May 14,2021
Kamusta nga ba ang buhay mo ngayon? Bigyan kita ng konting kwento.
Hindi ko lubusang maintindihan kung bakit nga ba nangyayari saamin to. Maaring pagsubok lang to saamin ng Diyos o marahil parusa dahil tila nakakalimutan na naming lumapit sakanya. Sa araw na to mismo, nakaupo ako sa harap ng aking kompyuter habang nagtatype ako sa keyboard at nakataas ang isang paa ko. Bakit nga ba ako biglang nagsulat ngayon?
Iniisip ko kasi kung ano nga ba ang dadalhin sakin ng tadhana. Sa mga nakaraang araw, linggo at buwan, tila naguguluhan ako saaking sarili. Baliw na nga ba ako? Ilang beses pumapasok sa isipan ko na sumuko nalang at iwanan lahat ng problema pero sa tuwing tinitignan ko ang aking mga magulang, tila di ko kayang sikmurain na mawala nalang ng tuluyan at sila ang sasalo sa aking nararamdaman. Patuloy akong lumalaban sa isang bagay na di ko maintindihan. Sabi nila nasa isip ko lang. May sakit na ba ako? mababaliw na ba ako? baka nga.
Natatakot ako kung ano ang kahinanatnan ko paglipas ng mga taon. Nasa parehong sitwasyon pa rin ba kami na lubog sa utang at patuloy nalang inaapi ng aming mga kamaganak? Kami pa rin kaya ni Mak ang magkakatuluyan? Nasaan na nga ba ako paglipas ng limang taon. Ang dami kong plano sa buhay pero walang kasiguraduhan. Hayyy kakapagod magisip. Sige bukas nalang.










