayan ng mga katutubong Dumagat. Sisirain nito ang biodiversity sa kabundukan ng Sierra Madre. Magkakaroon ng panibagong banta ng mabilisang pagbaha o flash flood sa mga lugar o pamayanang dadaluyan ng tubig kung sakaling umapaw ang dam dulot ng malakas na pag-ulan gaya ng nangyari nang dumaan ang Bagyong Ondoy noong 2009 at habagat noong taong 2012 at 2013.
Ang tanong, kaninong kapakanan ang uunahin natin? Kapakanan ba ng mga katutubong halos walang tinig sa pagsasagawa ng mga patakaran at pasya sa pamahalaan o ang kapakanan ng mga taga-Maynila na nahihirapan sa pag-iipon ng tubig araw-araw? Ano ba ang mas mahalaga, ang biodiversity ng Sierra Madre o ang negosyo ng mga kumpanyang kausap ng ating pamahalaan sa ilalim ng tinatawag nitong Public-Private Partnership (PPP)? Uunahin ba natin ang kapakanan ng mga taong dakila o ng mga taong mahihina sa lipunan? Sino ang ating paglilingkuran?
Bukod sa tubig, isang dahilan kung bakit nakakaranas ng kaguluhan at kahirapang ang maraming katutubo dito sa Pilipinas ay ang malusog at malawak na mga lupain, yamang gubat at mga mineral na matatagpuan sa lupang ninuno. Bukod sa mayaman ang Pilipinas sa ginto, mayaman din ang Pilipinas sa iba’t ibang uri ng mineral na kailangan ng iba’t ibang produktong nagpapaginhawa at nakakapagpasaya sa buhay ng mga “mauunlad” na tao. Halimbawa, ang bundok ng Noventa na nasa gitna ng dalawang probinsya ng Surigao sa Mindanao ay isa sa may pinakamalaking deposito ng iron ore – isang mineral na ginagamit sa paggawa ng bakal. Bakal na ginagamit sa paggawa ng mga matatarik na gusali, tulay at bahay; at mga magagarang sasakyan. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng likas nitong yaman, nananatili ang dalawang probinsya ng Surigao sa dalawa sa pinakamahirap na mga probinsya sa ating bansa.
Kung karaniwang kahirapan lang ng buhay, siguro kaya naman ng mga Pilipinong katutubo o Lumad, pero ang pagpasok ng mga militar sa kanilang mga pamayanan; ang pagkakatigil ng pag-aaral ng higit sa 1,000 mga bata at paglikas ng mahigit 40,000 katutubo mula sa kanilang mga tahanan dahil sa kaguluhan; ang mga paglabag sa karapatang-pantao, hindi lang laban sa mga lider at guro na tumututol sa ginagawang pangangamkam ng tropa ng pamahalaan at mga minahan kung hindi pati sa mga batang walang kalaban-laban. Itatanong ko ulit, sino ang ating paglilingkuran?
V. Ang IP Sunday
Sa araw na ito ay ipinagdiriwang o ginugunita natin ang tinatawag na Indigenous People’s (IP) Sunday o Linggo ng mga Katutubo. Maaari rin natin itong tawaging Linggo ng mga Lumad. Ito ay bahagi ng ating pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Katutubo sa bisa ng batas na nilagdaan noong 2009.
Ninanais natin na sa pamamagitan ng mga pagdiriwang na ginaganap sa buwang kasalukuyan ay mabigyan ng pansin, diin at pagkaunawa ang kalagayan ng mga kapatid nating katutubo sa layuning magbibigay-daan ito sa pagkilala sa kanilang mga karapatan.
Bilang mga Metodista, ipinapahayag natin ang pagpapahalaga natin sa iba’t ibang lahi at ethnic o indigenous groups sa pamamagitan ng ating pahayag sa ating Social Principles o Panlipunang Panuntunan kung saan binibigyang diin nito ang panawagan laban sa tinatawag nating racial discrimination o ang pagtatangi laban sa ibang lahi. Kasalanan ang turing ng ating panuntunan sa pagtatangi laban sa ibang lahi habang pinagtitibay nito ang kahalagahan ng buhay ng lahat ng tao. Malinaw ang panawagan ng mga Metodista upang mabigyan ng pagkakataon ang mga katutubo sa pagkakaroon ng pansariling pagkakakilanlan na maghahatid sa kanila upang igiit ang pantay at makatarungang karapatan bilang bahagi ng ating lipunan.
Sana, sa susunod na General Conference ay magkaroon na rin ng pahayag ang ating iglesya tungkol sa pangangalaga at paggalang sa mga lupang ninuno o katutubo o ang tinatawag natin na ancestral domain.
Dito sa ating bansa, naglabas ng isang dokumento ang mga katutubong Pilipino upang ipahayag ang kanilang adyenda o panawagan sa ating pamahalaan at sa iba’t ibang kapulungan sa Pilipinas at buong mundo kasama ang United Nations o UN. May apat na bahagi ang nasabing adyenda:
Ang una ay patungkol sa lupaing katutubo, teritoryo, likas-yaman at mapanupil na pag-unlad.
Nakasaad sa unang adyenda ang panawagan upang itigil ang pangangamkam ng lupain ng mga katutubo, ang mga dambuhalang minahan, pagpapatayo ng mga dam at pagpasok ng mga genetically modified organisms (GMO) sa kanilang mga bukirin.
Iginigiit ng adyendang ito na anumang proyektong pangkaunlaran o development project na gagawin sa kanilang mga lupain ay kailangang magkaroon ng masusing pag-aaral kasama ang mga katutubong naninirahan dito.
Pangalawa sa adyenda ay patungkol sa karapatang pantao, militarisasyon at kapayapaan.
Ang panawagan ng ikalawang adyenda ay ang ipatigil ang mapanlinlang na Oplan Bayanihan, mga pambobomba at sapilitang paglikas ng mga katutubo sa kanilang mga pamayanan. Nais din ng adyendang ito na ipatupad ang pagbabawal sa pag-okupa ng mga militar sa mga eskwelahan, bulwagan ng barangay, sentrong pangkalusugan, pulungan ng mga katutubo at sagradong lugar.
Nananawagan din ito sa paglalapat ng kaparusahan sa mga may gawa ng pagpatay at paglabag sa karapatang pantao laban sa mga katutubo.
Ang ikatlong adyenda ng mga katutubo na tinukoy sa kanilang dokumento ay patungkol naman sa National Commission on Indigenous People (NCIP), malaya, nauuna at maalam na pagpapahintulot at magkasalungat na mga batas.
Pagbabago sa mga batas na kasalukuyang umiiral patungkol sa mga katutubo kasama ang pagkakatatag ng NCIP ang mariing panawagan ng ikatlong adyenda. Hinihingi rin ng bahaging ito ang pagsasawalang-bisa ng Mining Act of 1995 at palitan ito ng tinatawa ng People’s Mining Bill na matagal nang nakahain sa ating kongreso.
Nananawagan din ito sa pagpapabasura ng ilang mga batas gaya ng Joint Administrative Order (JAO) na nagbigay-daan sa pagkasira ng mga lupang ninuno, teritoryo at likas na yaman. Sa kabilang banda naman ay nananawagan din ito na ibilang ang mga panukalang pangkaunlarang adyenda na binuo ng mga katutubo at tiyakin ang kanilang pakikilahok sa iba’t ibang kapulungan tulad ng United Nations at Climate Change Commission.
Ang pang-apat at panghuling adyenda ay patungkol sa serbisyong panlipunan, sustainable development goals pagkatapos ng taong 2015, pag-angkop sa naiibang pagbabago ng panahon at kahandaan sa sakuna at mga pamamaraan ng pagtugon.
Panawagan ng adyendang ito ang pagsusuri ng Programang Pantawid Pamilyang Pilipino (4Ps) kasama ang mga katutubo upang ito ay maging mas angkop sa kanilang uri ng pamumuhay. Panawagan din ng adyedang ito ang pagpapalakas at suporta sa tradisyunal na pamamaraan ng mga katutubo sa paghahanapbuhay, edukasyon, panggagamot at pag-angkop o kahandaan sa pagbabago ng klima.
Ang nilalaman ng dokumentong naglalahad ng adyenda ng mga katutubo ay mga panukala pa lamang. Hindi pa sila nagiging batas. Pero ito ay ang malinaw na pagpapahayag ng kapulungan ng mga katutubo upang isatinig ang kanilang damdamin at igiit ang kanilang karapatan.
Mahaba pa ang lalakbayin ng dokumentong ito kasama ang paglalakbay ng maraming katutubong nangangailangan ng kalinga bago maisakatuparan ang mga nakalahad dito. Sa paglalakbay na ito, kailangan nila ang ating pakikiisa. Maglakbay at makibahagi tayo sa mga kwento ng kanilang buhay at pakikibaka.
Sa gitna ng mga nangyayari sa pamayanan ng mga katutubo sa Pilipinas, handa ba tayong maging “alipin” nila tulad ng hamon ni Hesus sa ating aralin? Tatanggapin ba natin ang panawagan upang mauna hindi sa pamantayan ng mundong ito kundi sa pamantayan ng pagiging alagad at tagasunod ni Hesus? Paano natin susundan si Hesus sa kanyang pagbaba at pagparito upang maglingkod at mag-alay ng buhay? Kaya ba nating magpahuli sa gitna ng pang-aakit ng sinasabing “kaunlaran”? Magpahuli at maging mabagal sa pagsulong upang magkaroon ng panahon at pagkakataong mapakinggan ang mga taong mula sa pamayanan na pinagmulan ng ating lahi.
Susubukan ba natin i-evengelize ang mga katutubo upang makapunta sila sa langit pagdating ng araw o sasamahan natin sila upang pangalagaan at ipagtanggol ang langit dito sa lupa na patuloy na sinisira at inaagaw ng lipunang gustong maging dakila?
O Diyos na nagpapakilala sa amin sa iba’t ibang pamamaraan. Diyos na nagpakumbaba at namuhay kasama namin sa katauhan ni Hesus, tulungan po ninyo kaming maunawaan at sundin ang panawagan mo para sa amin.
ADB1905: Gayon ma'y ngayon, kung iyong ipatatawad ang kanilang kasalanan; at kung hindi, ay alisin mo ako, isinasamo ko sa iyo, sa iyong aklat na sinulat mo.
NIV: But now, please forgive their sin—but if not, then blot me out of the book you have written.
Sa gitna ng disyerto, matagal-tagal nang hindi nakikita ng mga Hebreo si Moses. Nasa itaas siya ng Bundok ng Sinai habang tinatanggap mula kay Yahweh ang tipan na magtatakda ng kanilang katayuan bilang isang bayan sa harap ng Diyos. Pangunahin dito ay ang kautusan na walang ibang kikilalaning Diyos ang bayang Israel bukod sa Diyos ni Abraham, Isaac at Jacob. Mahalaga ang kautusan dahil sa pamamagitan nito, kikilalanin ng lahat si Yahweh bilang tunay na Diyos at ang Israel bilang bayang kanyang pinili.
Sa pagkainip ng mga tao sa paghihintay kay Moses, napagpasyahan nilang kailangan nilang “gumawa” ng bagong diyos at ito nga ang kanilang ginawa. Kaya sa pagbaba ni Moses mula sa pakikipagtipan sa Diyos natagpuan niya ang mga Hebreong sumasamba sa isang gintong guya (calf). Dahil dito, nag-alab ang galit ni Yahweh at nais na niyang lipulin sila at magpasimula ng bagong bagong bayan sa pamamagitan ni Moses.
Ang tugon ni Moses – isang hiling upang sila ay patawarin – at kung hindi, nais niyang ipabura ang kanyang pangalan sa aklat na si Yahweh mismo ang sumulat.
Maaaring may ibang paliwanag ang mga eksperto ng Biblia sa kung ano ang tinutukoy ni Moses na “aklat na sinulat” ni Yahweh, pero nais kong magbulay sa kwentong ito gamit ang kinagisnan kong pagkakaunawa: ang aklat na tinutukoy dito ay ang aklat ng buhay; isang listahan ng pangalan ng mga taong tatanggapin ng Diyos sa langit o sa kanyang kaharian pagkatapos nilang mamatay. Sa aking kinagisnang paniniwala, ang pagkasulat ng kanyang pangalan sa aklat na ito ang pinakamimithi ng lahat ng Kristiyano dahil kung hindi, siya at makakaranas ng walang-katapusang pagdurusa sa impiyerno kasama ang lahat ng mga makasalanang hindi kumilala sa Diyos noong sila ay nabubuhay pa.
Dahil sa paniwalang ito nga ang pinakamagandang makakamit ng isang tao habang siya ay nabubuhay pa, hinding hindi iisipin ng isang mananampalatayang Kristiyano na hilingin sa Diyos na burahin ang kanyang pangalan sa aklat na ito. Pero iba si Moses. Payag siya, hindi, nais niyang burahin ang pangalan niya sa aklat ng buhay kung hindi rin naman magagawang patawarin ni Yahweh ang kanyang bayan mula sa kanilang kalapastanganan.
Ang aklat ng buhay ay ang listahan ng mga taong kumikilala at sumusunod kay Yahweh. Dito nakatala ang mga taong nagpapasakop sa kanya bilang Diyos at panginoon. Hindi lang ito garantiya ng buhay na walang hanggan – ipinapakita rin nito kung tinatanggap ng Diyos ang pagkilala ng isang mananampalata sa kanya bilang kanyang tunay na Diyos. Maraming kinikilalang Diyos ang mga tao noong panahon ni Moses. Kung hindi ka magpapatala sa aklat na isinulat ni Yahweh, malamang sa hindi, ikaw ay magpapatala sa listahan ng ibang diyos. Sa pagpapatanggal ni Moses ng kanyang pangalan sa aklat na isinulat ni Yahweh, parang sinasabi na rin niya kay Yahweh na hindi niya maaaring tanggapin, sambahin o kampihan ang isang diyos na hindi marunong magpatawad. Hindi niya tatanggapin ang pagka-diyos ng isang diyos na hindi marunong mahabag. Hinding hindi siya magpapasakop sa isang diyos na walang biyayang nakalaan para sa mga mahihina o walanag sariling kakayahan upang maging matuwid.
Sa madaling-salita, nagbanta si Moses na i-b-boycott niya ang Diyos kung hindi niya matututunan ang pagpapatawad, pagbibigay-katarungan o katuwiran (justification) sa harap ng kasalanan. Para kay Moses, hindi diyos ang Diyos kung hindi niya kayang tanggapin ang mga pagkukulang, kahinaan at kapalpakan ng kanyang itinuturing na bayan. Mapangahas at handa si Moses na pababain si Yahweh mula sa kanyang pakakaluklok bilang panginoon ng kanyang buhay kung ang kapangyarihang taglay ni Yahweh ay kapangyarihang kayang lipulin ang pinakamakapangyarihang hukbo ngunit hindi naman kayang lusawin ang kamalian at pagkukulang.
Paano nga ba natin kakaharapin ang mga nasa kapangyarihan? Kung handa si Moses na i-boycott at pababain ang kinikilalang diyos mula sa kanyang “trono”, sa paanong paraan kaya natin maaaring pababain ang mga naghahari-harian sa ating lipunan kung hindi naman nila kayang gampanan ang kanilang tungkulin sa bayan o mamamayan?
Sa ating binasang kwento, tila sinubukan pang suhulan ng diyos si Moses – pinangakuan siyang bibigyan ng magandang pangalan pagkatapos ng balak na pagwasak sa bayang Israel (Exo 32:10). Mukhang kaparehas ito ng pamamaraan ng marami sa mga nasa kapangyarihan sa kasalukuyang panahon – bibigyan ng kaunti o marami-raming “blessings” ang iilan upang manahimik sa kabila ng kaapihan at kahirapan. Patataasin ang antas ng pamumuhay – magkakaroon ng ilang pribelehiyo sa lipunan (masarap na pagkain, kumportable bahay at iba pang ari-arian, magandang kinabukasan para sa mga anak, etc.) upang pangunahan ang pananahimik at ipagtanggol ang kalapastanganan ng mga naghahari-harian.
Oh Yahweh! Diyos na buhay. Tulungan po ninyo kaming matagpuan ang katuwiran at katarungan sa aming paghahanap ng kapayapaan. Amen.
Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
✓ Live Streaming✓ Interactive Chat✓ Private Shows✓ HD Quality✓ Free Actions
Free to watch • No registration required • HD streaming
Napansin ba ninyo na malungkot ang kwentong binasa natin mula sa Lumang Tipan? Ito ay kwento mula sa huling bahagi ng buhay ni Moses. Si Moses na kinikilala ng mga Hudyo bilang pinakadakilang propeta. Isang lider na nagligtas sa kanila at naging kamay ng Diyos sa pagbuo sa kanila upang maging isang ganap na bayan.
Ayon sa kwento mula sa aklat ng Deuteronomio 34:4,
Sinabi sa kanya ni Yahweh, "Iyan ang lupain na aking ipinangako sa iyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob. Sinabi ko sa kanilang ibibigay ko ito sa kanilang lahi. Ipinakita ko ito sa iyo ngunit hindi mo mararating."
Nitong mga nakaraang araw, marami rin tayong nababalitaang malulungkot na pangyayari sa ating paligid. Sige nga, tignan natin kung gaano ninyo kaalam kung anu-ano ang mga "trending" na balita ngayon. Magbabanggit ako ng tatlong lugar, at sasabihin ninyo kung ano ang naganap o nagaganap sa mga lugar na ito.
(pause)
Game?
(pause)
Game!
1. West Africa, particular sa Guinea, Sierra Leone, Liberia at Nigeria ... outbreak ng Ebola virus.
Ayon sa ulat ng United Nations, nitong nakaraang linggo 9,936 na ang infected ng Ebola habang 4,877 na ang namatay.
2. Los Baños ... ginahasa ang isang estudyante ng UP
October 15, isang estudyante ng University of the Philippines sa Los Baños ang ginahasa ng isang tricycle driver sa labas ng kanilang campus.
3. Olongapo … pagpatay kay Jennifer Laude
Octber 11, isang transgender na babaeng nagngangalang Jennifer ang pinatay di umano ng isang sundalong Amerikano sa isang motel sa Olongapo. Ayon sa balita, si Jennifer ay namatay sa pagkakalunod gamit ang tubig sa inidoro ng hotel. Hindi pa natutukoy hanggang sa ngayon kung ano ang motibo ng akusado sa pagpatay kay Jennifer ngunit nitong nakaraang Miyerkules nasa kustodiya na raw ng AFP ang suspect. Inilibing na si Jennifer noong nakaraang Biyernes.
Tatlo lang ito sa mga balitang kumalat at pinag-uusapan sa Pilipinas pero marami pang iba. Halimbawa:
1. Bukod sa mga nabanggit na balita, narinig ba ninyo ang nangyari sa Ottawa (Canada) noong nakaraang Miyerkules?
(pause)
Dalawa ang namatay sa isang pamamaril na ang hangad di umano ay atakihin ang parliyamento ng nasabing bansa. Ang pag-atakeng ito ay "ganti" raw sa pagtulong ng Canada sa binabalak na pambobomba ng Estados Unidos sa bansang Iraq.
2. Ang pagtaas ng alert level o banta ng kaguluhan sa Yemen.
3. Ang pagsabog at patuloy na banta ng pagsabog ng bulkang Mayon.
4. Ang pananalanta ng bagyong Mario noong nakaraang buwan na tila madaling inilagay sa limot ng maraming Pilipino.
5. At nariyan ang mga pangyayaring halos hindi pinapansin ng tinatawag na main stream media kaya hindi man lang nabalitaan ng maraming Pilipino:
Ang pagkakahuli ng isang manggawa ng simbahan na ngayon ay sinasabi ng militar na isa raw rebeldeng may pataw na P4.8M
Ang strike ng mga nurses noong isang linggo upang ipaglaban ang mas makatarungang sweldo
Ang strike ng mga manggagawa ng isang planta ng kemikal sa Cebu dahil sa ipinatutupad na di-makataong 16 na oras ng sapilitang paggawa
Ang land-grabbing ng mga Araneta sa Rizal
Ang panlilinlang ni DOE Secretary Petilla hinggil sa sinasabing krisis sa enerhiya sa susunod na taon
Ang pang-aabusong nagaganap sa Hacienda Luisita na iniulat ng isang grupo mula sa Australia pagkatapos ng isang misyon ng pakikiisa na ginanap noong Oktubre 16-19
Ang pambobomba ng isang simbahan ng UCCP sa Pikit, North Cotabato habang ang ilang mga kaanib ay nananambahan noong ika-8 ng Oktubre na kumitil ng 2 buhay.
Ang lumalakas na banta ng Laiban Dam na sisira sa ancestral domain ng mga katutubong Dumagat sa Rizal
Siguro napansin ninyo, na sadyang hindi ko binanggit ang balitang tila paborito ng mga media organizations - ang circus na nagaganap sa pagitan ng ating Bise Presidente at ilang Senador. Karugtong ito ng sari-saring di-umano ay insidente ng malalaking nakawang naganap at nagaganap sa ating pamahalaan. Hindi ko sana ito gustong bigyan ng pansin dahil kahit ito ay nakakalungkot at may kinalaman sa lahat ng mga Pilipino, naniniwala akong marami pang mahahalagang pangyayari sa ating paligid ang dapat nating bigyan ng pansin.
Kung susuriin nating mabuti ang mga pangyayaring ito, makikita natin na karamihan sa kanila ay pagpapahayag o sintomas o sabihin na nating "projection" ng mas malalalim na suliranin ng ating lipunan, bansa at ng sangkatauhan. Halimbawa, ang mga suliranin na konektado sa kasakiman at pagkauhaw sa kapangyarihan kadalasan ay iisa ang pinagmulan – yan ay ang so....bra-sobrang pagpapahalaga at pagmamahal sa sarili.
Pero siguro, ang isa pang nakakalungkot sa mga problemang ito ay tila hindi na umaasa ang marami na magkakaroon pa ng solusyon ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Kung mayroon man, iniisip natin na hindi ito mangyayari sa ating "lifetime". Ngunit hindi ba, bilang mga Kristiano, pag-asa ang ibinigay sa ating sandata ng Diyos? Sa pamamagitan ng pagkabuhay na magmuli ni Hesus, alam natin na kaya nating malampasan lahat ng hamon at ipinapahayag natin ang pag-asang ito tuwing tayo ay nagtitipun-tipon.
Kung ang lupang pangako para kay Moses ay ang Canaan, bawat isa sa atin ay may kanya-kanya ring lupang pangako. Ano ba ang mayroon sa Canaan at nais itong marating ng mga Hebreo? Lupang pangako, lupang sagana, buhay na malaya, buhay na payapa, buhay na kasiya-siya. Siguro naiisip n’yo rin paminsan-minsan, ano ba talaga ang uri ng buhay at kalagayan ang nais ng Diyos para sa atin? Ano ba ang mukha at kahulugan ng lupang pangako para sa atin? Kung mailalarawan natin ang lupang pangako para sa ating pangkasalukuyang pamayanan, nakikita ba natin ang ating mga sariling naninirahan o namumuhay dito? Ano ang mga inaasahan natin pagdating natin sa lupang pangakong ito?
Pero alam ba ninyo na kagaya ni Moses, marami sa mga naglalakbay patungo sa kani-kanilang lupang pangako ay hindi na makakarating dito? Kagaya ni Moses, makikita na lamang nila ito sa pamamagitan ng paglalarawan ng Banal na Diwa dahil hindi kasama nang ipinangako ang lupang pangako ang kasiguruhang marating ito ng lahat ng pinangakuan.
Ngunit katulad ni Moses, kahit batid nilang hindi na nila mararating ang lupang pangako ay patuloy pa rin silang naglalakbay patungo dito. Sa pamamagitan ng pananampalataya, naipapakita ito ng Diyos sa kanila at ang kanilang paglalakbay ay napupuno ng pag-asa dahil sa patuloy na pagtanggap ng paglalarawan ng lupang pangako ng mga bagong manlalakbay.
II. Pag-Ibig
Pero paano? Paano nga ba naglalakbay ang isang mananampalataya? Paano nagpupunta ang isang pinangakuan mula sa madilim na pagkakaalipin tungo sa liwanag ng buhay na kasiya-siya? Ang aralin natin para sa Linggong ito mula sa panulat ni Mateo ay ang tutulong sa atin upang matuklasan natin kung paano.
Ayon sa aklat ni Mateo 22:34-40, hayaan ninyong basahin kong muli,
Nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Jesus ang mga Saduseo. Isa sa kanila, na dalubhasa sa Kautusang Judio, ang nagtanong kay Jesus upang subukin ito. "Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?" tanong niya.
Sumagot si Jesus, "Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang katuruan ng mga propeta."
Pagmamahal, pag-ibig, pag sinta.
(pause)
Love! Mahirap na madali ang paksang ito. Agree ba kayo?
(pause)
Madali, kasi lahat naman ng tao eh marunong magmahal. Agree?
(pause)
Kahit siguro ang pinakamalupit na taong nabuhay sa mundo, naniniwala ako na marunong magmahal. Siguro lang, mas expert s'ya sa pagmamahal sa sarili. Ano sa tingin ninyo?
(pause)
Pero mahirap din ang paksang ito dahil unang-una, pagkatapos nating mabasa o marinig ang "love", madaling sabihin sa sarili na, "alam ko na yan". Masyadong palasak at masyadong basic. Pang-amateur kung baga. Madalas kasi mas mahirap pag-aralan ang isang bagay o konsepto na pinaniniwalaan nating, "alam" na natin.
Para sa mga teenager, una, crush, tapos na m-miss na nila ang isa't isa. Kung uso pa, eh magliligawan. At pagkatapos? Haaay ... puppy love kung tawagin noong una! Pagmamahal ‘yun, kasi gusto ninyong mag "spend ng time" sa isa't isa. Pagmamahal ‘yun kasi na i-inspire ka pag naaalala mo. Pagmamahal na ramdam na ramdam mo at masasaktan ka kapag hindi "nag work".
Pero alam ba natin na ang pagmamahal na binabanggit sa araling ito ay walang kinalaman sa pagmamahal na “pakiramdam”? Tama po ang narinig ninyo, walang kinalaman sa emosyon ang pagmamahal na itinuturo ni Hesus sa araling ito. Hindi tungkol sa pakiramdam ang sinasabing "ibigin ang Panginoon" at "ibigin ang kapwa" bagkus, ito ay tungkol sa kilos, gawa o aksyon ng isang taong nagmamahal para sa iba. Hindi ito tungkol sa kung ano ang nararamdaman natin sa Diyos at kapwa kundi tungkol ito sa kung ano ang dapat nating gawin para sa Diyos at para sa kapwa. Kaya pag nag p-praise and worship ka, tapos ramdam na ramdam mo; at nagpupuri ka sa Panginoon na halos himatayin ka na sa pag-iyak, wala pang kinalaman sa pagmamahal yun. Kasi, pagsasabi at pakiramdam pa lang yun. Wala pang kongkretong ginagawa. Ang totoonog pagmamahal ay may pagkilos para sa ikabubuti o benepisyo ng minamahal.
Tanong: Paanong ikabubuti ng Diyos?
Ang tanong na ito ang maghahatid sa atin sa ikalawang dahilan kung bakit mahirap ang paksang ito.
Mahirap ang paksang ito dahil nais ng utos na mahalin o ibigin natin ang Diyos o umaksyon para sa ikabubuti n’ya gayung hindi naman natin s’ya nakikita at nahahawakan. Bukod doon, nahihirapan nga tayong matuklasan kahit ang kaunting katotohanan ukol sa kanya, mamahalin pa natin s'ya? So paano nga? Kaya siguro marami sa ating mga Kristiyano, sa kagustuhan nating mahalin ang Diyos ay nagpapakulong na lang tayo sa pagpapahayag ng pagmamahal kaysa kumilos para mahalin s’ya. Mahalaga rin naman yung pagpapahayag ng pagmamahal sa pamamagitan ng pagkanta o pagsamba – pero hindi sapat yun. Na-a-appreciate natin ang ating mga anak, asawa; o boypren o gelpren pag sinasabihan tayong mahal nila tayo. Mas ok kung may kasabay na yakap. Nagiging mabuti ang mga gawing ito para sa relasyon natin sa kanila. Pero hindi nakakulong sa pagsasabi ng "I love you" ang buhay natin. May mga pangangailangan tayo bilang mga magulang, anak at asawa na dapat maging daan upang totoong maisagawa ang pagmamahal na ito.
So, paano nga? Paano natin mamahalin ang Diyos na hindi natin nakikita? Naisip ko tuloy, parang ang ibang pananampalataya, hindi nila problema ito, kasi gumagawa sila ng diyos na nakikita nila. Tina-taylor-fit nila ang diyos nila ayon sa gusto nilang anyo at pagka-diyos. Pero para sa ating mga mananampalatayang Kristiyano, hindi tayo ang gumawa sa Diyos natin kundi tayo ang ginawa ng tunay at nag-iisang Diyos. Tayo, kasama ng lahat ng mga lupain, karagatan, kalangitan, hangin; mga halaman, hayop at tao.
Ito ngayon ang maghahatid sa atin sa ikatlong hamon ng pagkaunawa sa paksa ng "love" – ang mahalin natin ang ating kapwa. Ayon sa karamihan, magagawa raw nating mahalin ang ating Diyos kung matututunan nating mahalin ang ating kapwa. Sige, mag-focus muna tayo sa kapwa – huwag na muna nating isali yung ibang nilikha bagamat may kinalaman din sila, dahil hindi naman sila direktang binanggit sa ating teksto.
Paano ngayon natin mamahalin ang ating kapwa? Mahirap ba ito? Kung ang kapwang pinag-uusapan ay ang anak, asawa, apo o best friend natin, hindi naman sila mahirap mahalin, 'di ba? Madaling mahalin ang kapwa kung ang iniisip nating kapwa ay ang mga taong mahal na natin mula pa noong umpisa. Pero, yung mga kakilala nating hindi natin "type" o "trip" ang karakter o pag-uugali, pwede naman sigurong hindi na sila isali sa "kapwa", tutal, marami naman na tayong mga kaibigang mahal o minamahal. Kaya yung mga kapitbahay na nakakairita, baka pwedeng "pagtiisan" na lang natin sila. Alam po ninyo mga kapatid, hindi minamahal ang pinagtitiisan. Hindi minamahal ang pinagpapasensyahan. Hindi minamahal ang isang taong halos 'di mo kayang bigyan ng pansin. Hindi minamahal ang mga taong kinakausap lang natin kapag tayo ay may kailangang sa kanila. Hindi rin mahal yung “dating kaibigan” na hindi mo na kinakausap para wala na lang away.
Lalong magiging mahirap ang pagpapatupad sa utos na ito ng Diyos kung lubusan nating pag-aaralan ang kahulugan ng sinasabing "gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili". Sa maraming pagkakataon kasi, pag naririnig natin ang utos na ito, ang nagiging "conclusion" natin ay, "kailangan pala, matutunan kong mahalin ang aking sarili, kasi kung hindi ko matututunan yun, hindi ko matututunang gawing mahalin ang aking kapwa". Tama ba? Mukhang akma naman ang conclusion na ito pero ang tanong, ito ba ang talagang gustong sabihin ni Hesus? Gusto bang ituro ni Hesus sa atin na mahalin muna natin ang ating sarili, pagkatapos nun, pag kuntento o satisfied na tayo ay kailangan na nating mahalin ang ating kapwa?
Naalala pa ba ninyo yung binanggit natin kanina na, marami sa mga suliranin ng sangkatauhan ay nagmumula sa labis-labis na pagmamahal sa sarili?
Siguro, mas makakatulong sa atin upang maunawaan ang talatang ito kung mababasa natin ang talatang ito gamit ang ibang salin.
"Ibigin mo ang iyong kapwa bilang sarili".
(pause)
Uulitin ko.
"Ibigin mo ang iyong kapwa bilang sarili".
Napansin n'yo bang nagbago ang maaaring maging kahulugan nito? Nagbago ba ang mga posibilidad ng pagkaunawa?
Dito sa salin na ito, hindi na natin maiisip na kailangang unahin nating mahalin ang ating sarili bago pa man natin maaaring mahalin ang ating kapwa. Dito sa salin na ito, sabay na minamahal ang sarili at kapwa. Gagawa ka ng mga bagay para sa kapwa kung paanong ginagawa mo ito sa iyong sarili. Tutugunan mo ang pangangailangan hindi "muna" ng sarili kundi kasabay ng pagtugon sa sariling pangangailangan ay ang pagtugon sa pangangailangan ng iba.
Paano natin maia-apply ito sa mga kinakaharap nating mga suliranin. Halimbawa, sa suliranin ng kahirapan, edukasyon at kasarinlan?
Kung naghihirap ka, anu-ano ang handa kang gawin upang maiahon ang sarili sa kahirapan? Kung mahal natin ang kapwa bilang sarili, hindi lang natin pagsusumikapan ang pag-ahon ng ating sarili at pamilya mula sa kahirapan kundi ang sama-samang pag-ahon ng bawat isa. Kung gusto nating makamit ang magandang edukasyon para sa ating mga sarili o mga anak, hindi lang tayo gagawa o mag t-trabaho para maibigay ang mataas na kalidad ng edukasyon para sa ating mga mahal sa buhay kundi pati ng lahat ng nagnanais nito. Kung gusto nating maging malaya mula sa mga bagay na itinuturing nating pumipigil sa atin upang lumago at matuklasan ang sarili, hindi ba mas naaayon na magsumikap tayong matuklasan ang kakanyahan bilang isang pamayanan at bayan?
III. Ang Buhay na Kasiya-Siya
Para sa akin, ito ang lupang pangako, ang mabuhay ng sapat at kasiya-siya o ang mas pamilyar sa atin na "abundant life" para sa lahat. Buhay na kasiya-siya na s'yang dahilan kung bakit pumarito ang ating tagapagligtas na si Hesus. Buhay na kasiya-siya na kung saan kumakain ng masustansyang pagkain ang lahat. Umiinom ng malinis na tubig. Nakakatulog ng mahimbing na may layang managinip, maghilik at mag-over-sleep ang bawat isa na walang banta ng kahuluhan o digmaan.
Ang hirap naman nito.
Sige, simplehan muna natin, ang isang larawan ng lupang pangako para sa akin ay yung hindi na kailangang manlimos ng mga Pilipino sa mga kongressman, bise-presidente, presidente at kung sino mang pulitikong may hawak ng “pondo” upang makatanggap ng serbisyong medikal at pang-edukasyon.
Ang hirap pa rin, ano?
Kaya nga. Kaya nga kailangan natin ang Banal na Diwa upang tayo ay magkaroon ng lakas sa ating paglalakbay tungo sa kalagayang ito. Lakas, hindi upang magmataas kundi lakas upang matutong bumaba at magpakumbaba gaya ng halimbawa ni Hesus. Maaari tayong maging daluyan ng pag-asa ng iba – pag-asa para sa mga taong hindi na marunong umasa.
Pero huwag nating kalimutan na kailangan din natin ang kwento ni Moses upang ipaalala sa atin, na kahit tayo ay naging tapat at masikap, maaaring hindi natin personal na mararating ang lupang pangako bagamat ang larawan nito ang ginagamit natin upang tayo ay makahugot ng lakas sa ating pagpapatuloy. Maaring hindi natin marating ito ngunit maaari itong maranasan ng mga susunod na henerasyon kung hindi tayo hihinto sa ating sama-samang lakbay-pananampalataya.
Hindi maikakaila na patuloy na dumarami ang mahilig uminom ng kape - hindi lang tuwing umaga o pag coffee break sa hapon. Nagdagsaan na rin ang mga coffee shops na nagtitinda ng napakamahal na kape na may iba't ibang variety.
May ilang mga bagay tayong maaaring bigyan ng pansin kung mahilig tayo sa kape upang hindi naman ito maging sanhi ng pagkasira ng kalikasan.
The best ang kapeng hindi instant. Mula sa pagkakapitas nito sa kanyang puno, niluluto ang coffee beans at saka ginigiling na maaari ng pakuluan para maging inuming kape. Hindi nangangailangang magpatakbo ng malalaking factories na nagbubuga ng masamang hangin at naglalabas ng maruming kalat upang makapaghanda ng kapeng barako.
Mas makakatipid kung mag papakulo para sa higit iisang tao. Sa madaling salita, mas masarap at cost effective ang pag-inom ng kape kung ibabahagi ito sa iba - mas masaya pa!
Kung masyadong matapang ang kapeng barako para sa iyong panlasa, maaari namang dagdagan ng tubig para mabawasan ang kapaitan.
Bukod sa mas enviornment-friendly ang giniling na kape, mas farmer friendly pa ang mga ito lalo na kung ito ay bibilhin ng diretso mula sa mga farmers' cooperative.
Ang latak naman ng pinakuluang giniling na kape ay maaaring ihalo sa lupa ng inyong mga pananim o garden upang makatulong sa pag e-enhance ng kalusugan ng nito.
Kung hindi talaga maiiwasan at gusto mong mag kape ngunit wala kang access sa o panahong gumawa ng giniling na kape, huwag gumamit ng 3-in-1 coffee. Ang 3-in-1 coffee ay madalas naka package gamit ang maliliit na supot na "sapat" lang para sa isahang timpla.
Nagpaparami ng kalat ang mga maliliit na paketeng ito - mga kalat na mahirap i-manage at i-recycle. Ang pag m-manufacture din ng mga maliliit na paketeng ito ay nag c-contribute sa carbon emmissions na dumadagdag sa problema ng global warming.
Parehas din ang epekto kung magtitimpla ng kape gamit ang mga coffee stick at creamer na pang-isahang gamit.
Kahit pa instant o giniling na kape, iwasan ang paggamit ng baso o tasang gawa sa styrofoam o plastic. Halos hindi na r-reuse ang mga ito at malaking pinsala ang idinudulot nito sa kapaligiran ng pangmatagalan.
Kung iinom ng kape sa mga mamahaling coffee shops, mas maigi kung magdadala o gagamit ng reusable na tasa o mug imbes na paper cups na madalas ay ginagamitan din ng plastic na pantakip. Madalas ay available ang option na ito at kailangan lang sabihin sa mga nagtitinda.
Isa sa pinakamalupit na nakakapag generate ng kalat lalo na sa mga highly-urbalized na lugar ay ang mga fastfood o kainan na gumagamit ng mga plastic at styro para i-pack ang mga pagkain. Mababawasan ang mga kalat na ito kung ang mga consumer o customers ay magiging mas conscious sa paggamit nito.
Bagamat ang the best na solution (sa mga kalat mula sa fastfood) ay ang hindi pagtangkilik dito (mag baon na lang para hindi na bibili), may mga pagkakataong sabihin na nating mahirap itong maiwasan.
Kung talagang hindi kayang maiwasan ang pagbili o mag take-out sa mga fastfood o kainang gumagamit ng plastic at styro, ito ang mga ilang tips para mabawasan ang kalat.
Magdala ng baunang reusable para paglagyan ng i-t-take-out na pagkain. Kung walang baunang reusable, huwag ng ipalagay sa styro - mas konti ang kalat kung sa plastic na lang ilalagay kaysa sa styro tapos plastic ulit. Gumamit ng plato habang kumakain o di kaya, diretso mula sa plastic na pinaglagyan.
Kung sa opisina naman kakainin ang i-t-take-out o di kaya sa isang lugar na may kutsara, huwag na rin kumuha o gumamit ng plastic na kutsara't tinidor. Huwag na ring kumuha ng plastic straw kung may drinks na kasama ang bibilhin.
Kung hindi naman kalayuan ang pinagbilhan, baka kaya ng hindi ilagay sa plastic bag ang softdrinks.
Kung hindi pa rin maiwasang manghingi at gumamit ng plastic na kutsara at tinidor, huwag itong itapon pagkatapos gamitin - pwede itong hugasan at gamitin sa susunod na mag t-take-out.
Pagkatapos kumain, i-segregate ang mga basura.
Huwag itatapon ang outer plastic bag - pwede pa itong gamitin sa susunod na mag t-take-out o di kaya lalagyan ng mas maraming basura at kalat.
When buying meat products in the market, bring your own plastic containers - the microwaveable or similar containers - and instruct the tindero/ tindera to put the meat in your container without using the a "plastic labo".
You can use the same container to better organize your freezers/ refrigerator when you need to store the meat.
Ang mga aralin natin sa araw na ito ay galing sa mga kwento at turong pamilyar sa marami sa atin.
Ang kwento mula sa aklat ng Genesis ay tungkol sa kung paanong kinainggitan si Jose ng kanyang mga kapatid na nagtulak sa kanila upang siya ay ipagbili sa mga dayuhan. Ang turo naman ni Pablo sa kanyang liham para sa mga taga-Roma ay tungkol sa pananalig kay Hesus at ang kaugnayan nito sa kaligtasan ng tao. At ang kwento o aralin naman na mula sa aklat ni Mateo ay tungkol sa paglalakad ni Hesus sa tubig – isang pangyayaring humahamon sa iglesya upang maglayag sa dagat ng kahirapan at unos.
Ang mga Overseas Filipino Workers o Migrants ba ay katulad ni Abraham na tinawag ng Diyos upang lisanin ang kinagisnang bayan ng Ur upang ipagpatuloy ang buhay sa malayong lugar? O baka naman mas maiuugnay natin sila kay Lot na pinili ang mas maganda o mas promising na lugar dahil sa paniniwalang makapagbibigay ito ng mas magandang kinabukasan sa kanilang pamilya – kinabukasang nakasandal sa yaman ng isang bagong lupain. Pero hindi tulad ni Abraham at Lot, ang mga Pilipinong nangingibang-bayan, madalas ay hindi kasama ang kani-kanilang mga pamilya. Madalas, umaalis silang mag-isa baun-baon hindi lang ang mga personal na gamit kundi pati ang bigat ng dibdib at ang magkahalong takot at pag-asa sa hinaharap.
Ang kwento na binasa natin mula sa aklat ng Genesis ay isa namang pagpapakita na mula pa noong unang panahon, ang mga tao ay nangingibang-lupain na. Ayon sa unang talata na ating binasa,
1 At tumahan si Jacob sa lupaing pinangibahang lupain ng kaniyang ama, sa lupain ng Canaan.
Hindi bago ang konsepto ng migration lalo na noong panahon na nomadic pa ang mga tao. Ang mga nomads ay mga taong palipat-lipat ng tirahan sa paghahanap nila ng matatabang lupain para mabuhay. Nagsimulang matigil ito nang matutunan ng mga taong mag settle at maimbento ang mga borders o ang paglalagay ng harang sa kani-kanilang inaangking pag-aari. Bagamat hanggang ngayon, may mga tao pa ring nomadic ang paraan ng pamumuhay.
Ayon sa ating kwento, nag settle raw si Jacob sa lupain kung saan nanirahan ang kanyang ama. Ngunit kung maaalala natin, ang kwento ng tinatawag nating “piniling bayan” ay nagsimula sa Canaan sa pamamagitan ni Abraham. Si Abraham na isang patriarch ay tinawag ng Diyos ayon sa Biblia upang lisanin ang Ur patungong Canaan kung saan siya at ang kanyang pamilya ay tumira bilang dayuhan.
Habang naghahanda ako para sa aralin sa araw na ito, hindi ko maalis sa isipan ko ang mga pangyayari sa lugar na binabanggit sa kwentong ito – ang Canaan. Hindi naman natin masyadong naririnig ang pangalang Canaan sa mga balita dahil ang mas naririnig natin ay ang mga lungsod at bayan gamit ang mga makabagong pangalan nito – ang Israel at ang Gaza. Hindi ko alam kung ano ang dahilan o pinanggalingan ng nagaganap na genocide sa Gaza. Pero kung tungkol pa rin ito sa agawan ng lupain o teritoryo, hindi ko maunawaan kung bakit ang isang bayan (ang bayang Israel o ang bayan ni Jacob) ay makikipag-agawan ng ari-arian sa lupang kung saan sila ay nakikitira bilang dayuhan.
2 Ito ang lahi ni Jacob. Si Jose, na may labing pitong taon, ay nagpapastol ng kawan na kasama ng kaniyang mga kapatid; at siya'y batang kasamahan ng mga anak ni Bilha at ng mga anak ni Zilpa, na mga asawa ng kaniyang ama; at ibinalita ni Jose sa kanilang ama ang kasamaan nila.
3 Minamahal nga ni Israel si Jose ng higit kay sa lahat niyang anak, sapagka't siya ang anak ng kaniyang katandaan: at siya'y iginawa ng isang tunika na may sarisaring kulay.
4 At nakita ng kaniyang mga kapatid na siya'y minamahal ng kanilang ama ng higit kay sa lahat niyang kapatid; at siya'y kinapootan, at hindi nila mapagsalitaan siya ng payapa.
Hindi gusto si Jose ng mga kapatid niya. Si Jose na kinagigiliwan at paborito ng kanilang ama ay kinapopootan ng kanyang mga kapatid. Hindi ko masabi kung nahahalata ni Jose na hindi gusto sa kanya ng mga nakatatandang kapatid niya pero parang natural lang kay Jose at tanggap niya na iba at espesyal ang relasyon niya sa kayang ama kung ikukumpara sa ibang kapatid.
Bukod sa pagiging paborito, kailangan din nating makita kung ano pa ang dahilan kung bakit poot at hindi simpleng inggit ang nararamdaman ng mga mas nakatatandang kapatid kay Jose. Si Jose, ang kanyang kapatid at mga magulang ay nabubuhay sa panahon at lipunan na kung saan ay patriarchy ang umiiral. Ang patriarchy ay isang sistema ng lipunan na kung saan ang mga lalaki ang namumuno at maykapangyarihan. Ang sistemang ito, bukod sa pagkiling nito sa mga kalalakihan ay may pagkiling din sa mga mas nakatatanda.
Kung matatandaan natin, si Jacob na anak ni Isaac ay mas nakababatang kapatid o kakambal ni Esau. Sa sistemang umiiral sa kanilang panahon, si Esau ang may karapatang mapamanahan ng kapangyarihang galing sa patriarch na si Isaac. Wala sanang problema dahil magiliw naman si Isaac kay Esau at wala namang maaring pumigil sa pagpasa ng kapangyarihan o pagpapala sa kanya. Ngunit dahil sa panlilinlang at pagsisinungaling ni Jacob, nagawan niya ng paraan upang maagaw ang pagpapalang ito mula sa kanyang kapatid. Ito ang nagpatindi ng hidwaan sa pagitan ni Jacob at Esau pati na ng kanilang angkan hanggang sa mga susunod na panahon.
Dahil sa nakaraan ng pamilya ni Jacob, hindi natin maiaalis sa isipan ng kanyang mga anak na maaaring maulit ang pangyayaring ito. Hindi panganay si Jose. Marami siyang mga kapatid na lalaki na mas matanda kay sa sa kanya ngunit alam nating si Rachel na ina ni Jose ang mahal ni Jacob at hindi si Leah na ina Reuben na siyang tunay na panganay.
Kung hindi naging mahirap para kay Jacob na agawin ang pagpapala ng pagiging panganay mula kay Isaac, alam ng magkakapatid na hindi malayong maagaw din ni Jose mula sa kanila ang pagpapalang ito. Kung si Esau nga na paboritong anak ni Isaac ay naagawan ni Jacob ng pagpapala, si Jose pa kaya na paborito ng kanilang ama? At kung si Jacob ay guilty sa pang-aagaw ng pagpapala, batid nilang hindi magiging mahirap para kay Jacob ang ipaagaw ang pagpapalang ito alang-alang sa kinagigiliwan niyang anak.
Ngunit kapangyarihan, kayamanan at di-pangkaraniwang pagkakataon ang dala ng pagpapalang ito. Hindi madaling tanggapin na maaagaw ito ng ganun-ganun lang.
Isang araw, habang hinahanap ni Jose ang kanyang mga kapatid na nagpapastol,
18 At kanilang natanawan siya sa malayo, at bago nakalapit sa kanila ay nagbanta sila laban sa kaniya na siya'y patayin.
19 At nagsangusapan, Narito, dumarating itong mapanaginipin.
Mapanaginipin. Dreamer. Yan ang tawag kay Jose ng kanyang mga kapatid. Bagamat hindi naman masama ang maging mapanaginipin, tila hindi maganda ang intensyon ng kanyang mga kapatid sa pagbibigay sa kanya ng ganitong bansag.
Masarap managinip, hindi ba? Masarap mangarap. Maraming mga tao, mula noon hanggang ngayon ay ginagamit na kasangkapan ang kani-kanilang mga panaginip o pangarap upang palakasin ang kanilang pag-asa. Pangarap ang ginagamit ng marami upang tawirin ang iba’t ibang hamon at pasakit ng buhay. Pangarap din ang ginagamit upang matulunang palayain ang marami sa kanilang pagkakabihag sa kinamulatang kalagayan. Kailangan nating mangarap o mag imagine upang makalikha tayo ng lipunang payapa at kasiya-siya.
Ngunit ang mga panaginip at pangarap ay hindi gusto ng lahat. Maaring hindi ito ang gusto ng karamihan. Hindi gusto ng mga kapatid ni Jose ang kanyang panaginip dahil sa panaginip na ito, yuyuko sila at ang kanilang mga magulang kay Jose. Yuyuko sila sa mas nakababata nilang kapatid. Yuyuko sila sa isang taong alam nilang dapat ay mas mahina kay sa sa kanila. Mas mahina at mas mababa dapat si Jose dahil siya ay mas bata. Hindi maaaring ang isang patriarch o ang isang panganay ay maunahan at mahigitan. Ito ang pangarap ni Jose. Alam niyo ba na maraming Pilipino ang pinatay at pinapatay dahil sa kanilang mga pangarap o panaginip para sa bayan? Katulad ni Jose, hindi nagustuhan ng mga “malalakas” ang kanyang pangarap. Hindi nila nagustuhan ang pagbabagong magaganap kapag natupad na ang na i-imagine ni Jose sa hinaharap.
Pangarap ng maraming Pilipino ang makatakas sa kahirapan. Pangarap ng maraming Pilipinong naiipit sa digmaan ang makatakas sa kaguluhan. Dahil dito nangangarap sila na makapangibang-bayan. Ayaw na nilang lumaban. Nawalan na sila ng pag-asang makakamit pa ang magandang buhay sa loob ng bayang kinagisnan. Ngunit alam nating hindi lahat ng nagpupunta sa ibang bansa dahil sa pangarap na mabuting buhay ay nagigising sa magandang bukas. Marami sa kanila ang nakakaranas ng pagmamalupit, sakit, banta sa kanilang buhay o digmaan.
Pagkatapos pagbalakan ng mga kapatid ni Jose na siya ay patayin, napagkasunduan na lang nilang itapon siya sa isang tuyong balon.
23 At nangyari, nang dumating si Jose sa kaniyang mga kapatid, na hinubdan siya ng kaniyang tunika, ng tunikang may sarisaring kulay na kaniyang suot;
24 At kanilang sinunggaban, at kanilang itinapon sa balon: at ang balon ay tuyo, walang tubig.
Bagamat walang tubig ang balon na maaaring maging banta sa kanyang buhay, hindi magtatagal ay maaari pa ring mamatay si Jose dahil sa gutom at uhaw. Si Jose, tulad ng maraming mga Pilipino ay parang nasa isang malalim na balon. Isang balon na kung saan mahirap o halos imposibleng makaalis, madilim ngunit may nasisilayang liwanag na makapagbibigay ng pag-asa.
25 At nagsiupo upang kumain ng tinapay, at kanilang itiningin ang kanilang mga mata at tumingin sila, at, narito, ang isang pulutong na mga Ismaelita na nagsisipanggaling sa Gilead sangpu ng kanilang mga kamelyo at may dalang mga pabango, at mga balsamo, at mga mirra, na kanilang dadalhin sa Egipto.
Paano kaya naaatim ng mga kapatid ni Jose ang kumain habang lubog sa hukay ang kanilang kapatid? Dito sa ating bansa parang ganito ang mga malalakas at marami sa mga namumuno sa atin – kayang-kaya niyang magsaya, magdiwang, magkapabusog ng labis-labis habang ang sariling kapatid o kababayan na dapat sana ay pinaglilingkuran ay nasa hukay ng kagutuman at kahirapan.
26 At sinabi ni Juda sa kaniyang mga kapatid. Anong ating mapapakinabang kung ating patayin ang ating kapatid, at ilihim ang kaniyang dugo?
27 Halikayo, at atin siyang ipagbili sa mga Ismaelita, at huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay; sapagka't siya'y ating kapatid, atin din laman. At dininig siya ng kaniyang mga kapatid
Naririnig natin ang katuwirang ito ni Juda marahil mula sa ating mga pinuno o sa mga taong malalakas. Sa kabila ng paghihirap ng marami, tila ang problema pa rin ng marami sa kanila ay kung ano pa ang mapapakinabang nila. Wala nga naman masyadong pakinabang kung mamamatay na lang tayong lahat sa gutom. Kaya ang solusyon, papayagan nila tayong mabuhay ngunit sisiguraduhing tayo ay mananatiling mahina upang hindi maging banta ang mga panaginip natin sa kanilang kapangyarihan at lakas.
28 At nagsisipagdaan ang mga mangangalakal na mga Midianita; at kanilang isinampa si Jose sa balon, at ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita ng dalawang pung putol na pilak. At dinala si Jose sa Egipto.
Dahil sa kagustuhan ng mga kapatid ni Jose na hadlangan ang kanyang panaginip, ibinenta nila si Jose sa halagang dalawangpung putol ng pilak upang maging alipin sa Egipto. Ganito madalas ang gawi ng mga taong malalakas upang labanan ang mga taong may panaginip – ang patayin o ipatapon sila sa kung saan hindi na magiging banta ang kanilang mga pangarap.
Araw-araw, may mahigit apat na libo’t walang daang (4,800) Pilipino ang nangingibang-bayan araw-araw upang maghanap-buhay o manayuhan. Ang iba sa kanila marahil ay pinangarap na mula pa noong bata ang umalis ng Pilipinas dahil na rin sa paniniwala na mas maganda ang ipinapangakong kinabukasan ng mga bansang mauunlad tulad ng USA, Canada, Australia, Europe at ngayon kahit na sa Middle East. Ngunit alam din natin na marami sa kanila, bagamat kusang loob na nagtutungo sa malayo at mapanganib na lugar ay napipilitan lamang. Napipilitan dahil kung mananatili sila dito, walang masyadong inaalok na pagkakataon ang lipunan upang sila ay magkaroon ng buhay na maalwan. Bakit nga ba? Bakit nga ba sa kabila ng yaman ng Pilipinas, ay hirap na hirap ang mga Pilipinong maranasan ang mabuting buhay sa sariling bansa? Mamaya sa Sunday School, itanong at pag-usapan sana ninyo yan.
Naniniwala ako na kung tayong mga Pilipino sana ay naging mabuting katiwala ng ating lipunan, hindi sana ganito kalala ang ating kalagayang pang-ekonomiya – ang kalagayang nagtutulak sa marami upang lisanin ang kanilang sariling pamilya. Ano ang kapalit? Kapalit ng mga pinadadalang pera ng mga manggawang Pilipino ay ang oras na nawawala upang makasama nila ang kanilang anak sa paglaki. Ano ang kapalit? Kapalit ng mga pinadadalang imported na damit at iba pang gamit ang pagkakataon na makilala ng mga anak ng lubusan ang kanilang mga magulang. Ano ang kapalit? Kapalit ng mga pinapadala at binibiling gadgets ay ang kakulangan ng mga anak sa yakap at halik galing sa kanilang mga magulang.
Ano ang kapalit? Kabataang hindi kilala ang mga magulang. Kabataang naniniwala na pera ang solusyon sa suliranin ng pamilya. Kabataang naghahanap ng kapalit na pagmamahal mula sa kaibigan at ka-ibigan. Kabataang nalululong sa droga. Kabataang sa paglaki ay hindi natutuklasan kung ano ang kahulugan ng isang magulang.
Huwag din nating kakalimutan na tulad ni Jose, marami ring mga Pilipino ang dinadala sa iba’t ibang bansa hindi dahil gusto o pinili nila kundi dahil sila ay biktima ng tinatawag nating human trafficking.
Ang human trafficking ay isang krimen kung saan ipinagbibili ang isang tao, madalas sa labas ng kanyang sariling bansa upang maging alipin para sa sapilitang paggawa o forced labor at white slavery. Mayroon ding dinadala sa ibang bansa upang sapilitang pagkuhanan ng iba’t ibang bahagi ng katawan o organ.
Tanungin sana natin – bilang isang iglesya ano kaya ang magagawa natin upang matigil ang kasamaang tulad ng human trafficking? Pag-usapan na rin natin, anong ministeryo kaya ang maaari nating pasimulan upang mapangalagaan ang karapatan ng mga OFW habang sila ay nasa ibang bayan. Maraming mga samahan ang binuo at pinapatakbo sa loob at labas ng simbahan para sa mga Pilipinong nangingibang-bayan – ano kaya ang maaari nating gawin upang makilahok sa mga gawain nila?
Bilang isang pamayanan na sumusunod kay Hesus, ano ba ang dapat nating maging layunin – ang dumami pa ang mga Pilipino o miyembrong nangingibang-bayan para dumami rin ang nag t-tithe ng malaki o ang pagsikapang bumuo ng isang lipunang payapa at marunong kumalinga sa bawat isa?
Inaanyayahan ko ang bawat isa. Huwag tayong matakot managinip. Managinip tayo ng mga bagay sa labas ng tuyong balon na ating kinasasadlakan. Managinip tayo upang maabot ang ating mga panaginip. Managinip tayo ng isang bayang hindi na kailangan ng mga OFW upang mabuhay ng maayos ang bawat Pilipino. Managinip tayo ng buhay na kasiya-siya.
Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
✓ Live Streaming✓ Interactive Chat✓ Private Shows✓ HD Quality✓ Free Actions
Free to watch • No registration required • HD streaming
Objective: Bigyan ng pagkakataon ang mga “participants” upang siyasatin ang kani-kanilang damdamin at paniniwala tungkol sa pagsamba at pagsasaalang-alang sa mga dukha.
Ang mga pagpapala o "blessings" ay mga bagay o pangyayaring hinahangad ng bawat isa. Maaring ito ay "material blessing" kagaya ng maayos na tirahan o di kaya'y isang hinahangad na promotion o magandang trabaho sa abroad. "Blessing" din na maituturing ang mga gantimpala o "award" ng anak sa paaralan at syempre sobrang feeling "blessed" ang pamilya pag may dumarating na sanggol sa lalo na't ipinanganak ng malusog at walang pisikal na kakulangan.
Kung babasahin natin ang tinatawag na "Beatitudes" sa Biblia gamit ang iba't ibang salin ay makikita natin ang kakaibang kahulugan ng salitang "blessed". Ang Amplified Bible ay binanggit na ang salitang "blessed" ay kasingkahulugan ng "happy", "to be envied" at "spiritually prosperous". Masaya at "kinaiinggitan" daw ang taong "blessed".
Sabi nga sa isang kanta, "mabuti pa sila"...
Mabuti pa ang mga surot, laging mayrong masisiksikan Mabuti pa ang bubble gum, laging mayrong didikitan Mabuti pa ang salamin, laging mayrong tumitingin Di tulad kong laging walang pumapansin
Mabuti pa ang mga lapis, sinusulatan ang papel At mas mapalad ang kamatis, maya't maya napipisil Napakaswerte ng bayong, hawak ng aleng maganda Di tulad kong lagi na lang nag-iisa
(Mabuti pa Sila ni Gary Granada)
Madalas nating ipag-"pray" na makatanggap tayo ng mga "blessings" at madalas ay ginagawa natin ang lahat upang mag "qualify" tayong makatanggap ng mga "blessings" na ito. Nagbabasa tayo ng mga libro, nag r-research, nakikinig sa mga sermon o sinusundan ang mga "study series" upang matutunan natin kung paano makakatanggap ng "abundant blessing" ng Diyos. Sa madaling salita, parang gusto nating "kainggitan" din tayo ng iba. Aminin!
Ngunit kapansin-pansin na tila iba ang tema ng sinasabing pagpapala o "blessing" ni Hesus sa kanyang mensahe. Hindi ito ang mga tipikal na bagay na pinapangarap natin maabot at maranasan. Hindi rin ito ang mga bagay na "kinaiinggitan" natin sa iba. Hindi tayo naiinggit sa mga taong "mahirap" at lalong hindi natin pinapangarap abutin ang pagiging "mahirap". Hindi rin natin nanaisin ang magutom, kamuhian, itakwil o ituring na masama ng mga tao. Ano kaya ang gustong ituro ni Hesus? Bakit kaya n'ya sinabing "blessings" ang mga bagay na ito?
Sa tingin ko, sa pamamagitan ng mga sinasabing "blessings" ni Hesus ay pinapasilip n'ya sa atin ang kanyang kaisipan o damdamin ("the mind of Christ"). Gusto n'yang makita at maunawaan natin kung ano ang mga bagay na binibigyan n'ya ng pagpapahalaga. Nais rin n'ya na imbitahan tayo upang matutunan ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng pagbabagong-isip. Sa pamamagitan ng pagbabago ng ating isip, matututunan natin na hindi tawaging "blessing" ang mga bagay na hindi kinikilalang "blessing" ni Hesus. Sa pamamagitan din ng pagbabagong-isip, matututunan nating ma-"appreciate" ang mga bagay na hindi natin "normal" na ina-"appreciate" at hahangarin natin ang hindi tipikal na hinahangad.
Itinuturo sa atin ni Hesus ang pagbabagong-isip hindi lang para tayo ay maging kakaiba o "unique". Hindi ito dahil lang gusto n'yang "basagin" ang "trip" ng karamihan. Ang pagbabagong-isip ay upang tayo ay maihanda at makibahagi sa paparating na Kaharian ng Diyos kung saan ang mga panibagong kaisipan ang s'yang magiging tunay na mahalaga.
Ang totoo, habang unti-unti nating tinatanggap, natututunan at isinasapamuhay ang pagbabagong isip na ito ay s'ya rin namang magiging daan kung saan magkakaroon ng kaganapan ang paghahari ng Diyos - hindi lang sa ating mga sarili kundi pati na rin sa ating mga pamayanan. Ibig sabihin, pag napalitan na ang mga "normal" na nagpapasaya sa atin ng mga "blessings" na sinasabi ni Hesus - magsisimulang magbago ang ating lipunan ayon sa kalooban ng Diyos.
Mga katanungan para sa pagbabahaginan:
Gamit ang pamantayan ni Hesus, anu-ano ngayon ang dapat nating itinuturing na mga "blessings" sa ating buhay?
Paano natin papalitan ang nakagawiang pagtuturing na "blessing" sa mga "mamahaling" bagay na nakukuha o tinatanggap natin?
Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
✓ Live Streaming✓ Interactive Chat✓ Private Shows✓ HD Quality✓ Free Actions
Free to watch • No registration required • HD streaming
(Mga tala para sa mensaheng ipinahayag sa St. Mark UMC noong Enero 12, 2014 para sa pagdiriwang ng UMYF Sunday).
Tema: Daluyan ng pagpapala para sa mga nangangailangan.
Teksto: (January 12, 2014)
Mateo 3
(13) Nang magkagayon, dumating si Jesus mula sa Galilea. Pumunta siya kay Juan sa ilog ng Jordan upang magpabawtismo.
(14) Ngunit tumanggi si Juan. Sinabi niya: Ako ang dapat mong bawtismuhan. Bakit ka magpapabawtismo sa akin?
(15) Sumagot si Jesus sa kaniya: Pumayag ka nang mangyari ito ngayon sapagkat nararapat nating tuparin ang lahat ng katuwiran sa ganitong kaparaanan. Nang magkagayon, pumayag na si Juan.
(16) Nang mabawtismuhan na si Jesus, kaagad siyang umahon mula sa tubig. Narito, ang mga langit ay nabuksan sa kaniya. Nakita ni Juan ang Espiritu ng Diyos na bumababang tulad ng isang kalapati at lumapag kay Jesus.
(17) Narito, isang tinig mula sa langit ang nagsabi: Ito ang pinakamamahal kong anak na labis kong kinalulugdan.
Mga okasyong malapit ngayong Linggo: Human Trafficking Day (January 11), Youth Sunday (St Mark UMC, January 12), World Youth Day (end of January 2014)
Umpisahan natin ang pagbubulay-bulay sa pagbibigay pansin sa mga “assumptions” ng tema natin sa araw na ito.
(1) May mga nangangailangan – sino kaya ang tinutukoy ng temang “nangangailangan”? Anu-ano kayang pangangailangan ang nais bigyang pansin ng temang ito? Sino ang magsasabi kung makatotohanan ang pangangailangan o hindi?
(2) Ang mga pangangailangan ay nangangailangan ng daluyan – paano kaya natukoy ng gumawa ng tema na nangangailangan ng isang “daluyan” ang pagpapala? kung nangangailangan nga ng “daluyan”, ano kaya ang trabaho o “scope of work” at kailangang maging kakayanan o kapangyarihan ng magiging daluyan? may “control” ba ang “daluyan” sa mga uri at dami ng pagpapalang dadaloy sa kanya?
Kung ihahambing naman sa mga pangkaraniwang daluyan (halimbawa – mga daluyan ng tubig gaya ng mga ilog, kanal o alulod), alam natin na umaapaw ang mga ito pag sumobra ang tubig na magtatangkang dumaloy dito. At pag sumobra at umapaw (ulitin ko - pag sumobra at umapaw), maaaring makapinsala ng tao at ari-arian. Sa madaling salita, maaaring may mawalan o masaktan.
Dahil ngayon ay “araw o Linggo ng mga kabataan”, hindi ko matukoy mula sa mga katagang ito kung naniniwala ba ang mga “kabataan” na sa pangkasalukuyan, (1) sila na ba ang tinutukoy na daluyan o kung (2) nais pa lang nilang maging daluyan – ibig sabihin, ito ang nais nilang matutunan o maging sa hinaharap.
Hindi rin matiyak kung inaasahan ng gumawa ng tema na magiging mahirap ba o madali ang maging daluyan ng pagpapala; Masaya ba o malungkot? Sa tingin ko, depende kung ano ang gagamiting “model” sa pagiging daluyan.
Pag bautismo kay Hesus
Sa ating teksto ngayon araw – ang pagpapabautismo kay Hesus ni Juan Bautista – maaari nating itanong: sa kwentong ito, sino kay Juan at kay Hesus ang naging daluyan ng pagpapala?
Daluyan ng pagpapala – si Juan?
Si Juan ba (1)? Maaari! Si Juan na bago pa man lapitan ni Hesus sa Ilog Jordan ay nakapangaral at nakapag bautismo na sa marami – ang pinapangaral o “preaching” at pagbabautismo n’ya ay pagtawag para sa paghingi ng kapatawaran o “repentance”.
Pero, pansinin natin itong unang reaksyon ni Juan (sa simpleng pananalita), “Hesus, wala akong karapatang mag bautismo sa iyo” o di kaya “Hesus, wala akong sapat na kapangyarihan para bautismohan ka”. Tulad ng katanungan natin kanina, kung ang pagbabautismo ay isang uri pagpapadaloy ng pagpapala – pwede bang sabihin ni Juan kung kanino sya may kapangyarihan o karapatang magbautismo? May “control” ba sya dito? Maaari ba syang tumangging ibigay o i-“release” ang pagpapalang dulot ng pagbabautismo sa kung kanino n’ya gusto o hindi gusto?
Kung dito sa St. Mark, hindi mahirap malaman kung sino ang may kapangyarihang o karapatang mag bautismo. Pag may nagpapa bautismo o nagpapa binyag, alam natin na ang pastor ang gagawa nito. Hindi akma kung may magsasabi – pastor, “excuse me, mas sikat ako sa iyo – hindi pwedeng ikaw ang magbinyag sa akin”. O di kaya, sabihin ng pastor, “kapatid, pasensya na pero wala akong karapatang binyagan ang taong ka-uri mo”.
Pero iba ang kaso ni Juan. Marahil dahil sa sobrang TAAS ng pagtingin n’ya kay Hesus ay naisip nya na ang karapatang o kapangyarihang magbinyag ay hindi iginawad sa kanya. Hindi sya maaaring maging daluyan ng pagpapala kung ang makakatanggap ng pagpapala ay isang taong “higit pa” kaysa sa kanya. Maaring maging daluyan ng pagpapala si Juan ng lahat ng tao – maliban kay Hesus na Kodero ng Diyos na mag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Tanong (sa mga kabataan): kung magiging daluyan kayo ng pagpapala. Susundin ba ninyo ang mga yapak ni Juan? Mamimili ba kayo ng pagdadaluyan ng pagpapala ayon sa paniniwala ninyong “antas” ng taong nakapaligid sa inyo?
Tanong (sa mga magulang, isama na rin natin ang mga ate, kuya, pastor at advisers): kung magiging daluyan ng pagpapala ang mga kabataan, handa ba kayong makatanggap ng pagpapalang papadaluyin ng Diyos mula sa kanila?
Habang pinag-iisipan ko itong pagbubulay-bulayan natin ngayong umaga, iniisip ko na, Youth Sunday ngayon – di ba dapat, isang UMYF ang nag papahayag ng salita ng Diyos ngayon? Kung ang isasagot ninyo sa tanong na yan eh “hindi pa nila kaya” o di kaya “di pa sila handa para dyan”, para n’yo na rin naging kaisa si Juan nang sabihin nya kay Hesus na “wala s’yang kapangyarihang mag bautismo kay Hesus”. Kaya nga merong Youth Sunday, di ba? Para marinig naman naming mga matatanda kung ano ang mensahe ng Diyos para sa ating iglesya ayon sa pananaw o pang-unawa ng mga kabataan.
Kung pumayag si Hesus na magpa bautismo kay Juan sa kabila ng kanyang kahinaan o kakulangan – ano ang karapatan natin para sabihing hindi pa handa ang mga kabataan upang gampanan ang tungkuling ito?
Daluyan ng pagpapala – si Hesus?
Balikan natin ang naunang tanong – sino ba ang nating daluyan ng pagpapala sa kwentong ito? Si Hesus ba (2)? Maari rin. Sa kwentong ito, matutunghayan natin ang eksena na kung saan narinig ng mga tao ang isang tinig mula sa langit. Tinig na pinaniniwalaan ng marami ng tinig ng Diyos – “Ito ang pinakamamahal kong anak na labis kong kinalulugdan.” – o sa ibang salin, “This is my Son, the Beloved, with whom I am well pleased."
Sa tinig na ito, makikita natin ang Diyos Ama na inihahayag sa lahat (ng nakaririnig) ang kanyang pagtanggap kay Hesus bilang kanyang “daluyan”. “Kinalulugdan” ng Diyos si Hesus. Ang Diyos na nalulugod sa mga gawa at salita ng katuwiran ay kinalulugdan si Hesus.
Isa itong “inauguration” o “pagpapasinaya” ni Hesus. Pagpapasinayang nagpapakita ng isa pang “Ephipany” o ang pakikisalamuha ng Diyos sa kanyang mga nilikha.
Una ng naging pagpapala si Hesus kay Juan. Naging daluyan ng pagpapala si Hesus para kay Juan ng pinagsabihan nya itong, “pumayag ka nang mangyari ito”. Tila nakikiusap pa si Hesus na payagan na ni Juan na maganap ang dapat maganap. Bakit kailangang makiusap ni Hesus kung s’ya ang mas “mataas”? Bakit kailangang makiusap si Hesus kung sya ang mas may katuwiran? Bakit naging mas makatuwiran ang pagbabautismo ni Juan kay Hesus.
Sino ba sa atin ang marunong makiusap? Kaya ba nating makiusap kung tayo ang nasa katuwiran? Di ba, parang hindi akma? Hindi akma na makiusap ang isang taong nasa katuwiran dahil dapat, yung wala sa katuwiran ang nakikiusap? Sabi pa nga ng iba, kung nasa katuwiran, dapat, ipaglaban. Dapat i-“assert”. Di ba dapat maipakita ni Hesus, sa una pa lang na mas higit ang kanyang katayuan sa harap ng Diyos kaysa kay Juan? Bakit hindi ito ang ginawa nya?
Dahil hindi ito ang pamamaraan ni Hesus. Hindi mahilig si Hesus na i-assert ang katuwiran ayon sa pamantayan ng daigdig na ito. DAHIL ... uulitin ko, DAHIL nasa katuwiran si Hesus, kaya akma lang na si Juan ang magbautismo sa kanya. Ito ang nais padaluyin ni Hesus, hindi lang kay Juan kundi pati sa atin.
Kagaya na rin ng sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “ang mga huli ay mauuna at ang mga una ay mahuhuli”
Pagkatapos mapasinayanan si Hesus, nagsimulang “maramdaman” ng lipunan and pagdating ng Kaharian (o Kin-dom) ng Diyos; nagsimulang magbago ang kasaysayan – kung paano, maaari siguro nating pag-usapan sa iba at mas mahabang pagkakataon
Sa pagdating ng Kaharian ng Diyos, hindi lahat ay naging masaya; hindi naging masaya ang mga tagabantay ng kapangyarihan at kayamanan ng “daigdig”
“Nasaktan” ang mga may hawak ng kapangyarihan kaya hindi nila nagustuhan ang pagdating ng Kaharian; naging banta si Hesus sa kanilang katayuan – mawawalan sila ng kapangyarihan dahil kapangyarihan ng Diyos ang dala ni Hesus para sa mga nangangailangan
Dahil nasaktan ang mga nasa kapangyarihan, naging dahilan ito ng pag-uusig at pag tuligsa kay Hesus na sa dulo ay naging sanhi ng kanyang paghihirap at kamatayan sa krus
Kung babalikan at sasagutin natin ang tanong kanina, madali nga ba o mahirap ang maging daluyan; Sino pa kaya ang gustong sumunod kay Hesus kung ito ang tunay na kahulugan ng pagiging daluyan ng pagpapala?
Nagsimula sa pagpapakumbaba, nagpatuloy sa paglilingkod ngunit sinuklian ng hirap at kamatayan; nabuhay na magmuli kaya lahat ng kanyang alagad ay magkakaroon ng kapangyarihan upang maging kasangkapan sa pagbabago ng daigdig (transformation of the world)
Sino ang nais na maging daluyan ng pagpapala para sa mga nangangailangan? Sino ang maaaring maging daluyan ng pagpapala para sa mga nangangailangan – yan ay ang mga taong nagpapahuli, nagpapakumbaba at hindi gumagamit ng kapangyarihan at lakas upang ang sarili ay maiangat. Sila ang mga taong sumusunod sa yapak ni Hesus sa paghahandog ng sarili sa paglilingkod.
Kape-Sharing @kapeshare-blog - Tumblr Blog | Tumlook