So ano na bahay kelan ko mararamdaman na hindi ka lang structure na inuuwian? Masyado mo namang tinitignan yun mga nagawa kong mali. Bakit hindi mo makita ang effort ko na magbago? Bakit hindi mo makita na hindi ako yun lang? Bakit kailangan kong mafeel na iba ang pakikitungo mo sa akin? Bakit lagi kong kailangang mafeel na napaka worthless kong tao? Hindi ba ako part ng bahay na to? Kasi hindi ko mafeel e. I've been struggling really hard sa school. Halos kaya na ngang bilangin sa kamay ang naitulog ko last sem. Tapos kung kelan ako nagbawi ng tulog, akala ko maiintindihan nyo ko. Ipinakita ko sa inyo yung struc design ko. Yung pinagpuyatan ko ng dalawang linggo. 'Mama o, eto yung pinagpuyatan ko. Mababa nga lang ang grade.' Kinuha nyo. Tapos binuklat ng konti, tapos ibinaba nyo na sa lamesa. 'Sya, itago mo na.' Ma, nasaktan ako. Feeling ko balewala lang yung gawa ko. Feeling ko ikaw yung prof ko na 'Ito na ba yung effort?' Ang unang sinabi bago ako tanungin tungkol sa design. Akala ko may sasabihin ka pang tungkol sa design ko kasi same naman tayo ng course. Nag-expect ako masyado. Kahapon, sinigawan ako ng ate dahil na apakan ko yung foam ng basa ang paa ko, sinabi ko lang na 'Bat kailangan mong sumigaw? Tapos kapag si K ang nasigaw sobrang galit ka na?'. Tapos sabi ni K, galit ka daw dahil sinagot ko ang ate. Hindi ko po maintindihan. Sabagay, sa pagtawa ko pa lang sobrang galit na kayo e. Pumasok ako sa school na walang baon. 'MAGLAKAD KA NA LANG, WALA KANG PAKINABANG.' Tanggap ko. Edi sige papasok ng walang baon. Okay lang. Nag-aaral ako ngayon. Pero, ayoko na. Sinabi ko naman sa inyo na ayaw ko na pero sabi nyo ayos lang kahit bumagsak, basta makita nyo akong nag aaral. Edi Go. Pasok. Aral. Ngayong gusto kong sabihin sa inyo na sobra akong natatakot na mag OJT, hindi ko masabi. Kasi baka kung ano na naman ang masabi nyo. Masaktan lang ako. Sobrang tahimik ko na sa bahay. Kasi the last time I talked, nagalit pa kayo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko matapos maglaba, kailangan ko bang maglinis? kailangan ko bang mag hugas ng pinggan? Kasi hindi ako pwedeng umupo lang. Baka magalit kayo. May masabi kayong iba. Masaktan lang ako. Talo ako e. Hindi ako makahingi ng pambili ng libro. Ni hindi nyo nga ako bigyan ng baon e, pambili pa ng libro? May event ang department namin, hindi ko mapapermahan yung waiver, kasi baka isipin nyo na gastos lang ang dala ko. I know. May mali din ako. Pero please, wag nyo namang akong tignan na parang wala akong ginawang tama. Kasi feeling ko napaka worthless kong tao, na mas mabuti pang wala ako. Ngayon, iniintay ko lang na umimik kayo sa akin, kasi baka pag ako yung unang umimik, sabihin nyo pang may kailangan ako sa inyo. This time, right now, this very moment, ang tanungin nyo kung kumain na ba ako ay sobrang heaven na sa akin. I am waiting.












