TRAVEL BLOG - CENIZA, CAMARILLO, ESPINOSA
ESPESYAL NA PAGLALAKBAY SA BANSANG SINGAPORE.
ISINULAT NI JULIAN CENIZA
Ang Singapore ay isang maliit na bansa ngunit isa ito sa pinaka maunlad at pinaka-magandang bansa na aking napuntahan. Sobrang linis ng lahat ng lugar sa singapore at napakaganda ng mga tanawin na makikita sa lugar na ito. Pagpunta ko sa Singapore taong 2018, masasabi ko na ang klima dito ay katulad lamang ng Pilipinas ngunit mas maaga nagdidilim sa Pilipinas ng konti kumpara sa Singapore. Napakaraming building ang matatagpuan sa singapore dahil ang bansang ito ay maliit lamang. Sobrang ganda ng bansang singapore ngunit ang mga bilihin dito ay napakamahal kumpara sa ibang bansa katulad ng pilipinas.
Marami akong nakilalang tao na may iba’t-ibang lahi at isa lang ang masasabi ko tungkol sa kanila. Lahat sila ay sobrang marespeto ang mabait at makikita mo talaga ang kanilang pagiging responsable at disiplinado. Hindi pangkaraniwan na makakita ng ganun sa Pilipinas kaya ako’y na-culture shock. Kung sa Pilipinas hindi ko maiwan ang aking gamit ng walang nagbabantay, sa Singapore, maiiwan ko lang at walang kukuha kahit gaano pa kamahal ito. Yung mga dating nakasanayan ko na gawain sa Pilipinas ay hindi pwedeng gawin sa Singapore sa sobrang higpit ng mga batas nila.
Pumunta ako ng Singapore kasama ang aking buong pamilya para sa kasal ng aking panganay na kapatid. Ako’y maswerte at nagkaroon ako ng pag-asa na makatulog sa isa sa pinakamagandang hotel sa buong mundo, ang Marina Bay Sands. Ako ay nagulat at sobrang ganda na parang mansyon ang laki ng aking kwarto at yung pool kitang kita ang ganda ng Singapore. Nakakain ako ng napakaraming pagkain na napakasarap at gusto kong balikan ulit. Para sa akin, nasulit ko ang aking 5 araw na bakasyon at hindi man marami ang aking nagawa pero ako’y natuwa parin dahil unang beses ko na makalabas ng Pilipinas yun.
______________________________________________________________
MASASAYANG ALAALA NG NOON AT KARANASAN SA BANSANG HAPON
ISINULAT NI LUIS CAMARILLO
Ang aking napiling lugar ay napaka importante para sa akin at patuloy na nagbabalik saya sa aking kalooban dahil sa mga nakakatuwang mga alaala na aking naranasan dito. Ang lugar na ito ay walang anuman kung hindi ang Japan kung saan mamumulat ang iyong mata sa tunay na nakakamanghang kultura at pamumuhay. Ang bansang ito ay hindi kilala bilang isang malaking bansa, ngunit kung ano man ang ikinaliit ng bansang ito ay ito namang ikinalaki ng kulturang masusubaybayan dito mula sa pagmamahal ng mga tao sa mga lumang tradisyon nila, hanggang sa paraan ng kanilang pag aalaga sa kanilang kapaligiran at mga kapwa tao.
Ang dahilan ng aking pagpunta sa Japan ay upang lumaban sa isang chorale competition at irepresenta ang ating bansa kasama ng Boscorale sa dalawang prestihiyosong competition. Sa una naming pagdating ay kaagad kong napansin ang kakaibang kalinisan ng airport kung saan kami napadpad at ang nakakatuwa ay hindi doon nagtatapos ang kalinisan dahil ang kalinisan ang pinakamalaking kultura na aking nakita sa mga hapon. Ngunit hindi lamang ang kalinisan ang aking napansin sa mga hapon, isa sa pinaka naiiba sa mga hapon ay ang kanilang pagiging magalang at mapagtanggap sa kani kanilang mga bisita kahit sila ay magkaiba ng lahi. Sa aming pagbisita sa iba't ibang lugar upang mag pahinga o mag ensayo kapansin pansin rin ang karamihan ng mga matatanda na patuloy ang pagtatrabaho kahit kitang kita na sa kanilang mga mukha ang pagod at katandaan kung kayat aking naisip na talagang totoo ang pagmamahal ng mga hapon sa kani kanilang mga trabaho at ang kanilang pagsunod sa mga batas na pinaiiral sa kanilang lugar.
Ang aking karanasan sa bansang ito ay tunay na hindi malilimutan dahil sa mga alaala at mga aral na aking nakuha at natutunan dito sa bansang ito mula sa pagiging mapagmahal sa kalikasan hanggang sa pagiging masipag sa aking mga trabaho at gawain. Tunay na hindi lamang bakasyunan ang lugar na ito ngunit ito rin ay isang lugar upang makapag pahinga at makasagap ng iba't ibang mga kultura na makakatulong sayo umunlad bilang isang tao. Ang mga tanawin na makukulay at ang mga taong magalang ang tunay na bida sa bansang ito kung kayat hindi ako magdadalawang isip na irekomanda ang lugar na ito sa aking mga kakilala at mga taong nais magbakasyon.
______________________________________________________________
ANG PAGLALAKBAY SA BANSANG HONG KONG.
ISINULAT NI SAUL ESPINOSA
Pinakaunang bansa at isa sa pinakamasayang na aking napuntahan sa buong buhay ko ay ang Hong Kong. Pagbaba ko palang sa eroplano ako ay nakaramdam agad ako ng pananabik dahil sa ganda ng panahon at sa ganda ng kanilang airport na nagbigay sigla sakin na magiging maganda ang pananatili namin dito. Habang kami ay nasa bus papunta sa aming hotel, ako ay nabilib sa linis ng mga kalsada ng Hong Kong. Sa umaga mainit parang Pilipinas at sa gabi naman ay parang kasing lamig lang ng Baguio. Pero kahit mainit ang umaga ang pawis ko ay presko dahil hindi gaano mausok at madumi ang mga lugar doon sa Hong Kong.
Sa Nathan Road kung saan kami bumili ng mga pasulubong at pagkain, napansin ko sa aking paligid na marami rin pala akong kababayan na nandoon. Halos mas marami pa ngang Pilipino kesa sa mga local ng Hong Kong. Hindi naging madali ang pagbibili sa Hong Kong dahil karamihan sa mga tindera ay hindi marunong mag Ingles. Pero kahit hindi sila nakakaintindi, nagawa naman nilang maging masipag sa pagaccommodate sa mga customers. Ang masasabi ko lang sa mga tao ng Hong Kong sila ay punong-puno ng bait, madaldal, at tatanggapin ka nila ng buong puso sa kanilang bansa.
Ako bilang isang bata na unang beses palang nakatapak sa ibang bansa, nagawa ko na magsaya, makipaglaro sa mga bata sa playground at respetuhin ang mga lugar na aking pupuntahan. Naging mas “aware” ako lalo na sa mga basura dahil hindi talaga pwede mag tapon doon kung saan-saan. Sinulit ko ang bawat oras na nilaan sa aming mga tour. Naging mas matibay ang relasyon namin ng ate ko at ng aking inay dahil punong-puno ng aksyon at katuwaan ang aming trip doon sa Hong Kong.
______________________________________________________________














