OMAR BALIW X CLR - K&B II (Official Music Video)
// ๐๐ ๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฒ ๐ฅ๐๐๐จ๐ญ ๐ฌ๐ ๐ข๐ง๐ฒ๐จ //
(๐๐๐ฅ๐ ๐ค๐๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐๐ค๐ข ๐ฌ๐ ๐ข๐ง๐ฒ๐จ)
Ang K&B II ay isinulat at inawit nina Omar Baliw at CLR gamit ang beat ng 8beats ni Ochomil na inilabas nuong ika-14 ng Setyembre, 2020. Ang K&B II ay sequel ng K&B na kanta rin ninaย Omar Baliw at CLR.
Ang ideya ng kantang ito ay ang pagpupursigi sa buhay kahit maraming sagabal sa daan.ย
CHORUS
โ๐ท๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ย
๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ย
๐ฏ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ย
๐ฒ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ย
๐พ๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ย
๐ฒ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐ ๐๐๐ย
'๐ณ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ย
๐บ๐ ๐๐๐๐.โ
Sinasabi ni CLR sa chorus ng kantang ito na sila ay nakapokus lamang sa kanilang mga hangarin at nais maabot kahit may mga taong hindi sang-ayon sa kanila.
Ang kabuuang ideya ng kantang ito ay makahulugan para sa mga taong napanghihinaan ng loob sa buhay at nawawalan ng pag-asa na magpatuloy sa bagay na ginagawa at gusto nilang gawin.
Sa kasaluyuan ay malakas ang bato sa akin ng kantang ito dahil nitong mga nakaraang araw ay medyo nakaramdam ako ng kaunting katamaran sa pag-edit ng mga videos na nuon ay kadalasan ko namang ginagawa. Masaya ako ngayon na kahit papaano ay unti-unti nang bumabalik ang hilig ko sa pag-edit ng mga videos.ย
Sa kahit papaanong paraan ay nakatulong sa akin ang K&B II upang mas magpursigi at magpatuloy na gawin ang mga bagay na hilig ko. Kaya kung mamarkahan ko ang kantang ito sa sa 1-5, ang aking sagot ay 5/5 dahil bukod sa nakatulong ang mensahe ng kantang ito sa akin ay mahilig din ako sa genre na OPM Hip-hop.
Para sa panapos,ย
Para sa aking pananaw ay walang pangit na musika dahil lahat ng may-akda ng bawat musika ay may ipinaparating na mensahe at nagkakaroon lamang ng pagkaka-iba dahil sa ibaโt ibang paraan nila ito pinaparating. Mayroon din tayong sariling mga tenga kaya iba-iba ang pananaw natin. Kaya hindi mo masisisi ang isang tao kung ganito o ganyan ang tingin nโya sa isang bagay. Huwag lang natin kalimutang magpahalaga sa gawa ng mga manunulat dahil ginawa nila ang bagay naย โyon nang may dedikasyon at tiwala sa sarili tulad ng kung paano mo gawin ang bagay na hilig mo.
๐ย ๐๐ฎ๐ฏ๐ฏ๐ป๐ฎ๐ ๐ฃ๐ธ๐ท๐ฒ๐๐ธ๐ต | ๐๐ช๐ ๐, ๐๐๐๐ | ๐:๐๐ ๐.๐.ย ๐
- 12 ๐๐พ๐ - ๐๐๐๐๐ฉ๐๐ข๐ | ๐๐จ. ๐๐๐ ๐๐๐ก๐ ๐๐ง๐๐๐๐ก๐ก๐ค -


















