ang hirap, sobrang hirap kapag hindi mo alam kung anong problema mo 😢 ang hirap i-solve dahil hindi mo naman kung saan maguumpisa. yung para bang, basta ka nalang nawalan ng gana na gawin lahat ng bagay, kahit yung mga bagay na dati eh gustong-gusto mo. one example is day6 - don't get me wrong, i still love them so freaking much. pero yung contributions ko as a fan, na dati eh sobrang inuuna ko pa, walang pake sa puyat o pagod, parang nawawalan na rin ako ng motivation na gawin? kahit yung simpleng pag-sub ng videos na inaabot lang ng isang oras sakin before, ilang araw na di ko pa nauumpisahan 😢 sobrang out of character lang, kase swear hindi naman sa pag-aano, pero dedicated akong fan. i will do everything to help them and my fellow fans, and nagenjoy akong gawin yun - pero ngayon, ewan ko, lahat nalang ng bagay tinatamad akong gawin. don't even get me started with my studies hAHAAHHAHAHAA sa fandom life nga wala akong gana ngayon, sa school stuff pa kaya? nasa point na ko na mas pipiliin ko pang amagin sa isang place, wag lang akong pumasok. yung anxiety - tangina, tapos lumala pa ngayon. but yeah, I can't tell anyone about that .... iisipin lang nila na i'm making excuses, lagi namang ganun kahit di nila sabihin, i know. kaya sobrang hirap yung magkukunwari kang okay lang, pero sa totoo lang gusto mo nang tumakbo, my breathing gets heavier than usual at gusto kong tumakas, kahit saan mapadpad, wag lang sa uni. tangina nakakapagod din pala, pero infairness, nakakatulong tong pagkausap ko sa sarili ko. after all, ako nalang naman ang natitira sakin. well, my myday friends are AMAZING, and they know me well, they know a lot about me, pero ayoko naman na silang i-bother. my parents? there's a chance they'd listen, of course. pero may chance din na baka isipin nilang excuses lang to lahat. and if they did listen, ayokong mamroblema pa sila sakin, they already have a lot on their plate, with my share being a huge part 😅 i don't know, seryoso, hindi ko na alam. haha.