“wag muna tayo magusap siguro. Ayaw ko muna makipag usap kahit na kanino. Seryoso ako.”
Paulit ulit kong binabasa yan hanggang ngayon. Osige po. Yun po ang gusto mo. I will give you space to think. Pero sa totoo lang, kanina pa ko log in at log out sa facebook just to check kung online ka or kung nagchat ka na. Pero wala. Unti unting bumibigat yung feeling. Paano kung masanay ka na? Paano kung nagustuhan mo yung feeling na wala ako sa tabi mo or di mo ako kausap? Paano kung mas masaya ka na na ganito? Sana hindi. Ang praning ko nanaman. Sorry. Natatakot lang ako na mawala ka sa akin. Wag naman sana mangyari yung iniisip ko. Sana space lang talaga hinihingi mo. Sana gusto mo lang talaga ng oras para makapag isip isip. Mahal, sige lang po. Take you time. I love you SO MUCH.
















