Una sa lahat, dapat nating magising sa katotohanan kung ayaw nating masaktan. Maging maingat sa pagtuklas nito sapagkat hindi porket yun ang iyong pagkakaalam at naririnig ay totoo na, ang iba nito ay gawa-gawa at kasinungalingan lamang. Unang halimbawa, PAGKAKAIBIGAN. Hindi lahat ay tunay dahil ang iba kaibigan ka lang kung ika'y ay kanilang kinakailangan pero kapag ikaw ay dumadanas ng kahirapan silay unti-unting maglalaho paminsan napakabuti nila sa iyong harapan pero kapag ikaw ay nakatalikod na ay pinaguusapan ka nila. Pangalawa, PAG-IBIG. Oo, madalas nilang sinasabi ang salitang “Mahal kita” subalit hindi nila pinapadama. Marahil ginagamit kalang nila at ang kanilang pagmamahal ay hindi totoo. Kung gusto mong malaman ang katotohanan, manaliksik at maging wais ka upang iyong masaksihan ang tinatawag nilang KATOTOHANAN.













