Picture 1. (Left to right) Day 1 to Day 11
COVID-19 experience - September 2021
Gusto ko lang sana i-share yung naranasan namin last year, month ng September (gandang bungad ng ber months) at para na rin sabihin sa mga hindi naniniwala na hindi siya biro at TOTOO.
August 29, 2021 - Madalas nasa labas bukod sa ate ko na front liner ay si Mama, madalas nagpupunta si Mama sa matataong lugar tulad ng palengke. Pero sa kasamaang palad, nung kinagabihan nakaramdam na si Mama, pero hindi niya pinansin (which is wrong) kasi madalas naman talaga siyang inuubo.
August 30, 2021 - Pero simula no’ng nakaramdam na rin sina Papa at Bunso, do’n na nag-decide na mag-home quarantine na kaming lahat at 'wag na muna lumabas ng bahay. Bali nagpapasuyo na lang kami sa kamag-anak para mag-grocery, pero madalas nagpapa-deliver kami para iwas na rin.
September 1, 2021 - Hindi na rin talaga pumasok si Ate sa work dahil pagkagising niya nakaramdam na rin siya ng symptoms. Then, kinagabihan ako na yung nakaramdam. Sobrang bilis, I think, Delta variant kasi kasagsagan 'yun that time.
September 2, 2021 - Nakisuyo kami kay Tita Chiqui na i-contact ‘yung kakilala niyang nurse para magpa-antigen test kami sa bahay and lahat nga kami positive. Walang palya.
Picture 2. Antigen Rapid Test Certificate
September 1-15, 2021 (Home Quarantine) - Sa kasagsagan ng quarantine period namin, sunod-sunod na kami nawawalan ng panlasa at pang-amoy at ang critical stage for me ay ‘yung Day 7 to 9. Lahat ng symptoms lumabas at grabe ‘yung ubo ko, with phlegm.
Sa aming lima, ako ata ang may pinaka-critical, dahil every madaling araw nagigising ako at nagha-hallucinate na ewan. Pabago-bago rin ang temperature, oxygen level and heart rate ko. Ako rin ‘yung pinaka mahirap pakainin, hirap makatayo at makakilos. Pero thankful pa rin kasi hindi kami pinabayaan and ni-isa sa 'min hindi kinailangan ng oxygen tank.
After Home Quarantine - After ng quarantine period namin, medyo umayos ayos na pakiramdaman namin lahat compare no’ng last 2 weeks. Pero may nararamdaman pa rin kaming side effects, like, mabilis hapuin o hingalin, kakaiba pa rin panlasa sa ibang pagkain (pati toothpaste kaloka), iba pa rin pangamoy lalo na ang shampoo, at ang pinaka hate kong side effect ay ‘yung pananakit at pangingirot ng dulo ng mga daliri ko, mapa kamay o paa man 'yan.
PS. That time si Ate lang ang fully vaccinated sa 'min kasi front liner siya. Sina Mama at Papa naman 1st dose and siguro kaya kami pinaka-late na gumaling ni Bunso kasi kami pa ‘yung walang vaccine.
PPS. Sa mga hindi naniniwala, sana isipin niyo ‘yung kapamilya o kasama ninyo sa bahay lalo na ‘yung mahihina resistensya at pangangatawan. Kung kayo malakas, pa'no naman ‘yung nakapaligid sa inyo?
Iwas muna sa social gatherings lalo na ngayong nag-boom na naman active cases dito sa Pilipinas.
PPPS. Wear mask. Social Distancing. Get Vaccinated! ✅