Usapang katangahan sa pag-ibig naman tayo.
Where do I start, uhm, siguro let's go back 2 years ago, may nakilala ako isang strong, independent woman na breadwinner, so long story short, nagkakilala kami, we started going out. Pero nung panahong yon, I wasn't sure kung ano ba gusto ko mangyari samin, so dumating ako sa point na pinagisipan ko maigi kung ano ba gusto ko mangyare. Then I asked her 'the question', then she told me na hindi pa daw siya ready, then I was like okay. Then months passed, or maybe a year has passed. Nakausap ko siya out of nowhere, then much to my surprise, may anak na pala siya. And here's the twist, gusto niya akong kunin as ninong ng anak niya, well syempre as a filipino na walang alam about our culture, I was told na masama daw tumanggi if kukunin kang ninong, so pumayag naman ako.
Then months later na may constant communication, tinanong ko nanaman siya nung magical 'question' na yon, ngayon naman she told me what was the reason kung bakit niya ako ni-reject the first time. The reason being, nung first time daw, kaya hindi pa siya ready, kasi may guy pa siya na gusto nung time na yon, and she was still waiting for him pa daw, na it so happen, yung father ng anak niya ngayon, is the same guy na hinahantay pa daw niya before. Ngayon naman, the reason she rejected me, kasi inaantay niya daw yung father ng anak niya, kung ano magiging desisyon niya, if sasama ba sa kanila or what.
Here's the twist, yung father ng anak niya is may family. So kayo na humusga.
Pero eto naman akong tanga na andito lang for her, my friends told me to walk away, and di ko siya deserve, and yes I know naman na I deserve better. I know I should walk away na, I know na dapat na akong umalis, pero alam mo yung naiinis ako sa sarili ko kasi di ko magawang umalis, na nagmumukhang pinagpipilitan ko padin sarili ko sa kanya kahit na clear na as day yung nangyayari.
Nawalan na ako ng self-respect para sa sarili ko na pinagpipilitan ko sarili ko sa kanya despite everything. Sobrang degraded na ng tingin ko sa sarili ko, yet di ko magawang mag walk away. Clownery at its finest fam.
Kailangan talaga may sumampal sakin in person para matauhan ako.